1 of 66

Filipino q3 week 4

2 of 66

Paunang Pagtataya:

Ano ang nais ipinahihiwatig nito ng larawang ito?

3 of 66

Ikatlong Markahan

Week 4

Unang Araw

Layunin

Nasusunod ang napakinggang panuto o hakbang ng

isang gawain.

Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagpapahayag

ng panghihinayang.

4 of 66

1. Pagsasanay

Isulat ang uri ng pangungusap

a. Nakatulog si Abby habang nagbabasa. b. Hanapin ang mga nars.

c. Saan ako naroroon?

d. Aba, parang may prusisyo!

e. Sino ka?

5 of 66

Tauhan

Tagpuan

 

 

 

 

2.Balik-aral

Batay sa inyong napanood kahapon, punan ang tsart

Tauhan

Tagpuan

 

 

 

 

6 of 66

3.Mga Gawain

A.Pagganyak

Ipaturo ang kaliwang kamay ng mga bata sa kaliwang

bahagi ng silid-aralan.

Ano-anong mga bagay ang nasa kaliwa mo?

Ipaturo naman ang kanang kamay ng mga bata sa kanang bahagi ng silid-aralan.

Ano-anong mga bagay ang nasa kanan mo?

7 of 66

Alin sa mga larawang ito? Meron ba sa mga bagay na ito?

8 of 66

B.Paglalahad

Pangkatin ang mga bata sa lima (5)

Ipaguhit sa bawat pangkat ang mapa ng sariling silid-aralan gamit ang manila paper.

9 of 66

C.Pagtatalakay

Gamit ang mapang nabuo, ipagawa sa bawat pangkat ang sumusnod:

  • Lagyan ng tsek (/) ang pintuan. Kulayan ito ng berde.
  • Lagyan ng ekis (X) ang bintana. Guhitan ito ng kurtinang kulay berde.
  • Lagyan ng dalawang guhit ang cabinet ng aklat. Isulat ang pangalan ng inyong guro sa ibabaw nito at kulayan ng dilaw.
  • Lagyan ng pahilis na guhit ang pisara. Isulat din dito ang ngalan ng paaralan.

10 of 66

Nagawa ba ng maayos nang bawat pangkat ang mga panutong ibinigay?

Ano ang ginawa ng bawat pangkat upang maayos at wastong masunod ang mga napakinggang panuto?

Bakit mahalaga ang pagsunod sa panuto?

Kung sakaling liban ka ng araw na ito na naituro ng guro ang pagsunod sa hakbang sa paggawa ng balulang,ano ang

mararamdaman mo?

Manghihinayang ka ba? Bakit?

Ano-anong mga magagalang na pananalita ang maari mong magamit upang maipahayag ang iyong panghihinayang?

Ilahad ng bawat pangkat ang natapos na gawain.

11 of 66

D.Pagpapayamang Gawain

Basahing mabuti ang panuto.Isagawa ang ibinigay na panuto.

1. Gumuhit ng maliit na bilog.Pagkatapos ay gumuhit ng mas malaking bilog sa ilalim ng maliit na bilog at sa ibabang mabagi ng malaking bilog ay gumawa ng tuldok at sundan ng pakurbang guhit.Gumuhit ng maliit na tatsulok sa gitna ng maliit na bilog at sa magkabilang gilid nito ay gumuhit ng kalahating bilog

12 of 66

13 of 66

E.Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa panuto?

Ano-ano ang mga magagalang na pananalita na nagpapahayag ng panghihinayang?

14 of 66

Sa pagsunod sa panuto nararapat na nakinig na mabuti.

Unawain ang isaktong pagsasagawa ng panuto

Isagawa mula sa simula hanggang sa katapusan

I-tsek kung ang nagawa ay tama.

15 of 66

Inutusan ka ng nanay mo na magluto ng kanin sapagkat mayroon lamang siyang tinatapos na gawain. Ano ang unang hakbang na gagawin mo?

16 of 66

IV.Pagtataya

Babasahin ng guro ang panuto. Hayaan ang mga bata na isagawa ito.

