1 of 33

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6PAGMAMAHAL SA BANSA AT PAKIKIBAHAGI SA PANDAIGDIGANG PAGKAKAISA�(YUNIT III)

MARLON C. LAUS

BULARIT ELEMENTARY SCHOOL

Gerona South District

Tarlac Province

Region III

2 of 33

ARALIN 13�PINAGKUKUNANG-YAMAN:�PAHALAGAHAN AT PANANAGUTAN KO

3 of 33

PAMBUNGAD NA ARALIN

Ang ating bansa ay sagana sa likas na yaman na nagmumula sa dagat, bundok at lupa, pati na ang nasa ilalim nito. Ito ang pinagkukunan ng kabuhayan ng ating mga kapwa Pilipino.

4 of 33

PAMBUNGAD NA ARALIN

Subalit dahil sa kawalan ng pagpapahalaga at pananagutan sa hanapbuhay at pinagkukunang-yaman, mabilis na nauubos ang mga ito.

5 of 33

PAMBUNGAD NA ARALIN

Napakaraming gawain ang mga tao na nakasisira sa kalikasan. Kinailangan tayong mabahala sa kasalukuyang kalagayan ng ating mundo. Nakikita na natin ang epekto ng pagdaing ng ating kalikasan.

6 of 33

PAMBUNGAD NA ARALIN

Dahil sa kagustuhan ng pamahalaan na maisalba ang natitira pang likas na yamang, hindi lang ng ating bansa kundi ng buong mundo, isinakatuparan ang World Summit on Sustainable Development sa Johannesburg, noong 2002, at kamakailan lamang binuo na rin ang United Nations Millennium Development.

7 of 33

IHANDA NATIN

Humanap ng makakasama sa pangkat. Ang bawat pangkat ay may anim na miyembro. Pag-usapan niyo ang mga larawan at sagutin ang mga tanong.

1. Bilang kabataan, apektado ba kayo sa mga suliraning pangkapaligiran? Ipaliwanag ang inyong sagot.

2. Pag-usapan ang mga nasa larawan. Paano ito nakaaapekto sa mga pinagkukunang-yaman?

3. Bilang mag-aaral, ano naman ang inyong gagawin upang makatulong sa pagpapalaganap ng pagpapahalaga at pagkakaroon ng pananagutan sa kabuhayan as pinagkukunang-yaman sa loob ng paaralan.

8 of 33

IHANDA NATIN

Paggamit ng dinamita

Polusyon sa hangin

9 of 33

IHANDA NATIN

Pagsabog

Ilegal na pagtotroso

10 of 33

TALAKAYIN AT SAGUTIN

Suriin ang mga nasa larawan. Ipaliwanag ang idudulot ng mga ito sa kapaligiran.

11 of 33

MATUTO SA IBA

A. Basahin ang balita na nagbigay ng karangalan sa bansa sa pamamagitan ng ipinakitang pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman.

Isang Pinay, Bilang Environmental Hero

Constancia Paloma

12 of 33

ISANG PINAY, BILANG ENVIRONMENTAL HERO�CONSTANCIA PALOMA

Isang retiradong siyentipikong Pilipino ang nagbigay ng karangalan sa bansa matapos mailathala sa Time Magazine bilang isa sa, “Heroes of the Environment.” (Mga Bayani ng Kalikasan.)

13 of 33

ISANG PINAY, BILANG ENVIRONMENTAL HERO�CONSTANCIA PALOMA

Si Jurgenne Honculada Primavera, naninirahan sa Iloilo ay senior scientists sa Southeast Asian Fisheries and Development Center (SEAFDEC) hanggang sa siya ay nagretiro noong taong 2006. Sinabi ni Primaverra sa isang panayam na natutuwa siya na nailathala siya sa Time Magazine sapagkat ito ay magdadala sa kanyang kampanya sa mas malawak na audience.

14 of 33

ISANG PINAY, BILANG ENVIRONMENTAL HERO�CONSTANCIA PALOMA

“Hindi ito para sa akin. Ito ay para sa mga bakawan (mangroves),” sabi niya. Isa si Primavera sa 30 grupo ng mga tao, na binubuo ng mga aktibista, siyentipiko, mga tanyag na tao, imbentor at mananalapi sa buong mundo na pinarangalan dahil sa kontribusyon sa pangangalaga at pagprotekta ng kalikasan.

15 of 33

ISANG PINAY, BILANG ENVIRONMENTAL HERO�CONSTANCIA PALOMA

Hindi nila malulutas mag-isa ang suliranin sa climate change o ang endangered species. Subalit dahil sa kanilang halimbawa, ang kanilang kusang pag-aalay ng sarili sabagay na sinasabi nilang “hopeless case,” ang mga bayani ng kalikasan ay nagbigay ng ilaw sa dilim,” ayon din sa ulat ng Time Magazine.

16 of 33

ISANG PINAY, BILANG ENVIRONMENTAL HERO�CONSTANCIA PALOMA

May ulat mula sa pamahalaan na mayroon na lamang 120,000 ng bakawan sa Pilipinas. Bumaba ito mula sa 500,000 na ektarya noong 1990.

