MTB-MLE
Reinalynn P. Buhat
Layunin
II. Paksa
Aralin 32: Matulunging Pamayanan
Paksa: Pagsusunud-sunod ng mga Pangungusap ayon sa Pangyayari
Pagtukoy at paggamit ng pang-abay na Panlunan at Pamanahon
MT3LC-IVd-i-3.4
MT3G-IVc-d-1.6.1
MT3F-IVa-i-1.6
K M pp. 329-330
PG-pp. 337-339
Kagamitan: tsart
Aralin sa pagbabaybay:
Pag-aralan ang mga salita
Panlinang na Gawain
Paglinang ng mga Salita:
Pagganyak na Tanong
Sa kanyang panaginip, may sinabi sa kanya ang plastic. Natakot siya sa kanyang nalaman.
Mga Inaasahang katanungan
Plastiko
(Mrs. Raquel C. Solis)
Isang maaliwalas na umaga, habang mabilis na naglalakad si Plas patungong paaralan sa kahabaan ng Camino Street, ang maliit niyang bag ay dumulas sa kanyang kamay.
Nagkalat sa lupa ang mga gamit sa loob ng bag niya habang ang limang piso ay gumulong patungo sa kalapit na basurahan. Agad niyang pinulot ang mga kuwaderno at bolpen .
Sinunod niyang pulutin ang barya.Habang pinupulot niya ito ay may nakita siyang maruming plastic na nakalatag sa ilalim ng basurahan.
Nabigla siya nang magsalita ito.
“Kaibigan ako si Plastiko. Pakilagay namn ako sa tamang tapunan.”
Namangha si Plas. Sa matinding pagkabigla nasabi niya, “Bakit ko naman gagawin?”
Sumagot si Plastiko, “kung iiwan mo ako dito. Maari akong tangayin ng malakas na hangin mamaya o bukas. Kasama ko ang mga kaibigan kong plastic nakabara kami sadaluyan ng mga tubig at nakaharang sa agos nito.
Biglang nagmulat ng mata si Plas. Luminga-linga siya sapaligid at hinanap si Plastiko. Pagkatapos, bumuntunghinga siya, “Ah nananaginip lang pala ako !”
Nang sumunod na araw, pinag-iisipan ni Plas ang mahalagang misyon na gagawin niya.
Paglinang sa Kasanayan
Pagsasadula
Pagsasamuling-kuwento nang pa-rap
Pagsasamuling-kuwento gamit ang usong awit
Gramatikong Kamalayan
Paghahanda
Anong uri ng salita ang pinatutungkulan ng lugar o panahon?
Ang mga salitang nagsasaad kung saan at kailan naganap ang pandiwa ay tinatawag na pang-abay.
Ano ang ipinapahayag ng pang-abay na pamanahon?
Ano ang isinasaad ng pang-abay na panlunan?
Ang pang-abay ay mga salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri, at kapuwa pang-abay.
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos ng pandiwa.
Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa kung saan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos ng pandiwa.
Paglalahat
Gawain 1
Piliin ang pag-abay sa pangungusap at ibigay ang uri nito. Isulat sa iyong sagutang papel.
1. Naglakad kami sa Roxas Boulevard bago nakarating sa bahay.
2. Ang hapunan ay sa ganap na ika-6 nang gabi.
3. Ang ilang kabataang lalaki ay tumakbo patungo sa plasa.
4. Dadalawin namin ang aming kamag-anak sa susunod na Linggo.
5. Natulog si Marilyn sa tent.
Paglalapat
Gawain 2
Piliin ang angkop na pang-abay na pamanahon o pangabay na panlunan upang mabuo ang pangungusap sa ibaba.
Pagtataya