1 of 97

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

2 of 97

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

    • Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.
    • Naipahahayag ang kahalagahan at layunin ng paggawa.
    • Nasusuri ang iba’t ibang layunin ng paggawa.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

Unauthorized resale is prohibited.Please support educators

and students by purchasing exclusively from our official website.

3 of 97

UNANG ARAW

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

4 of 97

“Service Relay”

📝 Mechanics:

1. Hatiin ang klase sa grupo.

2. Ihanda ang Task Basket�3. Relay style – bawat miyembro ay tatakbo sa unahan, bubunot ng isang papel, at magpapakita (through action/gesture o mabilis na skit ng 10–15 seconds) kung paano isasagawa ang gawaing iyon.

4. Kapag tama ang hula ng grupo, makakakuha sila ng puntos.

5. Panalo ang grupong may pinakamaraming puntos.

5 of 97

“Service Relay”

Reflection Mission:

1. Bakit ang paglilingkod ay nagpapakita ng respeto sa dignidad ng tao?

2. Ano ang pinakamaliit na gawain na nagawa mo na nakapagbigay ng malaking tulong sa iba?

3. Kung ikaw ay may kapangyarihan, paano mo gagamitin ang paggawa para makatulong sa komunidad?

4. Ano ang natutunan mo mula sa larong ito tungkol sa paggawa at paglilingkod?

5. Paano mo maipapakita ang paggawa bilang paglilingkod araw-araw?

6 of 97

TALAKAYAN

Alin sa sumusunod ang iyong gawi kapag gumagawa ng isang bagay?

1. Kapag ako ay gumagawa, ako ay…

❖ Kasimbagal ng pagong

❖ Kasimbilis ng rabbit

2. Kapag ako ay inatasan ng isang gawain…

❖ Ginagawa ko kaagad

❖ Ipinagpapaliban ko muna

7 of 97

TALAKAYAN

3. Mas gusto kong gumawa kapag

❖ Ako ay nag-iisa lang

❖ Marami akong katulong

4. Kapag ako ay gumagawa…

❖ Tinatapos ko muna bago ako magpahinga

❖ Nagpapahinga muna ako kahit hindi pa tapos

5. Sa paraan ng paggawa…

❖ Ako ay masinop at malinis sa paligid

❖ Hinahayaan kong makalat at magulo ang paligid

8 of 97

TALAKAYAN

3. Mas gusto kong gumawa kapag

❖ Ako ay nag-iisa lang

❖ Marami akong katulong

4. Kapag ako ay gumagawa…

❖ Tinatapos ko muna bago ako magpahinga

❖ Nagpapahinga muna ako kahit hindi pa tapos

5. Sa paraan ng paggawa…

❖ Ako ay masinop at malinis sa paligid

❖ Hinahayaan kong makalat at magulo ang paligid

9 of 97

TALAKAYAN

Sagutan ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili?

2. Makatutulong ba ang iyong mga gawi sa paggawa? Ipaliwanag.

3. Paano mo mapapaunlad ang iyong gawi sa paggawa?

10 of 97

Suriin ang grap. Sagutan ang sumusunod na katanungan.

1. Tungkol saan ang graph?

2. Alin ang may pinakamaraming populasyon? Alin ang may pinakamaliit?

3. Ano ang kongklusyon na maaari mong sabihin batay sa grap?

11 of 97

Ang gawi at pananaw sa paggawa ay maaaring makatutulong o hindi makatulong upang matapos ang gawain. Kung positibo ang iyong pananaw para sa isang gawain, ito ay ginagawa mo nang may kaluguran at malalim na dahilan. Mahalagang natitiyak natin ang ating layunin sa paggawa at nakikita natin ang kabuluhan nito para sa sarili at sa kapwa. Ang tao ay may mataas na pagturing sa paggawa lalo na kung tiyak niya ang kanyang layunin at nakatuon dito ang kanyang isip at damdamin. Ang walang pagpapahalaga sa gawain at hindi nakikita ang dignidad nito, kalimitan ay tamad. Ngunit ang isang taong nagpapahalaga sa dangal ng gawain ay maraming natatapos gawin.

12 of 97

Suriin ang mga larawan at sagutan ang sumusunod na katanungan sa iyong notbuk.

