1 of 58

Quarter 2:

Week 1

Presented by Maam Joyce

2 of 58

Maikling Balik-aral

Jenifer Kim

Cyintia Luna

Laura Enderson

3 of 58

  1. Base sa naging huling talakayan tungkol sa pag-iimpok, paano mo maiuugnay ang larawan sa itaas? Ipaliwanag.
  2. Paano nakatutulong ang pag-iimpok sa isang pamilya?

Mga Tanong:

4 of 58

Panuto: Tukuyin ang mga pangangailangan ng isang bata o mag-aaral na tulad mo. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Ilista ito sa loob ng kahon.

Gawain: 1 ALAM KO ‘YAN!

5 of 58

6 of 58

  1. Ano ang papel na ginagampanan ng mga magulang o iba pang kasapi ng pamilya sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang anak?
  2. Bakit mahalaga na matugunan ang mga pangangailangang ito?
  3. Bilang isang anak, ano ang iyong ginagawa upang masuklian ang kanilang mga tulong o sakripisyo upang tugunan ang iyong pangangailangan?

Mga Tanong:

7 of 58

2.

IBIGAY MO!

1.

8 of 58

  1. Tungkulin 4. Pamilya
  2. Edukasyon 5. Kaalaman
  3. Kasanayan 6. Pagpapahalaga

Panuto: Alugin ang box na naglalaman ng dice. Base sa iyong nakuhang numero ay ibigay ang hinihingi nito sa bawat konsepto na nasa ibaba.

9 of 58

Kahulugan ng mga salita:

10 of 58

ang gawain o obligasyon na dapat gampanan ng isang tao, grupo, o organisasyon, na may kaakibat na pananagutan, bilang bahagi ng kanilang posisyon o layunin sa lipunan

Tungkulin

11 of 58

pangunahing yunit ng lipunan.

Pamilya

12 of 58

isang karapatan na dapat natatanggap ng bawat tao upang mapaunlad ang kaniyang kaalaman, pagpapahalaga, at kasanayan.

Edukasyon

13 of 58

ang kabuuan ng impormasyon, datos, at mga bagay na natutuhan mula sa karanasan, pag-aaral, at obserbasyon upang maunawaan ang mundo o tiyak na larangan.

Kaalaman

14 of 58

ang kapasidad at estado ng pagiging mahusay at bihasa sa isang gawain o larangan na nagpapakita ng mataas na antas ng husay at galing.

Kasanayan

15 of 58

pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan.

Pagpapahalaga

16 of 58

Mga Tungkulin ng Pamilya sa Edukasyon ng Bawat Bata

17 of 58

Ang pamilya ang pangunahing yunit ng komunidad. Ito ay binubuo ng mga miyembro tulad ng ama, ina, at mga anak. Ang bawat miyembro ay may tungkulin sa lipunang kaniyang ginagalawan. Pagdating usaping sa pang-edukasyon, tungkulin ng isang pamilya, lalong-lalo na ng mga magulang, na maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak.

18 of 58

Ang pamilya rin ang dapat maging pangunahing gabay ng mga anak sa pagiging mabuting mamamayan at mag-aaral. Kasama sa karapatang ito ay ang tungkulin ng mga magulang na ikaw ay turuan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga magulang ang itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak sa tahanan. Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng malayang pagganap sa mga tungkuling ito kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap dito.

19 of 58

20 of 58

IKALAWANG ARAW

21 of 58

Narito ang mga tungkulin ng mga magulang at miyembro ng pamilya sa edukasyon ng bata.

22 of 58

Ang magulang ang unang guro ng bata na nakaaapekto sa kanilang kognitibo, panlipunan, at emosyonal na pag-unlad sa murang edad. Ang positibong pakikisalamuha sa loob ng pamilya ay nakatutulong sa paghahanda ng bata para sa paaralan, kasama na ang pagpapalawak ng wika, mga kakayahan, at kasanayan. Tulad na lamang ng pagsulat at tamang pakikipag-usap o pakikitungo sa kapwa.

1. Pagiging Unang Guro:

23 of 58

Ang pamilya ang siyang bumubuo ng pananaw ng isang bata sa pag-aaral at edukasyon. Kung mahalaga sa mga magulang at binibigyang-pansin ang edukasyon, magtataguyod o magkakaroon ang isang bata ng positibong pananaw sa pag aaral. Ang pakikilahok sa mga gawain sa bahay na may kinalaman sa edukasyon, tulad ng pagbasa, pag sulat, pagguhit, at diskusyon, ay maaaring magpalago ng pagmamahal sa edukasyon.

2. Paghubog sa Pananaw sa Pag-aaral:

24 of 58

Ang pamilya na nagbibigay ng suporta at maayos na kapaligiran sa tahanan ay nakakaapekto nang positibo sa tagumpay ng bata sa kanilang pag aaral. Kasama rito ang pagkakaroon ng tahimik na lugar para sa paggawa ng mga takdang-aralin, pagsusulong ng mabuting kaugalian sa pag-aaral at pagtatakda ng mga inaasahang kilos ng isang mapanagutang mag-aaral.

