MTB-MLE
Reinalynn P. Buhat
Layunin
II. Paksa
Aralin 31: Wastong Paggamit ng Enerhiya
Paghinuha sa mga Detalye sa Kuwentong Binasa
Paggamit ng mga Panlapi
MT3F-Iva-c-1.4
MT3A-Iva-i-5.3
MT3RC-IV-i-5.3
MT3G-IVb-2.5
MT3F-Iva-1.5
K M pp. 318-322
PG-pp. 329-332
Kagamitan: tsart
Pagbaybay ng mga Salita
Paglinang sa mga salita
Pagganyak
Bakit mahalaga ang tubig?
Bakit mahalaga ang kuryente?
Pagganyak na Tanong
Ano ang iyong karanasan kung may brownout?
Madilim na Ilaw
ni: Gretel Laura M. Cadiong
Nagmamadaling kinuha ni Teresa ang kaniyang mga aklat at inilagay sa kaniyang bag “Paalam nanay, aalis na po ako.” sabi ni Teresa sabay halik kay Aling Tina
Napabuntong hininga si Aling Tina habang papunta sa silid ng anak at nagsimulang linisin ito. Tambak ng damit sa kama, nakakalat na mga hindi nagamit na papel, tumutulong gripo, at walang takip na toothpaste ang pangkaraniwang tanawin niya tuwing umaga. Pagpunta niya sa kusina tumambad sa kaniya ang hindi naubos na pagkain sa mesa. Napailing na lamang si Aling Tina “O, kailan kaya matututo si Teresa na magtipid? sabi niya sa sarili.
Isang araw, umuwi si Teresa na may dalang sulat mula sa paaralan. Masaya niyang tinanong ang kaniyang ina, “Papayagan nyo po ba akong sumali sa gawain ng mga babaeng iskawt sa Sabado at Linggo sa Barangay Limasawa?
Sandaling nag-isip si Aling Tina at sinabing “Papayagan kita Teresa ngunit lagi mong susundin ang mga utos ng iyong guro.
Araw ng Sabado, kasama na si Teresa sa gawain ng mga Babaeng Iskawt. Hindi nagtagal, nakarating na ang grupo sa Barangay Limasawa, ang pinakamalayong barangay sa kanilang bayan.
Sabik na inakala ni Teresa na magtatayo sila ng tent na kanilang tulugan at pahingahan. Laking gulat niya nang malamang ang bawat isa sa kanila ay sa bahay ng mga residente mananatili.
Si Teresa ay sa pamilya nina Mang Tony at Aling Dora maninirahan. Nalaman niya na wala palang elektrisidad at gripo ng tubig sa lugar kung kaya’t kailangan niyang gumising ng maaga upang sumalok ng tubig na pampaligo. Sa gabi, hindi niya napapanood ang kaniyang paboritong programa at nakapaglalaro ng video games. Higit sa lahat, ang madilim na gabi ang nagpahirap kay Teresa sa paggawa ng mga itinakda ng guro “Ang lamparang gas ay may madilim na ilaw, naisip ni Teresa.
Ang dalawang araw na kamping ay natapos. Masaya si Teresa na umuwi sa bahay nila. Nagpasya siyang gawin ang isang bagay. Ang madilim na ilaw mula sa lamparang gas ang nagturo sa kaniya ng dapat gawin.
Ang hinuha ay matalinong pagpapasiya batay sa nakita, naunang kaalaman, o karanasan. Ito ay isang ideya na hindi tuwirang inilalahad.
Paglinang sa Kasanayan
KM p. 320
2. Nagmamadaling kinuha ni Teresa ang kaniyang mga aklat at inilagay sa kaniyang bag.
3. Masaya si Teresa na umuwi sa bahay nila. Nagpasiya siyang gawin ang isang bagay. Ang madilim na ilaw mula sa lamparang gas ang nagturo sa kaniya ng tamang dapat gawin.
Paglalapat
Ibigay ang inyong hinuha sa mga sumusunod na sitwasyon
Pagtataya
Gawain 4
Km p. 321
Ibigay ang iyong hinuha sa sumusunod na sitwasyon.
2. Tumutulo ang pawis ni Erlin sa kaniyang noo. Tanghaling tapat na ngunit marami pa ring balot ng kakanin sa kaniyang basket. Malakas ang kaniyang sigaw, “Suman, suman masarap na suman!”
3. Nagulat si Allan dahil ang perang ibinigay sa kaniya ng ina ay wala sa kaniyang bulsa. Nang tingnan niyang muli may nakapa siyang butas sa kaniyang bulsa.