1. Ano ang ginagawa ng mga nasa larawan? Bakit kaya nila ito ginagawa?

2. Ano ang kanilang layunin sa kanilang paggawa?

3. Bakit magkakaiba ang kanilang layunin?

4. Sino sa kanila ang may pinakamalalim na dahilan kung bakit sila gumagawa? Pangatuwiranan.

5. Bakit makabuluhan ang paggawa? Ipaliwanag

13 of 97

PAGTATAYA

14 of 97

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

15 of 97

  1. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa paggawa maliban sa:

a. Anumang gawaing makatao, nararapat sa tao bilang anak ng Diyos

b. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kanyang kapwa

c. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa

d. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain

16 of 97

2. Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa isa.

a. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kanyang pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.

b. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kanyang panahon ay kanyang inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.

c. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang siya sa kaunting barya na ibibigay ng kanyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.

d. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng kanyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroong siyang naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabaho rito ng ilang taon.

17 of 97

3. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan ang kanyang pangunahing pangangailangan. Alin sa pangungusap ang tama?

a. Likas sa tao na unahing tugunan ang kanyang pangunahing pangangailangan.

b. Hindi mabibili ng tao ang kanyang pangangailangan kung wala siyang pera.

c. Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.

d. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili

18 of 97

4. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao paggawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya?

a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kanyang pagkalamikhain.

b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.

c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.

d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.

19 of 97

5. Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?

a. Si Antonino na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo

b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga

c. Si Romeo na nag-e-export ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa

d. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.

20 of 97

Gabay sa Pagwawasto ng Kasagutan

1. B

2. D

3. A

4. C

5. C

21 of 97

IKALAWANG ARAW

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

22 of 97

Layunin ng aralin na:

1. Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o barangay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.

2. Napahahalagahan ang dignidad ng paggawa.

3. Nakagagawa ng paglilingkod sa kapwa.

23 of 97

Basahin ang bahagi ng tula ni Jose Corazon de Jesus na pinamagatang “Manggagawa”. Sagutan ang sumusunod na katanungan.

“Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday

alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;

mga apoy ng pawis mong sa bakal ay kumikinang

tandang ikaw ang may gawa nitong buong santinakpan.”

1. Ano ang gawain ng manggagawa sa tula?

2. Sino sa palagay mo ang manggagawa? Pangatuwiranan.

3. Ano ang patunay na napakahalaga ng ginagawa ng manggagawa?

24 of 97

Basahin ang kuwento ni Tony Meloto. Sagutan ang sumusunod na katanungan.

1. Sino si Tony Meloto?

2. Ano ang kanyang hanapbuhay?

3. Ano ang kanyang ginawa? Paano niya ito sinimulang gawin?

4. Ano kaya ang nagtulak sa kanya na itatag ang Gawad Kalinga? Marangal ba ang kanyang ginawa?

5. Ano ang iyong naging damdamin o kaisipan sa kwento ng buhay ni Tony?

25 of 97

1. Alin sa mga gawaing ito ang mas marangal? Bakit?

2. Gaano kahalaga para sa lipunan ang kanilang gawain? Pangatuwiranan.

Suriin ang mga larawan at sagutan ang sumusunod na katanungan.

26 of 97

Hindi lamang tayo gumagawa para mabuhay at maging ganap. Sa wastong paggamit ng talino at kakayahan sa paggawa, makapaglilingkod at makatutulong tayo sa kapwa. Isa rin sa layunin natin ng paggawa ay upang maging daluyan din tayo ng pagpapala sa iba. Ang paggawa ay dapat na para rin sa ikauunlad ng iba. Sa gayon, naitataas din natin ang dangal ng paggawa at ang dangal ng kapwa.

Suriin ang mga larawan at sagutan ang sumusunod na katanungan.

27 of 97

Magtala ng tiglimang gawain sa paaralan, tahanan at pamayanan. Suriin ang antas ng iyong kasiyahan sa paggawa nito (5 ang pinakamataas)

Takdang Aralin

28 of 97

  1. Ang paggawa ay nakatutulong sa pagtamo ng personal na kaganapan at paraan ng ________________________.

2. Anumang gawain na ginawa nang mahusay ay nagdudulot ng ________________________.

3. Sa pamamagitan ng ________________________, naipadarama natin ang kanyang pag-unlad at karangalan.

4. Sa anumang larangan ng paggawa at paglilingkod sa kapwa ay naipapakita natin ang ________________________.

5. Hindi sukatan ng antas ng kasiyahan ang mataas na posisyon sa trabaho kundi ang buting naidudulot nito para sa ________________________.