3. Pagtulong sa Kaunlarang Pang-akademiko:

25 of 58

Ang pamilya ang siyang humuhubog sa pagpapahalaga at disiplina ng bata. Ito ay nakaiimpluwensiya sa pag-uugali at pagganap ng isang bata sa paaralan. Ang mga miyembro ng pamilya ay maaaring makatulong na magtanim ng isang matibay na moral at tamang asal sa pagganap sa responsibilidad bilang isang mag-aaral na mahalagang isakilos sa loob at labas ng paaralan.

4. Paghubog sa mga Pagpapahalaga at Disiplina:

26 of 58

Ang emosyonal na suporta mula sa pamilya ay mahalaga para sa kapakanan at tagumpay ng isang bata sa paaralan. Ito ay nagbibigay ng positibong pag-iisip, na nakakaapekto naman sa kakayahan ng isang bata na matuto. Ang bukas na komunikasyon sa loob ng pamilya ay tumutulong sa mga bata na harapin ang mga hamon sa buhay bilang isang mag-aaral at bumuo ng mga interpersonal na kasanayan.

5. Pabibigay ng Sosyal at Emosyonal na Suporta:

27 of 58

Ang mga pamilyang nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pag-aaral o patuloy na pagkuha ng kaalaman ay nakakatulong sa pag-unawa ng isang bata na ang edukasyon ay higit pa sa loob ng silid-aralan. Ang pananaw na ito ay maaaring humimok ng pagkamausisa at pag-iisip ng kritikal ng isang bata.

6. Paghikayat tungo sa Lifelong Learning:

28 of 58

Ang pamilya ang siyang nagtuturo sa isang bata na makagawa ng mabuting pagpapasiya sa pamamagitan ng paggabay at pabibigay sa kaniya ng laya na magpasiya para sa kaniyang sarili. Ang mga pagpapasiyang isasagawa ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda ang siyang magdidikta kung anong uri ng tao sila magiging sa hinaharap at kung anong landas ang kanilang pipiliing tahakin.

7. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya.

29 of 58

Panuto: Magbalik-tanaw sa mga tulong at sakripisyo na ginawa ng iyong pamilya. Base sa ating naging talakayan sa tungkulin ng iyong pamilya sa iyong edukasyon, tukuyin kung ano-ano na ang kanilang mga nagawa, naging paalala, at payo tungkol sa iyong pag-aaral upang hubugin ka. Gamitin ang gabay sa pagsagot sa ibaba at ilagay ang kasagutan sa loob ng kahon.

Gawain: 2 PAYO MO’Y TAGUMPAY KO!

30 of 58

31 of 58

32 of 58

Panuto: Bilang isang anak, magbigay ng tatlong (3) tungkulin ng pamilya sa edukasyon ng bata na gusto mong matanggap mula sa iyong sariling pamilya. Ilagay ito sa loob ng regalo.

Gawain: 3 NATATANGING HILING

33 of 58

34 of 58

  1. 1. Bakit ito ang mga napili mong tungkulin na gusto mong matanggap mula sa iyong pamilya?
  2. Sa iyong palagay, paano ito makakatulong sa iyo? Ipaliwanag.
  3. Paano mo maipababatid sa iyong pamilya ang iyong inaasahang tungkulin mula sa kanila?

Mga Tanong:

35 of 58

IKATLONG ARAW

36 of 58

Pagtupad sa Tungkulin sa Sariling Edukasyon Bilang Pagtugon sa Tungkulin ng Pamilya

37 of 58

Mga Tungkulin ng Mag-aaral sa Sariling Edukasyon

38 of 58

Ang pagbuo ng mga magandang gawi sa pag-aaral ang makatutulong upang mas mahasa mo ang iyong kakayahan at mailabas mo ang iyong mga potensyal. Maging masipag sa pag-aaral dahil hindi lamang ito para sa iyong sarili, kundi maging para sa paaralan, at lalo na sa iyong pamilya.

1. Mag-aral nang mabuti.

39 of 58

Nag-aaral ka upang matuto. Sabi nga nila hindi ka nasa paaralan para lamang sa baon araw-araw. Ang iyong masidhing pagnanais na matuto ang tutulong sa iyong isip upang gumana nang maayos. Walang mahirap sa isang taong nagpupursigi at may dedikasyon.

2. Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto.

40 of 58

Hindi natin maikakaila ang halaga ng pagkakaroon ng mataas na marka. Ito ay maaari mong magamit upang makapasok sa magandang paaralan kapag ikaw ay pumasok sa kolehiyo. Ngunit dapat mong tandaan na ang mataas na marka ay pangalawa lamang, ang tunay mong layunin sa pag-aaral ay upang matuto at magkaroon ng kaalaman.

3. Pataasin ang mga marka.

41 of 58

Mahalaga ito sa proseso ng iyong pagsisikap na matuto. Gamitin nang mahusay ang kakayahan sa pakikinig, sa pagbabasa, sa pagsusulat at sa pagsasalita. Mahalagang kahiligan ang pagbabasa upang malinang ang kakayahang mag-isip, magtanong, magmasid, at magnilay.

