TEKSTONG BISWAL:
mga teknikal na biswal (laki, espasyo, kulay, linya, anyo at imahen)
Mga Pamantayan at Kasanayang Pampagkatuto
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagiging malikhain, at kritikal na pag-unawa at pagsusuri ng Obra Maestra - Ibong Adarna para sa paghubog ng kaakuhan at pagpapahalagang Pilipino, at pagbuo ng mga teksto sa iba't ibang paraan (multimodal) para sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens.
Pamantayang Pagganap
Nakabubuo ng iskrip para sa shadow play tungkol sa mahahalagang pangyayari sa Ibong Adarna na maiuugnay sa pagiging Pilipino sa isinasaalang-alang ang mga elemento ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo at etikal na kasanayan at pananagutan.
Mga Kasanayang Pampagkatuto
1
Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa
2
Natutukoy ang mahahalagang elemento (tauhan, tagpuan, banghay at tunggalian) at detalye sa Ibong Adarna
3
Nasusuri ang akda bilang tulang pasalaysay na korido
4
Naipaliliwanag ang banghay, mensahe, pahiwatig at kaisipan sa Ibong Adarna
Mga Kagamitang Panturo at Pampagkatuto
1
Mga Sanggunian
Iba't ibang aklat at online na mapagkukunan tungkol sa Ibong Adarna at Filipino 7
2
Iba pang Kagamitan
Mga visual aids, handouts, at teknolohiyang pang-edukasyon
Mga Pamaraang Panturo at Pampagkatuto
1
Bago Ituro ang Aralin
Panimulang Gawain at Maikling Balik-aral
2
Habang Itinuturo ang Aralin
Pagproseso sa Mahahalagang Pag-unawa at Paglinang ng Kasanayan
3
Pagkatapos Ituro ang Aralin
Paglalapat, Paglalahat, at Pagtataya
Panimulang Gawain: Pangangayaw at Paglalakbay ni Don Juan
Pangangayaw
Sinaunang kaugalian ng mga Austronesian na pagsalakay sa ibang bayan gamit ang bangka upang makuha ang yaman, alipin, o bagong teritoryo.
Paglalakbay ni Don Juan
Nagpapakita ng tema ng pagsubok, pakikidigma, at paghahanap ng tagumpay sa Ibong Adarna.
Pagkakatulad ng Pangangayaw at Paglalakbay ni Don Juan
Pakikipagsapalaran
-Parehong nangangailangan ng paglalakbay sa hindi pamilyar na lugar.
Pakikidigma at Hamon
-Sa pangangayaw, lumalaban ang mga mandirigma; si Don Juan naman ay humaharap sa mga pagsubok.
Tagumpay at Karangalan
-Ang matagumpay na pangangayaw ay nagdudulot ng dangal; gayundin, ang tagumpay ni Don Juan ay nagbigay sa kanya ng pagpapahalaga.
Konklusyon:
Ipinapakita ng parehong konsepto na ang tapang, sakripisyo, at determinasyon ay mahahalagang elemento ng isang mandirigma o bayani. Sa parehong pangangayaw at paglalakbay ni Don Juan, makikita natin ang kaugnayan ng panitikan at kasaysayan sa pagpapakita ng paghahanap ng tagumpay sa kabila ng mga pagsubok.
Pagyuyugto ng mga Pangyayari o Foreshadowing
Kahulugan:
Ang foreshadowing o pagyuyugto-yugto ng mga pangyayari sa isang kuwento ay ginagawa sa isang panitik na ginamitan ng may-akda ng mga pahiwatig o clue ng magaganap o mangyayari sa kuwento.
Pagyuyugto ng mga Pangyayari o Foreshadowing
Layunin:
-ginagamit ito upang magbigay ng paghihinuha (inferencing) at paghuhula (predicting)
- makabuo ng inaasahan ng mambabasa
-makalikha ng kasabikan o suspense
-ayon ito sa damdamin o mood ng may-akda
Mga Halimbawa ng Foreshadowing sa Ibong Adarna
Basahin ang mga saknungan sa pagbabanghay ng mga pangyayari sa binasang akda. Isulat nang pasalaysay ang ipinahiwatig sa saknong.
Mga Halimbawa ng Foreshadowing sa Ibong Adarna
1
Saknong 134
"Apat na buwan nang ganap ang haba ng nalalakad, ang nakain nama'y apat sa tinapay na tumigas."