  1. Gumuhit ng isang parisukat. Isulat dito ang

BAWAL MAGTAPON NG BASURA

Kulayan ito ng kulay dilaw

B. Gumuhit ng malaking bilog. Sa kanang bahagi nito maglagay ng maliit na kamay. Sa gitna ng bilog ay isulat ang salitang HELLO gamit ang malaking titik

17 of 66

Takdang Aralin

Sumipi ng isang recipe muna sa cook book at ilahad sa klase ang mga pamamaran na napapaloob dito.

Sumulat ng mga panuto na maaring isagawa ng iyong mga kamag-aaral.

 

18 of 66

Ikatlong Markahan

Week 4

Ikalawang Araw

Layunin

Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan

19 of 66

1.Pagsasanay

Ilarawan ang mga sumusunod:

20 of 66

2.Balik-aral

Isulat sa bawat bahagi nito ang mga dapat tandaan sa pagsunod sa panuto.

21 of 66

Mga Gawain

A.Pagganyak

Itanong: Ilarawan ang tahanang ito. Ano-ano ang mga ginagawa mo sa tahanan? Ipagawa sa pamamagitan ng pagkilos ang sagot sa tanong. Paano ninyo isinagawa ang kilos?

22 of 66

B.Paglalahad

23 of 66

1. Kailan ginugunita ng mga naninirahan sa Aklan ang pagkakasundo ng mga Ati o Ita at mga Malayo?

2. Ano ang masasabi mo sa mga Malayo?

3. Paano nila ipinagdiwang ng mga Ati at Malayo ang kanilang pagkakasundo?

4. Paano sumayaw ang mga Ati-atihan?

5. Ano ang masasabi mo sa kanilang kasuotan?

(Ipatala sa pisara ang bawat sagot.)

24 of 66

Ano-anong salita ang naglalarawan kung paano? kailan?

Taon-taon Masaya magaling

Ano-anong salita ang naglalarawan sa pangngalan?

Kasuotan Malayo

Ano ang tawag sa mga salitang ito?

25 of 66

Basahin ang usapan. Alamin ang mga pang-uri at pang-abay na ginamit

26 of 66

Basahin ang usapan. Alamin ang mga pang-uri at pang-abay na ginamit

27 of 66

D.Pagpapayamang Gawain: Pangkatang gawain

Magtala ng angkop na pang-uri at pang-abay sa mga sumusunod na larawan.

28 of 66

E.Paglalahat

Ano ang pang-uri?

Ano ang pang-abay?

29 of 66

IV.Pagtataya

Isulat kung pang-uri o pang-abay ang gamit ng mga salitang may salungguhit.

1. Matibay ang lubid na ginamit ni Ambo.

2. Mahusay sumalo ng bola si Jose.

3. Masayang naglaro ang mga bata.

4. Mapalad ang mga batang Pilipino.

5. Malakas ang ulan kagabi.

30 of 66

V. Takdang Aralin

Bumuo ng limang pangungusap gamit ang pang-uri at pang-abay. Isulat ito sa isang buong papel.

Magsaliksk. Gumawa ng talata tungkol sa taong nagtagumpay sa buhay. Salungguhitan ang mga pang-uri at bilugan ang mga pang-abay.

31 of 66

Ikatlong Markahan

Week 4

Ikatlong Araw

Layunin:

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar ayon sa iba’t ibang sitwasyong pinaggamitan.

Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman

Nagagamit ang nakalarawang balangkas upang maipakita ng nakalap na impormasyon

32 of 66

1. Pagsasanay

Isaayos mo ayon sa pagkakasunod-sunod ng bagong alpabeto. Lagyan ng bilang 1-8

-----------Xerox -----------Karaoke

-----------Radyo -----------Pansit

-----------Alkohol -----------Bangko

-----------Mesa -----------Videoke

 

Pamilyar ba kayo sa mga salitang ito? Ibigay ang kahulugan.

33 of 66

2. Balik-aral

Magbigay ng mga halimbawa ng pang-uri at pang-abay. Isulat sa loob ng hugis

Pang-uri

Pang-abay

34 of 66

  1. Pagganyak

Pamilyar ba kayo sa mga bagay na ito?

Alin sa mga ito ang di ka pamilyar?