Punan ang patlang. Piliin ang pinakaangkop na sagot sa loob ng kahon

29 of 97

IKATLONG ARAW

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

30 of 97

AKTIBIDAD

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

31 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

Panuto: Sa aktibidad na ito, magsasagawa kayo ng isang survey o panayam sa mga manggagawa sa inyong komunidad, partikular na mga nagtatrabaho sa bokasyonal o teknikal na larangan (tulad ng mekaniko, karpintero, tubero, o iba pang teknikal na propesyon). Gamit ang inyong panayam, bubuo kayo ng isang sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng kanilang paggawa sa sarili, sa komunidad, at sa lipunan.

32 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Aktibidad:

33 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

    • Pagbuo ng Grupo:
      • Bumuo ng grupo na binubuo ng 4-5 miyembro. Magtalaga ng mga responsibilidad sa bawat miyembro—may tagapagpanayam, taga-sulat, taga-dokumentaryo, at tagapagbuo ng sintesis.

34 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

2. Pagpili ng Manggagawa:

      • Pumili ng mga manggagawa mula sa inyong komunidad na nasa teknikal o bokasyonal na trabaho. Halimbawa, mekaniko, karpintero, tubero, pintor, o mga manggagawa sa konstruksyon.
      • Siguraduhing magkaroon ng pahintulot mula sa manggagawa bago isagawa ang panayam.

35 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

3. Pagbuo ng Mga Katanungan para sa Panayam:

      • Gumawa ng 5-7 tanong na magtutuon sa kanilang karanasan sa trabaho, mga hamon na kanilang kinakaharap, at kung paano nila nararamdaman na ang kanilang trabaho ay nakakatulong sa kanila at sa kanilang komunidad. Narito ang ilang mungkahi:

36 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

1.Ano po ang pinili ninyong bokasyonal o teknikal na trabaho at bakit?

2. Ano ang pinakamahalagang aral na natutunan ninyo mula sa inyong trabaho?

3.Ano ang mga hamon na inyong kinakaharap bilang isang manggagawa sa inyong larangan?

37 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

4. Paano nakatutulong ang inyong trabaho sa inyong pamilya at sa komunidad?

5. Sa inyong palagay, paano pinapakita ng inyong trabaho ang dignidad ng paggawa?

6. Ano ang pinakakapaki-pakinabang na aspeto ng inyong trabaho para sa lipunan?

38 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

7. Paano ninyo pinapangalagaan ang inyong dignidad bilang manggagawa sa araw-araw na gawain?

39 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

4. Pagsasagawa ng Panayam:

      • Itala ang sagot ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pag-record (kung pinapayagan) o pagsusulat ng mga sagot sa inyong talaan.
      • Maging magalang at pasalamatan ang inyong kausap sa kanilang oras.

40 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

5. Pagsusuri ng Mga Sagot:

      • Pagkatapos ng panayam, tipunin ang mga sagot at suriin ang mga ito bilang grupo. Maghanap ng mga pangunahing tema o konsepto na lumalabas mula sa kanilang mga karanasan.

41 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

6. Pagbuo ng Sintesis:

      • Mula sa mga naipong sagot, gumawa ng sintesis o buod ng mga natutunan tungkol sa kabutihang naidudulot ng kanilang paggawa. Siguraduhing ipaliwanag kung paano ang kanilang trabaho ay nakakatulong sa kanilang sarili (sa aspeto ng dignidad at kaligayahan), sa kanilang pamilya, at sa komunidad.

42 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

    • Halimbawa, maaari ninyong sabihin na "Sa kabuuan, ang mga manggagawang napagtanungan namin ay nakadarama ng kasiyahan sa kanilang paggawa dahil ito ay nagdudulot ng personal na pag-unlad at nagbibigay ng mahalagang kontribusyon sa komunidad."