17 of 33

ISANG PINAY, BILANG ENVIRONMENTAL HERO�CONSTANCIA PALOMA

Sagutin:

1. Paano ipinakita ni Jurgenne Primavera na karapat-dapat siya sa karangalan bilang isa sa “Heroes of the Environment?”

2. Bakit niya binibigyan pagpapahalaga at pananagutan ang pinagkukunang-yaman?

18 of 33

IHANDA NATIN

B. Basahin at alamin ang kahalagahan ng likas-kayang pag-unlad.

Ang Likas-Kayang Pag-unlad

19 of 33

ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

Ang likas-kayang pag-unlad ay ang wastong pangangalaga sa kapaligiran para sa kasalukuyan at sa susunod na pang henerasyon. Paano nga ba natin pangangalagaan ang likas na yaman? Mapapangalagaan ang likas na yaman sa pamamagitan ng matalinong paggamit nito. Naririto ang mga paraan ng pangangalaga sa likas na yaman.

20 of 33

ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

1. Palitan ang mga punong pinutol sa kagubatan.

2. Panatilihing malinis ang kapaligiran.

21 of 33

ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

3. Mahigpit na ipagbawal ang pagkakaingin.

4. Wastong paggamit at pagtitipid ng tubig.

22 of 33

ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

5. Pangalagaan ang anyong-tubig sa paligid.

6. Matutuhan ang simpleng at responsableng paggamit ng mga materyal na bagay.

23 of 33

ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

7. Pagbubukod ng mga basura mula sa nabubulok at di-nabubulok.

8. Isagawa ang 4Rs (Reduce, Reuse, Recycle, Recovery)

24 of 33

ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

9. Sumunod sa mga panuntunan at batas na ipinatutupad sa pangangalaga ng kapaligiran.

25 of 33

ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

10. Patuloy na magtanim ng mga halaman at puno.

26 of 33

ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

Matatamasa ang tunay na pag-unlad sa kabuhayan sa pamamagitan ng pagpapahalaga at pagiging mapanagutan sa likas-yaman. Mahkatugon ang pangangailangan ng tao at kalikasan sa isa’t-isa. Kapwa nakasalalay sa tao at kalikasan ang pananatili o patuloy na pag-inlad ng bawat isa kaya dapat magpatuloy ang pangangalaga sa likas-yaman para matugunan ang pangangailangan ng tao sa kasalukuyan at sa kinabukasan.

27 of 33

ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

Sagutin:

1. Ano ang likas-kayang pag-unlad?

2. Paano makatutulong sa mga tao ang wastong pangangalaga sa kalikasan?

3. Magbigay ng ibang paraan upang pangalagaan ang kalikasan.

28 of 33

GAWIN ANG TAMA

Pumili ng isa sa mga paraan ng pangangalagaan sa likas na yaman na nakatla sa Matuto sa Iba, Gawain B. Ipakita kung paano makatutulong bilang batang may malasakit at pagpapahalaga sa pinagkukunang-yaman. Isagawa nang pangkatang gawain sa malikhaing pamamaraan.

  • Kahit sa simpleng pamamaraan at pagmamalasakit, may magagawa ang bawat isa sa atin at pangangalaga ng ating likas na yaman.

29 of 33

ISIPING MABUTI

Bakit kailangang magkaroon tayo ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at likas-yamang ating pinagkukunan nito. Paano makatutulong ang isang kabataang tulad mo na matiyak na ang susunod na henerasyon ay may pinagkukunang-yaman para sa kanilang kabuhayan?

30 of 33

SUBUKIN ITO

A. Basahin at unawain ang mga pangungusap. Sagutin ang Tama o Mali, ayon sa iyong pagkakaunawa sa araling ito. Isulat ang sagot iyong kwaderno.

1. Tungkulin ng pamahalaan ang pagtuturo ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at likas-yamang pinagkukunan.

2. Magkatugon ang pangangailangan ng tao at likas-yaman sa isa’t-isa.

3. Nababatay ang pamumuhay at ang kaligtasan ng tao ayon sa kalagayan ng mga likas na yaman.

31 of 33

SUBUKIN ITO

4. Kahit na may karapatan ang tao sa kabuhayan at paggamit ng likas-yaman na pinagkukunan, marami pa rin ang ang naghihirap at namamatay sa gutom.

5. Kailangan ang matalinong paggamit ng mga likas na yaman upang matugunan ang pangangailangan ngayon at sa mahihirap.

32 of 33

SUBUKIN ITO

B. Sa gabay ng inyong guro, bumuo ng pangkat na may apat na miyembro. Gawin ang mga sumusunod:

1. Mula sa mga bagong pahayagang ipinapadala sa inyo ng guro, pumili ng mga balita ukol sa proyektong pangkabuhayan ng pamahalaan,

2. Piliin kung anong nababagay sa inyong barangay.

3. Pag-uusapan kung anong ahensiya ng pamahalaan ang maaaring makatulong sa inyong proyekto. Ibahagi ang inyong napag-usapan sa klase at hingan ng dagdag na kalaaman mula sa kanila.

33 of 33

REPLEKSYON

Isulat sa iyong journal ang iyong pangako kung paano ka magiging isang environmental hero o bayaning pangkalikasan.