Mga Gawain

35 of 66

Ayusin ang mga titik sa biluhaba na siyang magiging kahulugan

1. Dumatal sa kaniya ang isang napakalaking suliranin na nagpagulo sa kanilang isipan.

D t n g I a m u

2. Dahil dito, binalak niya na manalangin sa Panginoon para siya”y gabayan Niya.

I a n p o l n i

3. Nakapagpasya siya na gagawin ang lahat upang malutas ang problema.

K a p g I o a s e a I n d n s y

4. Itinuturing niyang ang mga iyo’y susubok sa kanyang katatagan.

I a k k I I l l n a

5. Tunay na naging malupit sa kaniya ang kapalaran, ngunit di kalian man siya bibitiw sa kanilang paniniwala.

a a m g k b I s

36 of 66

Panaginip

 

Minsan, napanaginipan ko na ako’y nasa isang magarang silid. Antigo ang lahat ng gamit dito. May isang malaking mesa at dalawang silya na yari sa nara. May babaing nakaupo sa silya. May hawak siyang abaniko at nakasuot ng magarang bestida. Mula sa silya, lumapit siya sa bintana at masayang tinanaw ang kanyang malawak na hardin. Dito makikita ang iba’t ibang uri ng halaman tulad ng rosas, gumamela, santan, sampaguita at rosal.

37 of 66

29 Bonifacio St.

Lubao, Pampanga

Setyembre 2, 2016

Dir Ate Lydia,

Tagahanga mo ako, Ate Lydia. Lagi kong binabasa and kolum mo sa Tanglaw. Magaganda nag mga payo mo sa mga nagpapadala sa iyo ng liham.

Alam mo Ate Lydia, matagal ko nang nais kang sulatan. Tinutukso nga ako sa klase dahil sa sobrang nipis ng buhok ko. Kita ang anit ko sa sobrang pino ng buhok ko.. Sabi ng Nanay ko, kinalbo na raw ako noong bata pa para kumapal ang buhok ko, ngunit nang tumubo ay manipis pa rin.

Ano kaya ang gagawin ko? May gamut kayang pampakapal ng buhok?

sana’y tulungan mo ako, Ate Lydia. Babasahin ko ang mga susunod mong kolum upang malaman ang iyong kasagutan.

Maraming salamat at dalangin ko ang lalo pang tagumpay ng iyong kolum.

Sumasaiyo,

Eunice Perez

38 of 66

C. Pagtatalakay

 

Sino kaya si ate Lydia?

Ano ang suliranin ni Eunice?

Ano ang pamilyar na salita?

Magbigay ng mga halimbawa nito batay sa nabasang liham.

Ano ang di pamilyar na salita ang napapaloob sa liham?

di pamilyar na salita?

Ano-ano ang mga maaaring mangyari sa madalas na pagshampoo ng buhok? sa sobrang init ng hair dryer?

Ano-anong mahahalagang detalye ang iyong natutuhan sa binasa?

39 of 66

Pamilyar

Di- Pamilyar

Kahulugan

D. Pagpapayamang Gawain

1. Pangkatin ang mga sumusunod na salita. Ilagay sa tamang hanay at ibigay ang kahulugan nito.

Braid pino magulang doktor

curlers marupok kintab pagtangkilik

kanser nababanat produkto

2. Itala ang mga nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng balangkas.

40 of 66

Gamitin itong gabay.

E. Paglalahat

 

Ano natutuhan ninyo sa aralin. Ipakita ang iyong sagot sa pamamagitan ng isang rap.

41 of 66

F. Paglalapat

 

Ibigay ang katumbas na kahulugan ng mga sumusunod na salita.

1.beauty parlor-

2. siopao-

3. kamiseta-

4. underpass-

5. supermarket-

42 of 66

IV. Pagtataya

 

A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Ikahon ang mga pamilyar at bilugan ang di pamilyar na salita na ginamit sa pangungusap at ibigay ang kahulugan nito.

1. Sikat na coach ang kanyang ama.

2. Hindi nila nakita ang elepante sa Manila Zoo.

3. Nag-aaral kami ng computer

4. Madalas kaming maglaro ng video game.

5. May videoke ba roon?

43 of 66

V.Takdang Aralin

 

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.