43 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

7. Pagpresenta ng Sintesis:

      • I-presenta ang inyong natutunan sa klase sa pamamagitan ng isang maikling ulat o presentation. Siguraduhing i-highlight ang mga karanasan at opinyon ng mga manggagawang inyong ininterbyu, at kung paano sila nagiging inspirasyon para sa iba sa pamamagitan ng kanilang trabaho

44 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

Kategorya

Pamantayan

Puntos

Kumpletong Panayam

Nakasagawa ng panayam sa tamang bilang ng manggagawa at nakapagbigay ng malinaw na talaan ng mga sagot.

30

Kalidad ng Katanungan

Nagsama ng makabuluhang tanong na nakatutok sa kabutihang naidudulot ng paggawa sa sarili at komunidad.

20

45 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

Pagsusuri ng Sagot

Naipakita ang mahusay na pagsusuri ng mga sagot at nahanap ang mahahalagang tema.

20

Sintesis

Malinaw at lohikal na pagbuo ng sintesis, naipaliwanag ang kontribusyon ng paggawa sa dignidad ng tao.

20

Kooperasyon ng Grupo

Maayos na kooperasyon ng bawat miyembro ng grupo sa pagsasagawa ng gawain.

10

46 of 97

IKAAPAT NA ARAW

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

47 of 97

Layunin ng aralin na:

1. Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o barangay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.

2. Napahahalagahan ang dignidad ng paggawa.

3. Nakagagawa ng paglilingkod sa kapwa.

48 of 97

TALAKAYAN

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Sa talakayang ito, ating pag-aaralan kung paano ang paggawa ay hindi lamang isang pisikal na aktibidad kundi isang malalim na pagpapahayag ng dignidad ng tao. Ang paggawa ay may kakayahang magbigay ng halaga at kahulugan sa buhay ng bawat indibidwal dahil ito ay nagiging daan upang maipakita ang kanyang kakayahan at ambag sa lipunan.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

49 of 97

1. Paggawa at Dangal ng Tao

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

50 of 97

Ang paggawa, ayon sa mga klasikong konsepto ng moralidad, ay hindi lamang limitado sa materyal na bagay o kita na natatanggap. Halimbawa, ang isang taong nagtatrabaho bilang guro ay hindi lamang nakatuon sa sweldo; mas malalim ang layunin ng isang guro dahil ang kanilang trabaho ay isang paraan upang makapag-ambag sa edukasyon ng mga kabataan at makatulong sa paghubog ng kanilang kinabukasan.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

51 of 97

Sa ganitong paraan, ang paggawa ng guro ay hindi lamang nagpapakita ng kanilang galing at talino kundi ito rin ay isang paraan ng pagpapanatili ng dangal ng tao.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

52 of 97

2. Paggawa Bilang Ambag sa Lipunan

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

53 of 97

Kapag ang tao ay gumagawa, tulad ng isang manggagawa sa pabrika, hindi lamang siya gumagawa para sa kanyang sarili o pamilya. Sa mas malawak na perspektiba, ang produkto ng kanyang paggawa—mga gamit, kasuotan, o pagkain—ay nagsisilbing mahalagang bahagi ng sistema ng ekonomiya.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

54 of 97

Ang bawat manggagawa ay isang haligi ng lipunan, at ang kanilang kontribusyon ay isang uri ng paglilingkod sa kapwa dahil ito ang nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

55 of 97

3. Pag-unlad ng Agham at Teknolohiya

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

56 of 97

Sa modernong panahon, ang paggawa ng tao ay hindi lamang limitado sa pisikal na gawain. Ang pagsulong ng teknolohiya at agham ay isang halimbawa kung paano ginagamit ng tao ang kanyang talino upang magdala ng progreso.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

57 of 97

Halimbawa, ang mga software developer na gumagawa ng mga bagong aplikasyon ay may kakayahang makapagpabuti ng sistema ng kalusugan o edukasyon sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang kanilang trabaho ay nagiging instrumento upang mapabuti ang pamumuhay ng maraming tao. Sa ganitong paraan, ang paggawa ay nagiging isang mahalagang bahagi ng pagsulong ng lipunan.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

