Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian.
F6EP-III-6
Itanong: Ano-ano ang inyong relihiyon? Pareho ba ang tawag natin sa ating Dakilang Lumikha?
Sabihin: Babasahin natin ngayon ang isang seleksiyon na pinamagatang,
“Ang Diyos ng mga Ninuno.”
Alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:
1.Ang mga sinaunang Pilipino ay sumasamba sa mga diyos, espiritu, at nilalang na nagbabantay sa mga sapa, bukid, puno, bundok, gubat, at kalikasan.
2.Ang mga Espanyol ang siyang nagpalaganap ng Kristyanismo sa Pilipinas.
3. Ang Pilipinas ay isang kapuluan.
4. Dapat nating pakinggan ang pangaral ng ating mga magulang.
5.Si Hesukristo ay nagpakamatay sa krus upang maisalba ang kasalanan ng sangkatauhan.
Pagganyak na Tanong
Ano ang tawag sa diyos ng ating mga ninuno? Pagbasa ng seleksiyon
Ipaalala ang mga pamantayan sa pagbasa nang pabigkas.
Tumawag ng ilang bata at ipabasa nang pabigkas ang seleksyon habang ang iba ay nagbabasa nang tahimik.
Ano ang tawag sa diyos ng ating mga ninuno?
Tagalog – Bathala
Kapampangan at Katagalugan – Maykapal
Bontoc at Kankanay – Lumawig
Ifugaw at Apayaw – Kabunian
Zambal – Malayari
Apo – Igorot
Kabisayaan – Laon
Panay – Tuluk-Lawi
Pagsagot sa mga Tanong Pang-unawa
Anong relihiyon ang ipinakilala sa Pilipinas ng mga Espanyol? (Kristyanismo)
Sa palagay mo, bakit madaling nayakap ng mga Pilipino ang Kristyanismo?
(Ang ating mga ninuno ay naniniwala sa isang Dakilang Lumikha bago ipinakilala ng mga Espanyol ang Kristyanismo at tumugma ang pangaral nito sa paniniwala ng ating mga ninuno.)
Maraming tawag ang mga ninuno natin sa sinasamba nilang Dakilang Lumikha. Sa palagay mo ba ay magkakaiba o iisa lamang ang Dakilang Lumikhang sinasamba nila?
Ipaliwanag ang sagot.
(Sa palagay ko, iisa lamang ang Dakilang Lumikha na sinamba ng ating mga ninuno na siyang lumikha ng lahat ng bagay sa daigdig.)
Paglinang sa Kasanayan
Itanong: Lahat ba ng mga salita sa seleksyon ay madaling maintindihan? (Hindi lahat)
Sabihin: May mga salita talagang mahirap maintindihan kahit na ang mga ito ay ginagamit sa pangungusap. Kaya sa ganitong pagkakataon, kailangan nating sumangguni sa pangkalahatang sanggunian tulad ng diksyunaryo, atlas, at ensiklopedya.
Ipaliwanag ang mga sumusunod:
Diksiyonaryo – Aklat na naglalaman ng piling mga salita ng isang wika na nakaayos nang paalpabeto at may kaukulang paliwanag o kahulugan; talatinigan.
Sa pagbasa ng diksiyunaryo, ang agad na makikita ay ang dalawang pamatnubay na salita sa itaas ng bawat pahina nito. Nakatutulong ang mga ito sa mabilis na paghanap ng salita. Magkatulad ang unang pamatnubay na salita sa kaliwa at ang unang salita sa itaas ng talaan sa kaliwang hanay. Magkatulad naman ang pamatnubay na salita sa kanang bahagi ng pahina at ang huling salita sa ibaba ng talaan sa kanang hanay.
Halimbawa: Webster’s Dictionary, Oxford Dictionary, English – Filipino Dictionary
Ensiklopedya – Aklat o katipunan ng mga aklat na nagbibigay ng mga kaalaman sa lahat ng sangay nang karunungan, kung saan ang mga lathalain ay inayos nang paalpabeto.
Halimbawa: Collier’s Encyclopedia, World Book
Atlas – Aklat ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansya, at lokasyon ng mga lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa isang lugar. Ito ay nakaayos ayon sa pagkakahating pulitika at iba pa. Tulad ng isang aklat, ang atlas ay may iba’t iba ring bahagi. Ito ay naglalaman ng mga sumusunod: tala ng mga mapa, paunang salita, glosari o talahuluganan, at indeks o talatuntunan. Kung minsan ay may dahong dagdag para sa mahahalagang impormasyon tungkol sa populasyon ng mga bayan o bansa.
Gawin Natin
Alin sa mga pangkalahatang sanggunian ang magagamit mo kung nais mong malaman ang sumusunod na mga kabatiran?
Sabihin: Kung diksiyonaryo, ensiklopedya, o atlas ang gagamitin.
Kahulugan ng isang salita
Natatanging tradisyon ng isang bansa
Wastong bigkas ng salita
Mapa ng Asya-Pasipiko
Dramang Griyego
Mapa ng buong Asya
Maaring pamalit sa salita
Mga pabula
Mga mapa ng iba’t ibang bansaKasaysayan ng Pilipinas
Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Magpaligsahan sa paghahanap ng kahulugan ng mga salita sa diksiyonaryo.
1. abala 6. goldiger
2. badyet 7. hingalo
3. karaban 8. juicer
4. deportasyon 9. lagpak
5. engkantada 10. maglamusak
Ano-ano ang mga pangkalahatang
sanggunian tinatalakay natin?
Saan dapat gamitin ang mga ito?
Alin sa mga pangkalahatang sanggunian ang nagagamit mo kung nais mong malaman ang mga sumusunod? Isulat sa sagutang papel kung diksiyonaryo, ensiklopedya, o atlas ang gagamitin.