2
Saknong 178
"Marangal na Ermitanyo, ituring na anak ako Na ngayon po'y naririto Nagsasabi ng totoo."
3
Saknong 136
"Nang sa birhe'y makatawag ay sandaling namanatag kumai't nagpasalamat sa Diyos, haring mataas."
Mga Halimbawa ng Foreshadowing sa Ibong Adarna
1
Saknong 186
"Don Jua'y masusubok ko katibayan ng loob mo, kung talaga ngang totoo ako'y tutulong sa iyo."
2
Saknong 142
"Pagkakita kay Don Juan ang matanda'y nanambitan ang malaking kaawaan ay madaling nilapitan."
3
Saknong 193
"Bawat kantang pakikinggan ang palad mo ay sugatan, saka agad mong pigaan ng dayap ang hiwang laman."
Mga Halimbawa ng Foreshadowing sa Ibong Adarna
1
Saknong 149
"Huwag maging di paggalang ano po ang inyong pakay, ako po ay pagtapata't baka kayo matulungan."
2
Saknong 201
"Napuna pa nang dumapo Ang adarna'y tila hapo, Kaya't kanyang napaghulong, Ito'y galing sa malayo."
3
Saknong 154
"kaya ngayon ang bilin ko ay itanim sa puso mo; mag-ingat kang totoo at nang di ka maging bato."
Mga Halimbawa ng Foreshadowing sa Ibong Adarna
1
Saknong 208
"Pitong kanta nang malutas nitong ibong sakdal dilag, pito rin ang nagging sugat ni Don Juang nagpupuyat."
2
Saknong 157
"Sa ibaba'y tumanaw ka't may bahay na makikita, ang naroong tao'y siyang magtuturo sa Adarna."
3
Saknong 213
"Agad niyang sinunggaban Sa paa'y biglang tinanganan At ginapos nang matibay Ng sintas na gintong lantay."
Paglalapat ng Kahihinatnan:
Ano ang kahihinatnan ng pagkahuli ni Don Juan sa Ibong Adarna. Gamitin ang mga pahiwatig sa akda. Gawing patnubay sa pagsasalaysay ang paksa na nasa kahon
PAKSA: Ang Pagbabalik ng mga Prinsipe sa Berbanya at ang Ibong Adarna
Pag-uugnay sa Buhay
Panuto: Balikan ang panaginip ng Haring Fernando at ang kanyang pagkakasakit. Anong mensahe nito sa kasalukuyan kaugnay sa pananampalataya at katatagan sa buhay.
Pag-uugnay sa Buhay
Bahagi ng akda:
Kasalukuyan:
Pangpapasya:
Pahiwatig
1
Panuto:
Humanap ng kapareha. Pag-usapan muli ang mahahalagang pangyayari sa binasang akda. Itala sa kahon ang mga pahiwatig na pangyayari.
Tanong:
Alin alin ang mga pahiwatig na Si Don Juan ay may mabuting puso?
Kaisipan
Gawain:
Basahin ang mga piling talinghaga at ipaliwanag ang nais ipahiwatig nito.
-Alam niya itong tao kahit puno’t maginoo, kapag hungkag itong ulo batong agnas
-Sa Diyos dapat manawagan ang lahat ng nilalang, ang sa mundo ay pumanaw,
Tekstong Biswal
1
Kahulugan
Ang Tekstong Biswal ay ginagamit bilang presentasyon ng mga ideya upang maiparating ang mensahe patungo sa mas malawak na datos sa paraang mabilis at mabisa.
2
Mga Elemento
Kulay, hugis, anyo, kapal o nipis, dami at pattern ng guhit sa larawan
Gawain sa Tekstong Biswal
Panuto:
Basahin ang kuwento. Suriin ang tekstong biswal sa pagsasalaysay. Gamitin ang bahagi ng ilustrasyon sa ibaba sa pagguhit.
Buod ng Ibong Adarna
Sa isang kaharian ng Berbanya masayang namumuhay ang pamilya ng Haring Fernando. Mahusay siyang namumuno kaya’t payapa ang lahat. Makatuwiran at may pagpapahalaga siya sa mga tao. Magandang tunay ang kanyang asawa at ang tatlong anak ay pawang makikisig. Sa kabaitan ni Don Juan ay naging pinakamamahal ito.