58 of 97

4. Moralidad at Kultura sa Paggawa

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

59 of 97

Isa sa mga pinakamatinding hamon sa paggawa ay ang pagsunod sa moralidad. Hindi lahat ng trabaho ay itinuturing na etikal, at dito pumapasok ang moral na pamantayan sa paggawa. Halimbawa, ang mga taong nagnanais ng mabilisang yaman ay maaaring maengganyo sa mga gawain tulad ng ilegal na droga o sugal.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

60 of 97

Ngunit ang mga ganitong gawain ay sumisira sa dignidad ng tao at ng lipunan. Sa kabilang banda, ang mga taong sumusunod sa tamang landas ng paggawa, tulad ng pagtitinda sa merkado o pagnenegosyo nang tapat, ay nagpapakita ng mataas na antas ng etika. Ito ay nagpapakita na ang paggawa ay hindi lamang para sa personal na kapakanan kundi para rin sa kabutihang panlahat.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

61 of 97

5. Ang Paggawa Bilang Paggalang sa Kapwa

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

62 of 97

Ang paggawa ay hindi lamang tungkol sa pansariling pag-unlad. Halimbawa, ang isang doktor ay hindi lamang nagtatrabaho upang kumita ng pera; ang kanyang tunay na layunin ay upang magligtas ng buhay at mapanatili ang kalusugan ng iba.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

63 of 97

Ang paggawa bilang serbisyo sa kapwa ay isang napakalalim na anyo ng dignidad ng tao dahil ito ay nagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa kapwa.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

64 of 97

Mga Halimbawa:

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

65 of 97

    • Halimbawa 1: Isang magsasaka ang buong araw na nagtatrabaho sa bukid. Ang kanyang kita ay hindi kalakihan, ngunit ang kanyang dignidad ay nagmumula sa kanyang kaalaman na siya ay nagbibigay ng pagkain sa maraming tao.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

66 of 97

    • Halimbawa 2: Ang isang nars na nagtatrabaho sa ospital ay nag-aalaga ng mga pasyente. Kahit na pagod na pagod, patuloy siyang nagsisilbi dahil alam niyang ang kanyang ginagawa ay may malalim na kahulugan at nakatutulong sa iba.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

67 of 97

    • Halimbawa 3: Ang isang negosyante na nagtataguyod ng maliit na negosyo ay hindi lamang nagiging matagumpay para sa sarili. Siya rin ay nagbibigay ng hanapbuhay sa iba at nakakatulong sa ekonomiya ng kanilang komunidad.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

68 of 97

Pagtataguyod ng Dignidad ng Media Workers at Karapatan sa Trabaho

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

69 of 97

Ang karapatan ng mga manggagawa sa media ay napakahalaga sa pagpapalaganap ng kalayaan sa pamamahayag at paghahatid ng tama at napapanahong impormasyon sa publiko. Ayon sa ulat ng Philippine News Agency noong Setyembre 23, 2022, ang Commission on Human Rights (CHR) ay nagpahayag ng suporta sa pagpasa ng panukalang Media Workers' Welfare Act sa House of Representatives.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

70 of 97

Ang batas na ito ay naglalayong pagbutihin ang kalagayan ng mga manggagawa sa media sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na proteksyon at mga benepisyo upang matiyak ang kanilang kaligtasan at dignidad sa trabaho.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

71 of 97

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga media workers ay magkakaroon ng overtime pay, night shift premiums, at ang kanilang sahod ay hindi bababa sa minimum wage na itinakda sa kanilang rehiyon. Kasama rin dito ang pagkakaroon ng hazard pay lalo na kapag sila ay na-assign sa mga mapanganib na lugar, at bibigyan sila ng kaukulang safety gear.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

72 of 97

Karagdagan pa, ang panukala ay nagtatakda na ang mga media workers ay magiging regular na empleyado pagkatapos ng anim na buwan ng tuloy-tuloy na pagtatrabaho.

73 of 97

Ayon kay CHR Executive Director Jacqueline Ann de Guia, mahalagang tiyakin na may sapat na proteksyon ang mga manggagawa upang mapanatili ang kanilang dignidad habang ginagampanan nila ang kanilang mahalagang tungkulin sa lipunan. Binigyang-diin din niya na sa kabila ng mga banta sa kanilang kaligtasan, dapat pa ring patuloy na maitaguyod ang kanilang karapatan at dignidad bilang mga manggagawa.

