1 of 45

Pagtukoy sa Panghalip Panao at Paari

MTB-MLE 1

Quarter 2 Week 1-2

2 of 45

Natutuhan mo noong nakaraang markahan ang tungkol sa pangngalan. Ang mga ito ay pangalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari.

3 of 45

Ngayon ay pag-aaralan mo naman ang tungkol sa panghalip. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang natutukoy mo ang mga halimbawa ng panghalip panao at panghalip paari.

4 of 45

Ang panghalip ay bahagi ng pananalita. Ito ay salitang panghalili o pamalit sa pangngalan.

5 of 45

Makikita na ang pangalang Anthony ay inulit sa dalawang pangungusap. Upang maiwasan ito,

maaaring gumamit ng panghalip, katulad nito:

6 of 45

Mapapansin na ang pangngalang Anthony ay nagkaroon ng kapalit o kahalili. Ito ay ang salitang siya na tumutukoy rin naman kay Anthony.

7 of 45

Ang isang uri ng panghalip ay tinatawag na Panghalip Panao. Nangangahulugan ito na pamalit para lamang sa tao.

Naiiba ang gamit nito ayon sa kailanan o bilang.

Panghalip Panao

8 of 45

Ginagamit ang mga salitang ako, ko, akin, kita, ka, iyo, mo, siya, kaniya, at niya kapag iisa ang tinutukoy.

9 of 45

Ginagamit ang mga salitang ako, ko, akin, kita, ka, iyo, mo, siya, kaniya, at niya kapag iisa ang tinutukoy.

10 of 45

Ginagamit ang mga salitang atin at natin kapag dalawa ang tinutukoy. Maaari rin ito sa maramihan.

11 of 45

Ginagamit ang mga salitang inyo, kayo, ninyo, sila, kanila at nila kapag marami ang tinutukoy. Maaari rin ang mga ito sa dalawahan.

12 of 45

Ang ilan sa mga panghalip na binanggit ay maaaring nagpapahayag ng pag-aari, pagmamay-ari o pag-aangkin.

Ang mga ito ay tinatawag na Panghalip na Paari.

Ang mga halimbawa nito ay: akin, ko, amin, atin, namin, natin, mo, iyo, ninyo, inyo, niya, kaniya, nila at kanila.

13 of 45

Tingnan ang mga halimbawa kung paano ang mga ito ginagamit sa pangungusap.

14 of 45

Paalala: Ang salitang may salungguhit sa unang halimbawa ay pangngalan. Ang salitang may salungguhit sa ikalawang halimbawa ang panghalip na maaaring gamiting kapalit ng pangngalan.

* Ipinagpapalagay na ang nasa larawan ang nagsasalita.

15 of 45

16 of 45

17 of 45

18 of 45

19 of 45

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Tukuyin ang panghalip panao na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

20 of 45

  1. Ako si Jennifer.

Ako ay mahilig umawit.

2. Si Manny ay masunurin. Siya rin ay maaasahan sa mga gawaing bahay.

21 of 45

3. Magmahalan ang magkakapatid. Magtulungan din kayo.

4. Maglalaro sina Albert, Keith at Arnel. Sila ay matatago-taguan.

22 of 45

5. Marami pa rin ang nagkakasakit. Kailangan natin na mag-ingat.

23 of 45

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Tukuyin ang panghalip na paari na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang

sagot sa iyong kuwaderno.

24 of 45

  1. Ang tinapay na ito

ay binili ko sa tindahan.

2. Sa inyo pala ang bahay na iyon. Napakaganda at napakalinis ng bahay.

25 of 45

3. Kay Sheena ang sapatos na ito. Sa kaniya rin ang kulay asul na tsinelas.

4. Sa iyo ibinigay ni lola ang krayola.

26 of 45

5. Ingatan ang mga modyul na ipinahiram sa atin.

27 of 45

Minsan ay pinaiikli ang mga salitang kasama ang panghalip. Ang mga halimbawa nito ay:

- ako ay = ako’y

- sila ay = sila’y

- sa akin = sa’kin

  • sa iyo = sa’yo
  • Sa amin = sa’min
  • Tayo ay = tayo’y

28 of 45

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Tukuyin kung Tama o Mali ang pagpapaikli ng mga salita. Isulat ang Tama kung Oo at Mali kung Hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

29 of 45

  1. Tayo ay dapat manatili sa loob ng bahay. Tayo’y dapat manatili sa loob ng bahay.

2. Sa amin ang mga nakasampay na damit. Sa’min ang mga nakasampay na damit.

Tama

Tama

30 of 45

3. Ako ay masipag.

Ako’y masipag.

4. Sa iyo ba ang lapis na ito?

Sa’yo ba ang lapis na ito?

Tama

Tama

31 of 45

5. Sila ay nagtatawanan.

Sila’y ay nagtatawanan.

Tama

32 of 45

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Ibigay ang pinaikling panghalip na hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang sagot

sa iyong kuwaderno.

33 of 45

1. sa akin = _____________

2. siya ay = _____________

3. kami ay = _____________

4. sa kanila ay = _____________

5. sa atin = _____________

sa’kin

siya’y

kami’y

sa kanila’y

sa’tin

34 of 45

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

Tukuyin kung tama o mali ang gamit ng panghalip na may salungguhit. Lagyan ng tsek (✓) kung tama. Lagyan naman ng ekis (X) kung mali ang pagkakagamit. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

35 of 45

1. Ako ay nag-aaral bumasa.

2. Siya ang aso na alaga ko.

Mahal ko siya.

3. Mahal ni Anna ang mga magulang niya.

36 of 45

4. Masaya ang nilang

pamilya. Madalas na sila’y

nagkukuwentuhan.

5. Kasama ko sa bahay ang nanay at tatay ko. Sila ang

nagtuturo sa akin ng mga aralin.

37 of 45

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6: Piliin ang panghalip na angkop sa pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

38 of 45

  1. Mahal (ko, ako) ng

nanay at tatay ko.

2. Pinaghahati-hatian (natin, namin) ang mga pagkain.

3. Sinusunod namin ang ipinag-uutos ng mga nakatatanda sa (atin, amin).

39 of 45

4. Nagpapaalam kami sa

(kaniyang, kanilang) dalawa

kapag nais naming maglaro.

5. Tumutulong din kami sa (sila, kanila) sa mga gawaing bahay tulad ng pagwawalis ng mga kalat.

40 of 45

Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:

Punan ng tamang panghalip ang bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

41 of 45

  1. Ako si Mack, taga Calamba. Makasaysayan ang ___________ lugar.

2. Dito isinilang ang kinikilala _______ na Pambasang Bayani.

3. ______ ay si Dr. Jose P. Rizal. Siya ang nagwika na tayo ang pag-asa ng bayan.

natin

aming

Siya

42 of 45

4. Pepe ang tawag sa _______.

5. Kilala ____ rin ba siya? Kung hindi pa, simulan mong magtanong sa iyong mga kasama.

kaniya

mo

43 of 45

Natutuhan mo sa aralin na ito ang tungkol sapanghalip:

p _ _ a _

at panghalip na

p _ a _ _.

a

n

o

a

r

i

44 of 45

Ginagamit ang panghalip bilang pamalit o panghalili. Ang panao ay para sa t _ _. Ang paari naman ay nagpapakita ng pagmamay-ari, pag-a _ _ g _ _ n o pag-aari.

a

o

a

n

k

i

45 of 45

Binabati kita! Natapos mo na �ang Ika-1 at 2 Linggo sa Ika-2 Markahan ng ating aralin!