Buod ng Ibong Adarna
Nalungkot ang lahat sa pagkakasakit ng hari at ayon sa manggagamot ang awit ng Ibong Adarna ang lunas. Kailangan itong kunin sa Bundok Tabor sa tahanan nito sa puno ng Piedras Platas.
Buod ng Ibong Adarna
Unang naghanap si Don Pedro ang panganay ngunit naging bato matapos maiputan. Gayundin ang sinapit ni Don Diego at sa tatlong taon ay labis na ang pag-aalala ni Don Juan, Kahit ayaw payagan ay humingi siya ng basbas kundi pipilitin niyang umalis upang hanapin ang mga kapatid at ang lunas sa sakit ng ama.
Buod ng Ibong Adarna
Sa paglalakbay nang matagal ni Don Juan, iisang tinapay na lamang ang natitira. Sa kanyang kapaguran patuloy siyang nagdarasal na siya’y patnubayan.
Buod ng Ibong Adarna
Hanggang isang leproso ang nagmakaawang humingi ng pagkain at ito’y binigyan niya. Tinulungan siya sa sadya nito sa kabundukan. Ang nakapagtuturo ay isang mahiwagang ermitanyo na ang ibinigay niyang pagkain ay nasa hapag nito.
Buod ng Ibong Adarna
Pinayuhan siyang kailangan niyang maging matatag. Sinunod naman niya ang mga bilin na kung makita ang Ibon, pitong beses hiwain ang palad, patakan ng dayap at iwasang maiputan. Kaya sa pagdapo nito, umawit ng makapitong beses na nagpalit ng kulay hanggang sa umipot at makatulog ng bukas ang mata ngunit di na gumalaw.
Buod ng Ibong Adarna
Naitali ng gintong sintas ang paa ng ibon at dinala sa bahay ng ermitanyo at ikinulong sa hawla upang maiuwi. At nagpaalam na sa isa’t isa sa bilin na mag-ingat ang bunsong Prinsipe. Nagawa ring buhayin ng tubig ang naging bato nitong mga kapatid.
Ibinuod ni Irene N. San Miguel
Gawaing Paglikha
Panuto:
Iguhit ang teknikal na biswal sa kuwento sa paraang paglalarawan ng tagpuan ng pangyayari. Alalahanin ang paggamit ng linya, espasyo, laki, kulay, anyo, imahe.
Gawaing Pag-unawa sa mga Susing-Salita ng Tekstong Biswal
1
Paksa
Mga Teknikal na Biswal (Laki, Espasyo, Kulay, Linya, Anyo, at Imahen)
2
Panuto
Itambal ang bawat susing-salita sa tamang kahulugan nito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
1. Laki
A. Ang lugar sa pagitan o paligid ng mga elemento sa isang disenyo upang bigyang-diin ang organisasyon.
2. Espasyo
B. Tumutukoy sa dimensyon o proporsyon ng isang bagay sa loob ng biswal.
3. Kulay
C. Nagbibigay ng direksyon, kilos, o emosyon sa isang disenyo; maaaring tuwid, pakurba, o zigzag.
4. Linya
D. Nagpapahayag ng damdamin, personalidad, at diin sa isang biswal gamit ang liwanag o timpla ng kulay.
5. Anyo
E. Ang representasyon ng isang bagay, simbolo, o tauhan na ginagamit sa isang biswal na teksto.
6. Imahen
F. Ang hugis o estruktura ng isang elemento sa isang biswal na disenyo na maaaring maging organiko o geometric.
Sagot:
1. B
2. A
3. D
4. C
5. F
6. E
Pagbuo ng mga Elementong Biswal
Kahalagahan
Ang mga biswal na element ay mga paraan ng presentasyon ng mga ideya na ginagamit upang maiparating ang mensahe tungkol sa mas malawak na datos sa paraang mabilis at mabisa.
Gamit
Mahalagang kagamitan sa sulating teknikal ang mga biswal na elemento na kinakailangan ng mga pigura, dayagram, drowing, ilustrasyon, grap, tsart, iskematik, mapa, litrato at talahanayan.
Pagbuo ng mga Elementong Biswal
Pangkalahatang Patnubay sa Paggamit ng mga Biswal na Elemento
1
• Maglagay lamang ng mga elementong biswal sa teknikal na sulatin kung may dahilan kung bakit kailangan ang mga ito.