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

74 of 97

IKALIMANG ARAW

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

75 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

PAGSUSULIT

76 of 97

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

Panuto: Basahin ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang sagot. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

77 of 97

1.Ano ang pangunahing dahilan kung bakit mahalaga ang paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao?

a. Upang kumita ng pera

b. Upang magkaroon ng kapangyarihan

c. Upang mapanatili ang respeto at dignidad ng isang indibidwal

d. Upang mapansin ng ibang tao

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

78 of 97

2. Paano ipinapakita ng mga manggagawa ang dignidad sa kanilang trabaho?

a. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mataas na sahod

b. Sa pamamagitan ng pagsasakripisyo at pagbibigay ng serbisyo para sa kapakanan ng iba

c. Sa pagtatrabaho lamang para sa pansariling kapakinabangan

d. Sa pagpapakita ng kapangyarihan sa kanilang mga kasama

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

79 of 97

3. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng panayam sa mga manggagawa sa komunidad?

a. Upang malaman ang kanilang sikreto sa trabaho

b. Upang maunawaan ang kanilang kontribusyon sa lipunan at kung paano nila pinahahalagahan ang kanilang dignidad

c. Upang makuha ang kanilang mga posisyon

d. Upang maikumpara ang sahod nila sa ibang trabaho

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

80 of 97

4. Ano ang pinakamainam na paraan upang maipakita ng isang manggagawa ang kanyang dignidad?

a. Sa pagkakaroon ng mataas na kita

b. Sa paggawa ng kanyang trabaho ng tapat at mahusay

c. Sa pakikipagtalo sa kanyang amo

d. Sa hindi pagtanggap ng mga hamon sa trabaho

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

81 of 97

5. Ano ang pangunahing layunin ng paggawa para sa mga manggagawa?

a. Kumita ng pera upang mabuhay

b. Makakuha ng mga benepisyo mula sa gobyerno

c. Makatulong sa kanilang pamilya at komunidad

d. Upang maging mas sikat sa kanilang lugar

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

82 of 97

6. Sa iyong pananaw, ano ang epekto ng paggawa sa komunidad?

a. Nagpapababa ng moralidad

b. Nagbibigay ng pagkakataon sa iba na magkaroon ng kabuhayan at mag-ambag sa kaunlaran

c. Nagtuturo sa tao na maging masyadong mapagmataas

d. Nagiging dahilan ng kompetisyon sa pagitan ng mga tao

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

83 of 97

7. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng trabaho ang nagpapakita ng dignidad sa paggawa?

a. Isang mekaniko na nag-aayos ng sasakyan ng mga tao sa kanilang komunidad

b. Isang tao na nagtratrabaho lamang upang makakuha ng mataas na posisyon

c. Isang manggagawa na palaging nag-aabsent

d. Isang nagbebenta ng mga pekeng produkto sa merkado

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

84 of 97

8. Sa pagsasagawa ng panayam sa isang manggagawa, ano ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan?

a. Tanungin ang kanilang personal na buhay

b. Galangin ang kanilang oras at itala ang mga makabuluhang sagot tungkol sa kanilang trabaho at dignidad

c. Kumbinsihin sila na magbitiw sa trabaho

d. Itago ang impormasyon sa inyong guro

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

85 of 97

9. Paano nakatutulong ang teknikal at bokasyonal na trabaho sa komunidad?

a. Nagdudulot ng kumpetisyon sa mga lokal na negosyo

b. Nagbibigay ng mga serbisyong kinakailangan ng mga tao sa araw-araw na buhay, tulad ng pag-aayos ng mga gamit at mga serbisyo sa konstruksyon

c. Hindi ito mahalaga sa ekonomiya

d. Nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan sa komunidad

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

86 of 97

10. Paano makakabuo ng sintesis mula sa panayam ng mga manggagawa?

a. Itala lamang ang mga sagot at ipasa sa guro

b. Pagsama-samahin ang mga sagot upang makita ang mga tema at konklusyon tungkol sa kabutihang naidudulot ng kanilang trabaho sa sarili, pamilya, at komunidad