4. Gamitin ang kakayahan sa komunikasyon nang buong husay.

42 of 58

Binigyan ka ng sariling pag-iisip kung kaya hindi mo dapat hinahayaan na iba ang nag-iisip para sa iyo. Wala nang iba pang makapagpapalakas sa isip kundi ang palagi itong gamitin.

5. Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip.

43 of 58

Mas marami kang kakaharaping suliranin sa yugtong ito. Kadalasan ito ay suliranin sa iyong pakikipag-ugnayan. At sa mga pagkakataong ito, bumubuo ka ng mga pagpapasya. Siguraduhing pipiliin mo lamang ang kabutihan.

6. Matutong lutasin ang sariling mga suliranin.

44 of 58

Hindi lang sa harap ng libro umiikot ang mundo sa loob ng paaralan. Makihalubilo ka sa iba pang mga mag-aaral. Lumahok ka sa mga pangkatang gawain para matutuhan mo ang mamuno at sumunod. Ito ang isa sa mga kasanayang kakailanganin mo sa iyong buong buhay.

7. Makilahok sa mga gawain sa paaralan.

45 of 58

IKAAPAT NA ARAW

46 of 58

ARTE, ARAL, AKSYON!

47 of 58

Panuto: Ang klase ay hahatiin sa limang grupo at ang bawat grupo ay makakatanggap ng isang tungkulin ng pamilya. Pagkatapos ay gumawa ang bawat grupo ng dalawa hanggang tatlong (2-3) minutong skit kung paano tutugon ang isang mag-aaral sa tungkuling ito sa pamamagitan ng pagtugon sa iyong tungkulin bilang isang mag-aaral.

48 of 58

49 of 58

  1. Base sa ipinakitang skit, paano ninyo natugunan ang inyong tungkulin sa edukasyon bilang pagpapahalaga sa suporta na inyong natatanggap mula sa pamilya?
  2. Ang mga ito ba ay inyong isinasagawa sa totoong buhay? Ipaliwanag ang sagot?
  3. Ano ang mga hadlang sa pagtupad sa inyong mga tungkulin bilang isang anak at mag-aaral? Paano ninyo ito mapagtagumpayan?
  4. Ano ang kahalagahan ng pagtugon sa tungkulin mo bilang isang anak at mag aaral? Ipaliwanag.

Mga Tanong:

50 of 58

PAGNILAYAN AT IPALIWANAG ANG KASABIHAN

51 of 58

52 of 58

  1. Alin sa mga sumusunod na batas ang nangangalaga at nagtataguyod ng karapatan ng lahat ng mamamayan para sa pagkakaroon ng batayang edukasyon na may kalidad at bukas para sa lahat?
  2. Batas Republika Blg. 9155
  3. Batas Republika Blg. 10931
  4. Batas Republika Blg. 11476
  5. Convention on the Rights of Children Article 28

PAGTATAYA

53 of 58

2. Ang mag-asawang sina Juan at Maria ay nais bigyan ng magandang pundasyon sa pagsulat at pagbasa ang kanilang anak na si Sofia, na pitong (7) taong gulang. Tuwing hapon, sila ay naglalaan ng dalawang (2) oras para turuan siyang magbasa. Anong tungkulin ng pamilya sa edukasyon ng anak ang kanilang ginagampanan?

  1. Pagiging Unang Guro
  2. Paghikayat tungo sa Lifelong Learning
  3. Paghubog sa mga Pagpapahalaga at Disiplina
  4. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasya

54 of 58

3. Mahalaga kay Robert na maturuan ang kaniyang anak na si Miguel ng magandang pag-uugali kaya naman tinuruan niya si Miguel ng pagrespeto sa matanda gamit ang po at opo pati na rin ang pagmamano. Sa tulong nito natutuhan ni Miguel ang pagiging mabuti at maunawain. Anong tungkulin ng pamilya sa edukasyon ng anak ang ipinapakita ni Robert?

  1. Pagiging Unang Guro
  2. Paghikayat tungo sa Lifelong Learning
  3. Paghubog sa mga Pagpapahalaga at Disiplina
  4. Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya

55 of 58

4. Si Andrea, isang estudyante sa ika-anim na baitang, ay mayroong malaking pagsusulit sa Math kinabukasan. Sa kaniyang kuwarto, mahigpit na nagtuon si Andrea sa pag-aaral. Anong tungkulin bilang isang mag-aaral ang kaniyang ginampanan?

  1. Pagpapataas ng marka.
  2. Pag-aaral nang mabuti.
  3. Pakikilahok sa mga gawain sa paaralan.
  4. Paggamit ng kakayahan sa komunikasyon nang buong husay.

56 of 58

5. Ang mga mag-aaral lamang ang may mahalagang papel sa paghubog at pamamahala sa kanilang edukasyon. Ano ang masasabi mo sa pangungusap?

  1. Ito ay tama.
  2. Ito ay mali.

57 of 58

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore magna aliqua. Ut enim ad minim veniam, quis nostrud exercitation ullamco laboris nisi ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis aute irure dolor in reprehenderit in voluptate velit esse cillum dolore eu fugiat nulla pariatur.

Result

58 of 58

thank

you