2
• Ipaliwanag ang kahalagahan ng lahat ng ginamit na elementong biswal.
3
• Tiyaking may numero at pamagat ang lahat ng biswal.
Pangkalahatang Patnubay sa Paggamit ng mga Biswal na Elemento
1
• Tiyakin ding lahat ng biswal ay tuwirang naglilinaw at nagpapaunlad sa diskusyon sa teksto.
2
• Gawan ng tamang dokumentasyon ang mga elementong biswal na may copyright o iyong mga nagtataglay ng mga ideyang hiniram.
Mga Uri ng Elementong Biswal: Dayagram
Kahulugan
Ang mga dayagram ay mga drawing o dibuho na nagpapakita ng mga component ng isang mekanismo, mga hakbang ng isang proseso, o ng kaugnayan sa pagitan ng mga bahagi ng isang Sistema.
Uri
Ang mga dayagram ay maaring maglarawan ng normal, cutaway o exploded views ng isang mekanismo.
Mga Uri ng Elementong Biswal: Dayagram
Mga Uri ng Elementong Biswal: Grap
Kahulugan
Ang mga grap ay biswal na representasyon ng relasyon ng mga numero o ng dami at proporsiyon ng matematikal na halaga.
Gamit
Grap ang tawag sa sistematikong paglalarawan ng mga etatistikal na impormasyon.
Uri ng Grap: Linyang Grap
Gamit
Ginagamit upang makita ang mga pagbabago at pagkakaunlad, ang pag-angat, o pagbaba ng mga datos.Sa pababang axis inilalagay ang mga baryabol na nakapag-iisa at sa pahalang na axis naman ang mga baryabol na hindi nakapag-iisa.
· Ang bawat linyang inilalagay sa linyang grap ay�nagpapakita ng pagbabago ng halagang alinaman sa mga baryabol.
Uri ng Grap: Linyang Grap
Uri ng Grap: Bar o Kolum Grap
Gamit
Mahusay na kagamitan para sa paghahambing ng mga baryabol tulad ng sukat, halaga ng ayttem, at iba pa.
Katangian
Gumagamit ng bar at kolum sa halip na linya dahil bawat baryabol ay magkakahiwalay na aytem.
Uri ng Grap: Bar o Kolum Grap
Uri ng Grap: Pie Tsart
Gamit
Ginagamit ang pie tsart para ipakita ang magkakaugnay na pagkakahati-hati ng mga bahagi ng isang buo na tumutukoy sa particular na datos.
Uri ng Grap: Pie Tsart
Iba Pang Uri ng Elementong Biswal
1
Iskematiks
· Ito ay ang biswal na representasyon ng estruktura ng isang Sistema o ng mga pamamaraang kaugnay sa isang proseso.
1
Talahanayan
Sistematikong pagsasaayos ng impormasyon sa mga kolum at hanay.
1
Mga Litrato
-Ang mga litrato ay mga biswal na nakarekord sa film o naka-encode bilang datos na digital an esaktong nakopya ang itsura ng mga bagay o pangyayari.�
-Ginagamit ang mga ito sa mga sulating teknikal upang mapataas ang interes, kredibila, at biswal na detalye ng anumang ulat-teknikal�
1
Mga Litrato
-Nagbibigay ito ng kredibilad sa
binabasa sa pamamagitan ng
di-berbal na impormasyon�
Pagbabalik-tanaw: Sanhi at Bunga
Gawain
Tukuyin ang sanhi at bunga ng mga nakasaad na pangyayari batay sa binasang teksto. Gawing batayan ang nasa talahanayan.
Pag-uugnay sa Natutuhan
A. ANG KAHARIAN AT SA PAMAHALAAN
Pag-usapan muli ang mahahalagang pangyayari sa binasang akda. Hanapan ng pagkakaugnay ng pamumuno sa kaharian at sa inyong tahanan. Sabihin ang pagpapahalaga sa dalawa kapag tinawag ng guro sa harap ng klase.
Pag-uugnay sa Natutuhan
Berbanya at ang iyong tahanan
Paghahambing ng pamumuno sa kaharian at sa tahanan
Haring Fernando at ang iyong ama
Paghahambing ng papel ng hari at ama
Pag-uugnay sa Natutuhan
Gawing gabay ang mga tanong sa pagtalakay ng kaibahan at pagkakatulad Ano ang halaga ng bawat isa sa lipunan?