c. Kalimutan ang mga sagot at gumawa ng sariling opinyon

d. Kopyahin ang sagot ng ibang grupo

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

87 of 97

11. Ano ang pangunahing benepisyong naidudulot ng paggawa para sa isang manggagawa?

a. Karangyaan

b. Pagkilala at respeto mula sa ibang tao

c. Karagdagang pasanin

d. Kasiyahan sa pagtatapos ng gawain at ambag sa lipunan

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

88 of 97

12. Bakit mahalagang pahalagahan ang mga manggagawa sa komunidad?

a. Dahil sila ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya at kalinisan ng kapaligiran

b. Para lamang magkaroon sila ng trabaho

c. Para hindi sila magreklamo

d. Para maiwasan ang mga protesta

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

89 of 97

13. Alin sa mga sumusunod ang makatutulong upang mapanatili ang dignidad ng isang manggagawa?

a. Paggawa ng trabaho kahit hindi sigurado sa kalidad

b. Pagbibigay ng serbisyong tapat at mahusay kahit gaano kahirap ang sitwasyon

c. Hindi pagtupad sa mga tungkulin

d. Pagpasa sa trabaho sa ibang tao

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

90 of 97

14. Sa paggawa ng sintesis mula sa panayam ng mga manggagawa, ano ang mahalaga?

a. Ang pagsasama-sama ng mga makabuluhang impormasyon upang makabuo ng malinaw na konklusyon

b. Pagtatanong lamang ng mga personal na detalye

c. Paghahanap ng mga negatibong aspeto ng trabaho

d. Pag-iwas sa mga katanungang may kaugnayan sa dignidad

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

91 of 97

15. Paano naiiba ang teknikal na trabaho mula sa iba pang uri ng trabaho?

a. Hindi gaanong mahalaga kaysa sa ibang trabaho

b. Nagbibigay ng serbisyo na direktang nakakatulong sa pang-araw-araw na buhay ng tao

c. Madaling magawa at hindi kailangan ng pagsasanay

d. Walang kaugnayan sa komunidad

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

92 of 97

16. Ano ang pakinabang ng paggawa sa personal na buhay ng isang manggagawa?

a. Nagdudulot ng labis na stress

b. Nagbibigay ng kasiyahan at dignidad sa pagtatapos ng trabaho

c. Hindi ito mahalaga sa personal na buhay

d. Nagiging dahilan ng hiwalayan ng pamilya

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

93 of 97

17. Ano ang maaaring matutunan ng mga mag-aaral mula sa panayam ng mga manggagawa sa komunidad?

a. Ang halaga ng pagsusumikap at dedikasyon sa trabaho

b. Kung paano makuha ang trabaho ng iba

c. Kung paano hindi gawin ang trabaho

d. Ang pagpapahalaga sa sarili nang hindi pinapansin ang iba

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

94 of 97

18. Sa iyong karanasan, paano mo mapapahalagahan ang mga manggagawa sa inyong komunidad?

a. Sa pagbibigay ng suporta at pagrespeto sa kanilang trabaho

b. Sa pagmamaliit sa kanilang trabaho

c. Sa hindi pagtulong kapag kailangan nila ng tulong

d. Sa pagpapabaya sa kanilang mga sakripisyo

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

95 of 97

19. Ano ang papel ng bokasyonal at teknikal na trabaho sa ekonomiya ng bansa?

a. Hindi ito nakakatulong sa ekonomiya

b. Napakahalaga ito dahil nagbibigay ito ng mahahalagang serbisyo na kailangan ng lipunan

c. Ito ay pabigat sa ekonomiya

d. Hindi ito pinapansin ng gobyerno

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

96 of 97

20. Ano ang pinakamahalagang aral na maaaring matutunan mula sa panayam ng mga manggagawa?

a. Paano umiwas sa trabaho

b. Paano kumita ng malaki

c. Paano pahalagahan ang dignidad ng trabaho at ang kontribusyon ng bawat manggagawa sa komunidad

d. Paano makahanap ng madaling trabaho

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

97 of 97

Susi sa Pagkatuto:

    • c
    • b
    • b
    • b
    • c

6. b

7. a

8. b

9. b

10. b

11. d

12. a

13. b

14. a

15. b

16. b

17. a

18. a

19. b

20. c