1 of 26

Wastong Paraan ng Paghuhugas ng Kamay

HEALTH 1

Quarter 2 Week 3-4

2 of 26

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maipakikita, maisasagawa at mapapahalagahan moang wastong paraan ng paghuhugas ng kamay. Sa panahon ngayon napakahalagang ikaw ay naghuhugas ng kamay lalo na at dumadanas ang bansa natin ng virus na tinatawag na COVID-19.

3 of 26

Mahalagang alam mo ang wastong paraan ng paghuhugas ng kamay.

4 of 26

5 of 26

6 of 26

Hi! Rica ang pangalan ko. Ito ang aking mga kamay. Nakagagawa ako ng maraming bagay sa túlong ng aking mga kamay. Sa taglay na kalinisan, kay gandang pagmasdan. Pagkat sa tuwina ito’y hinuhugasan. Ikaw, paano mo inaalagaan ang iyong kamay?

7 of 26

Kailangang hugasan ang ating mga kamay. Naririto ang ilang pagkakataon na dapat nating hugasan ang ating mga kamay.

8 of 26

kapag ang mga

ito ay marurumi

9 of 26

pagkatapos gumamit

ng palikuran

10 of 26

kapag umubo

at bumahing

11 of 26

bago at

pagkatapos

kumain

12 of 26

pagkatapos

pakainin ang

alagang

hayop

13 of 26

pagkatapos

maglaro

14 of 26

Wastong paghuhugas ng kamay

15 of 26

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Awitin ang kanta sa ibaba tungkol sa mga kamay (sa tono ng “Maliit na Gagamba”).

16 of 26

Ako ay may mga Kamay

Ako’y may mga kamay

Na Kaliwa at Kanan.

Itaas mo man ito’y

Malinis naman.

Ipalakpak, ipalakpak

Itong mga kamay.

Ipalakpak, ipalakpak

itong mga kamay.

17 of 26

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang tsek (/) kung tama ang pahayag at ekis (x) naman kug mali. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

18 of 26

1.Maghugas ng kamay pagkatapos pakainin ang alagang hayop.

2. Gumamit ng sabon sa tuwing maghuhugas ng kamay.

19 of 26

3. Tiyakin na malinis ang tubig na gagamitin sa paghugas.

4. Patuyuin ang kamay matapos itong hugasan.

5. Huwag kumain kung madumi ang kamay.

20 of 26

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Maghugas ng kamay habang umaawit ng awiting “Happy Birthday” nang dalawang beses.

21 of 26

22 of 26

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Isulat ang OO kung dapat ba na maghugas ng kamay sa mga sumusunod na pagkakataon, at HINDI naman kung hindi kailangan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

23 of 26

______ 1. kumakain ng pritong manok

______ 2. natutulog

______ 3. nagpapakain ng alagang pusa

______ 4. gumamit ng palikuran

______ 5. umuubo

OO

HINDI

OO

OO

OO

24 of 26

Punan ang mga patlang ng mga angkop na salita upang makabuo ng makabuluhang talata tungkol sa aralin.

25 of 26

malinis

huhugasan

maayos

kamay

26 of 26

Binabati kita! Natapos mo na �ang Ika-3-4 Linggo sa Ika-2 Markahan ng ating aralin!