B. Basahin ang akda ni Emilio Jacinto na “Ang Kasalanan ni Cain” sa
I
Katatapos pang nilalang ng Maykapal ang Sandaigdigan.
Bahagya pang sumusupling sa mag-asawang si Adan at si Eva ang mga kauna-unahang bunga ng kanilang pagsasama sa ibabaw ng lupa… At ang lupang ito, na katatapos pang nilalang ng Maykapal ay dinungisan na ng isang kasalanang kakila-kilabot at kasuklam-suklam na higit sa bangis ng gabing lumilintik at higit na kasindak-sindak at nakauulol na pangarap ng may pusong dulingas at sukab na akala.
B. Basahin ang akda ni Emilio Jacinto na “Ang Kasalanan ni Cain” sa
I
Si Cain ay nagtaglay ng malaking pagkainggit sa kapatid niyang si Abel, at sa kainggitang ito’y nagmula ang isang matinding kagalitan, hanggang sa siya’y dinayang dinala sa ilang at doo’y… pinatay ng lilong kapatid na si Caing tampalasan.
Magbuhat noon ay maraming daan at libong taon na ang nakararaos. Gayunma’y nalilimbag pa sa alaala at gunita ng mga tao’t mga bayan ang kasalanan ni Cain at dili yata mapapawi’t mababaklas hanggang sa ang lupa ay lupa.
B. Basahin ang akda ni Emilio Jacinto na “Ang Kasalanan ni Cain” sa
I
Magbuhat noon, magbuhat ng patayin ng kapatid ang kapatid sa hamak na kadahilanan ay naghari at nag-ulol ang kasukaban sa balat ng lupa, at ang mga mata’y laging lumuluha, at ang dugo ng kapatid ay laging pinababaha ng kapatid, at walang namamahay sa mga kalooban kundi ang umalipin at dumaya sa kapwa din.
At si Cain ay isinumpa ng Diyos at iginuhit sa noo niya ang tanda ng darakilang kasalanan. At magbuhat noo’y makapal na noo ang nagtataglay ng hamak na tanda…
B. Basahin ang akda ni Emilio Jacinto na “Ang Kasalanan ni Cain” sa
I
Tunay ngang may lumitaw na mga bayani’t magagandang puso ang nangahas at nangahas ding bumangon sa lusak ng madlang kapahamakan; at sukdang ikapanaw ng tangang hininga ay pinukaw at ipinaaalala sa nangahihimlay na ang lahat ng tao ay magkakapatid at magkakapantay, na ang nagiging dahil ng mga sakit, hirap, at dalamhating walang katapusan ng Sangkatauhan ay ang mana’t manang kasalanan ni Cain, na walang daang iba pa sa kaginhawahang laging hinahanap kundi ang tunay na pagkakakilanlan at pagmamahalan ng magkakapatid at tunay na paglingap ng lahat sa bawat isa at ng bawat isa sa lahat.
B. Basahin ang akda ni Emilio Jacinto na “Ang Kasalanan ni Cain” sa
I
Datapwat kung ito’y tunay, tunay din naman na ang mga pusong lubhang angkan at angkan pa sa kasamaan at katampalasanan ay bumalikwas na nagngangalit at walang awang inawas ang mga pangahas na nagsisiwalat ng banal na matwid at magandang pag-ibig na makapuputol ng lilong pagpapasasa sa dinayang kapangyarihan at ninakaw na yaman.
B. Basahin ang akda ni Emilio Jacinto na “Ang Kasalanan ni Cain” sa
II
Ngayon naman, kung ang mamasdang haharapin ng paningin ay ang mga nangyayaring pinaglalagusan ng Katagalugan, ay! puso’y naiinis, nagsisikip ang dibdib, at luha sa mata’y kusang umaagos.
Nakaririmarim na tanda ng kasalanan ni Caing isinumpa ng Maykapal, bakit nakaguhit ka sa noo ng makapal na Tagalog, karugo at tunay kong kapatid?
B. Basahin ang akda ni Emilio Jacinto na “Ang Kasalanan ni Cain” sa
II
Diyata’t ikaw lamang nga, ikaw ang magiging dahil kung kaya mananatili sa karukhaan at kutya ang walumpung yutang katawan, kung kaya di magtatamo ng kinakailangan at minimithing kalayaan ang walumpung yutang Tagalog, kung kaya mawawalan ng kabuluhan ang mga pinuhunang pagod, panganib, at di-masaysay na katiisan at tiyaga, sampu ng libo-libong buhay na pumapanaw ng mga bayaning nagbangon ng katwiran at puri ng lahat?
