1 of 56

Pagpapakita ng Pagmamahal at Paggalang sa Kapwa

Edukasyon sa Pagpapakatao 1

Quarter 2 Week 4-6

2 of 56

Natutuhan mo sa nakaraang aralín kung paano maipakikita ang pagmamahal at paggalang sa magulang at kasapi ng pamilya. Natuto kang gumamit ng “po” at “opo” at magagalang na pananalita at kilos.

3 of 56

4 of 56

5 of 56

6 of 56

7 of 56

Pag-aaralan mo pa rin ang parehong paksa. Ngayon, nakatuon naman ito sa iyong kapwa.

8 of 56

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahan na makapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa kapwa.

Ang mga halimbawa nito ay ang pagmamano, paghalik sa nakatatanda bílang pagbati, pakikinig habang may nagsasalita, pagsagot ng “po”

at “opo”, at paggamit ng salitang

“pakiusap” at “salamat”.

9 of 56

Maliban sa iyong mga magulang at kasapi ng pamilya, mayroong tinatawag na kapwa. Ang mga ito ay dapat mo ring igalang at mahalin. Kilala mo ba kung sino-sino sila?

10 of 56

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

Kilalanin ang iyong kapwa. Lagyan ng tsek (✓) ang mga larawan na halimbawa ng maituturing mong kapwa. Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi ito kapwa. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

11 of 56

1.

2.

3.

4.

12 of 56

Tulad ng iyong mga magulang at kasapi ng pamilya, mahalaga rin ang ginagampanan ng iyong kapwa. Sila ay ang iyong guro, kaklase, kaibigan, kapitbahay, at kahit na sinong tao o nilalang katulad ng nasa Larawan 1, 2 at 3.

13 of 56

Bawat isa ay may pangangailangang makipag-ugnayan sa iba.

Hindi mo man sila kadugo o kapamilya, nararapat na sila ay iyong igalang at mahalin.

14 of 56

Ngayon naman ay balikan mo ang mga pang-araw–araw na pangyayari sa iyong buhay na kinailangan mo ang iyong kapwa.

15 of 56

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

Lagyan ng tsek (✓) kung kailangan mo ang iyong kapwa ayon sa sitwasyon. Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi mo sila kailangan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

16 of 56

_____ 1. Magpapagupit

ka ng buhok

_____ 2. Magpapatulong ka sa gawain sa aralin

_____ 3. Bibili ka ng pagkain

sa tindahan

17 of 56

_____ 4. Magtatanong

ka ng direksiyon o daan

_____ 5. Magpapatulong

magbuhat ng mabigat

18 of 56

Ilan sa mga sitwasyon sa itaas ang nalagyan mo ng tsek? Marahil ay nilagyan mo ng tsek ang lahat ng bilang. Tama ang iyong naging sagot. Lahat ng nabanggit ay ginagampanan ng iyong kapwa.

19 of 56

Ikaw, paano ka naman nakatutulong sa iba? Kaya mo bang gawin ang ipinakikita sa mga larawan? Ano-ano pa kayang paraan ang maaari mong gawin?

20 of 56

Handa ka na bang ipakita ang iyong paggalang at pagmamahal sa iyong kapwa? Ano-ano ang maaari mong gawin? Paano mo ito isasagawa?

21 of 56

Bilang isang mabuting bata, maaari mong gawin ang sumusunod:

22 of 56

Maipadarama mo ang paggalang gamit ang maayos na pananalita tuwing nakikipag-usap. Ang pagtulong sa kapwa ay pagpapakita rin ng pagmamahal sa kanila.

23 of 56

Magagawa ito para sa mga biktima ng bagyo, sunog, lindol, at pandemya.

24 of 56

25 of 56

26 of 56

27 of 56

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

Isulat ang letrang T kung ang pahayag ay Tama ayon sa binanggit sa tulang binasa. Isulat naman ang M kung Mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

28 of 56

_____1. Maituturing na

kapwa ang kaklase,

kapitbahay, guro at iba pa, maliban sa tindera.

_____2. Dapat tulungan ang

kapwa sa oras ng

pangangailangan.

M

T

29 of 56

_____3. Kabilang sa

tinatawag na kapwa

ang mga pulubi.

_____4. Hindi magandang marinig ang mga salitang “po” at “opo”.

_____5. Magpapasalamat

sa kapwa.

T

M

T

30 of 56

Lagyan ng hugis kung ang bawat sitwasyon ay nagsasaad ng paggalang at pagmamahal sa kapwa. Iguhit naman ang hugis kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

31 of 56

_____6. “Salamat po,

Aling Berta. Salamat din,

Kate.”

_____7. “Maaari po bang makiigib, Mang Tony?”

_____8. “Mano po, Tiya Persy. Tuloy po kayo sa aming bahay. Umalis lang po

saglit si nanay.”

32 of 56

_____9. “Hoy, pabili nga!

Bilisan mo naman.”

_____10. “Wala dito si nanay, alis! Kung hindi ka aalis

ipahahabol kita sa aso namin.”

33 of 56

Sa pagkakataong ito ay tiyak na handa ka nang ipamalas ang iyong natutuhan. Kaya mo na bang magpatuloy sa iba pang mga gawain?

34 of 56

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

Kulayan ng asul ang larawan kung sumasang-ayon ka na ito ang tamang gawin. Kulayan naman ng pula kung hindi ka sumasang-ayon dahil mali ito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

35 of 56

1. Si Aling Tina ay

nasalanta ng bagyo. Binigyan namin sila ng pagkain at mga damit.

2. Naaawa ako sa namamalimos. Inabutan ko siya ng makakain.

36 of 56

3. Maagang naulila ang

bátang si Ben.Kinaibigan ko

siya upang mawala ang kaniyang lungkot.

4. Sinigawan ko at pinalayas ang mga bátang kapitbahay na nakikipanood sa aming TV.

37 of 56

5. Pinagtawanan ko

ang babaeng dumaan sa tapat ng bahay namin dahil lumang-luma na ang kaniyang suot.

38 of 56

Naging makabuluhan ba ang pagsagot mo sa gawain? Nawa ay natukoy mong mali at kinulayan ng pula ang bilang 4 at 5. Huwag mo itong gagawin.

39 of 56

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

Lagyan ng tsek (✓) ang hanay ng iyong sagot sa bawat gawaing nakasaad. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

40 of 56

41 of 56

Isagawa o isadula ang bawat sitwasyon. Sa tulong ng kasama sa bahay, punan ang talaan. Isulat sa isang malinis na papel o bond paper ang talahanayan at ang mga hinihinging impormasyon.

42 of 56

Maari pong pakibilisan?

Narito ang pagkain.

Makikiraan po ako.

43 of 56

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

Punan ng angkop na kilos o gawain ang bawat sitwasyon. Piliin mula sa Hanay B ang angkop na sagot sa sitwasyon na nása Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

44 of 56

B

A

D

C

E

45 of 56

Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:

Kompletuhin ang pangako. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

46 of 56

47 of 56

Gawain sa Pagkatuto Bílang 8:

Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Isulat ang letra ng sagot sa iyong kuwaderno.

48 of 56

  1. Nakita mong hirap na

hirap ang matandang

babae sa pagbibitbit ng dala-dala. Ano ang gagawin mo?

A. Sisigawan siya upang bilisan

B. Agad ko siyang tutulungan

C. Panonoorin ang matanda

49 of 56

2. Inutusan ka ng iyong

tatay na bumili sa malapit

na tindahan. Ano ang sasabihin mo ?

A. “Magandang araw, Aling Martha. Pabili po ako.”

B. “Mantika nga, bilis!”

C. “Pssst, pabili nga.”

50 of 56

3. Nakita mong umiiyak ang

iyong kapitbahay sa isang

sulok dahil nagugutom siya.

Ano ang gagawin mo?

A. Bibigyan ko siya ng pagkain

B. Iinggitin ko pa siya ng aking pagkain

C. Hayaan ko siyang umiyak

nang umiyak

51 of 56

4. Napansin mong hindi

gumagamit ng “po” at “opo”

ang iyong mga kalaro. Ano ang gagawin mo?

A. Pagsasabihan na gumamit ng “po” at “opo”.

B. Babalewalain na lamang ang mga ito.

C. Tutularan ang mga kalaro.

52 of 56

5. Bumisita ang iyong guro sa

inyong bahay. Ano ang gagawin mo?

A. Aabutin ang kamay at magmamano

B. Patutuluyin sa loob ng bahay

C. Parehong gagawin.

53 of 56

Tulad ng kung paano mo igalang at mahalin ang iyong magulang at pamilya, karapat–dapat itong ipakita sa kapwa. Manatiling mabait.

54 of 56

Manatiling mabait. Maging mabuti at matulungin ka sa iba. Ipakita o ipadama ang paggalang sa kapwa.

55 of 56

Bilang pangwakas, masasabi

mo na:

Ang b _ _ _ ng mabait sa

k _ p _ _ ay nagbibigay saya o

t _ _ _

a t a

a

uwa

w a

56 of 56

Binabati kita! Natapos mo na �ang Ika-4 hanggang 6 Linggo sa Ika-2 Markahan ng ating aralin!