B. Basahin ang akda ni Emilio Jacinto na “Ang Kasalanan ni Cain” sa
II
O, kasalanan ni Caing isinumpa ng Diyos! Ikaw ay muli naming isinusumpa sa ngalan ng aming mga inang nananangis, sa ngalan ng madlang nagbabata ng lahat ng sakit at katampalasanan sa kadakilaan mo! Kasalanan ni Cain, ikaw ay muli’t muli naming isinusumpa nang walang katapusan!
B. Basahin ang akda ni Emilio Jacinto na “Ang Kasalanan ni Cain” sa
III
Masdan ninyo iyong tao: Ang mga mata niya’y laging isinusulyap sa balang masalubong; ang mga tainga niya’y laging nakikinig ng balang salitaan; ang mga bibig niya’y laging nangungusap ng balang nalalaban sa kanyang isinasaloob at masasamang budhi; sa baywang niya’y may natatagong isang lubid at isang rebolber na laan sa kanyang mga kapatid. Iyan ang policia secreta, samakatwid tiktik, tiktik na sukab at walang awa ng tampalasang panginoon.
C. Sagutin ang mga tanong:
1. Sa papaanong paraan maiuugnay si Cain kina Don Pedro at Don Juan?
_________________________________________________________________________________________________
C. Sagutin ang mga tanong:
2. Ang “Kasalanan ni Cain”. Sa papaanong paraan nagkakaugnay ang sinapit ni Andres Bonifacio at ni Don Juan? Patunayan ang sagot.
________________________________________________________________________________________________
C. Sagutin ang mga tanong:
3. Sa kasalukuyang kalagayan ng pulitika sa Pilipinas, sa papaanong paraan makikita pa rin ang mga kagaya nina Don Pedro at Don Diego? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________________________
Pagninilay sa Pagkatuto
Panuto
Basahin nang mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.
Ang tunay na lingkod ay matapat at may pagtitiwala sa sarili.
Ang taong naglilingkod sa Panginoong Diyos ay naglilingkod sa kapwa.
Ang naglilingkod sa kapwa sumusunod s autos ng Diyos.
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang kahulugan ng malalaking hugis o anyo sa isang tekstong biswal?
A) Ito ay maaaring magpahiwatig ng kahalagahan o pokus ng isang elemento.�B) Ang malalaking hugis ay ginagamit lamang bilang dekorasyon.�C) Walang epekto ang laki ng hugis sa interpretasyon ng isang biswal.�D) Ito ay nagpapakita ng walang kahulugang disenyo.
2. Ano ang pangunahing layunin ng paggamit ng mga imahe sa isang biswal na teksto?
A) Upang suportahan at palakasin ang mensaheng nais iparating.�B) Upang palitan ang tekstong nakasulat.�C) Upang gawing mas kumplikado ang impormasyon.�D) Upang maging mas mahirap unawain ang mensahe.
3. Ano ang epekto ng hindi pantay na paggamit ng espasyo sa isang biswal na disenyo?
A) Nagiging mas organisado at madaling basahin ang impormasyon.�B) Nagiging magulo at mahirap intindihin ang nilalaman.�C) Walang epekto ito sa biswal na komunikasyon.�D) Pinapaganda nito ang disenyo kahit walang pagkakaayos.
4. Sa isang infographic, paano nakatutulong ang kulay sa pagpapahayag ng impormasyon?
A) Ginagamit ito upang bigyang-diin ang mahahalagang detalye.�B) Ginagawa nitong mas mahirap unawain ang impormasyon.�C) Pinapalitan nito ang mga teksto sa isang disenyo.�D) Hindi ito nakaaapekto sa pag-unawa ng impormasyon.
5. Bakit mahalaga ang balanse sa isang tekstong biswal?
A) Upang maging mas kaakit-akit at madaling unawain ang disenyo.�B) Upang gawing hindi pantay ang mga elemento sa loob ng biswal.�C) Upang punan ng maraming impormasyon ang buong disenyo.�D) Upang gawing mas magulo ang presentasyon ng impormasyon.
Sagot:
1.A
2.A
3.B
4.A
5.A
Thank You