1. debut

2. keyk

3.imbitasyon

4.kard

5.bestida

44 of 66

Ikatlong Markahan

Week 4

Ikaapat na Araw

 

I. Layunin

 

Nakasisipi ng talata mula sa huwaran

45 of 66

  1. Pagsasanay

Bumuo ng salita buhat sa mga pinaghalong mga titik

A t a la t i p s I

s a t o w

2. Balik-aral

Ibigay ang bahagi ng isang balangkas

46 of 66

Mga Gawain

 

A. Pagganyak

Pasulatin ang mga bata sa show-me-board ng mga pangungusap na may kaugnayan sa mga gawain nila araw-araw.

Ano ang mabubuo ninyo kapag pinagsama-sama ang mga pangungusap na ito?

B. Paglalahad

Magpakita ng modelo ng isang talata.

Hayaang suriin ito ng mga bata.

47 of 66

48 of 66

C. Pagtatalakay

Ano ang bumubuo sa isang talata?

Paano isinusulat ang simula ng pangungusap? Paano ito tinatapos

Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata?

 

49 of 66

Ano ang Talata at komposiyon nito ?

 

Ang komposisyon o katha ay binubuo ng mga talata. Ang talata naman ay binubuo ng lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi palagay o paksang diwa.

 

Upang maging mabisa ang paksang diwa, buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at may tamang pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan:

 

50 of 66

May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposiyon. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Panimulang Talata – ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang paksang nais, talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipninapilwanag, isinasalaysay, inilalarawan, o binibigyang-katwiran. 

2. Talatang Ganap – ito naman ang nasa bahaging gitna ng isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo it nng mga sumusuportang ideya upang ganap na matalakay ang paksang nais bigyang-linaw ng manunulat.

3. Talatang Pabuod – ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang komposisyon. Dito nakasaad angg mahahalagang kaisipan na nabangit sa gitna talata. Minsa, ginagamit ito upang bigyanglinaw ang kabuuan ng komposisyon.

51 of 66

D. Pagpapayamang Gawain

Gamit ang aklat sa Fipino, hayaan ang mga bata na pumili ng isang talata at sipiin ito sa sulatang papel.

52 of 66

E. Paglalahat

Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsipi ng talata? Isulat sa tsart.

53 of 66

54 of 66

IV- Pagtataya

Sipiin nang wasto ang talata. Isulat sa sulatang papel

55 of 66

V. Takdang Aralin

56 of 66

Ikatlong Markahan

Week 4

Ikalimang Araw

 

I. Layunin

 

Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa napanood na maikling pelikula.

57 of 66

Pagsasanay

Hanapin sa puzzle ang mga salitang maaaring maglarawan sa tauhan/tagpuan sa kuwento.

Balik-aral

 

Anu-ano ang mga bagay na dapat tandaan kung manonod ng mga pelikula?

58 of 66

lipelaku

gatnapu

nahuta

liikma

atsitra

Ano-anong mga salita ang mabubuo mo mula sa mga titik na ito.

59 of 66

3. Mga Gawain

A. Pagganyak

Sinasabing ang pelikula ang pinakahuling sining na natutunang sinupin ng mga manlilikha nito. Ito ang dahilan kung bakit ang ilang mga pelikula na nilikha noong unang panahon ay hindi naipalalabas ngayon. Sa kasalukuyan, kinahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikula. Ito ang nagsisilbing libangan o pampalipas oras sa ilang mga Pilipino. Alam ng lahat ang malakas na pagtanggap ng madla sa ganitong uri ng sining. Kung kaya, marami ang mas nais ang pelikulang nanggagaling sa labas ng bansa.

 

Nakapanood ka na ba ng isang pelikula? Ano ang masasabi mo sa iyong napanood?

Natatandaan mo ba ang tagpuan at mga tauhan nito?

Ilahad ang iyong karanasan?

 

60 of 66

3. Mga Gawain

 

A. Pagganyak

Sino sa inyo ang mahilig manood ng mga pelikula? Anong uri ng pelikula ang pinanonood ninyo?

 

B. Paglalahad

 

Panonood ng mga bata ng isang pelikulang maaaring magbigay ng magagandang-aral.

C. Pagtatalakay

 

Pag-usapan ang pelikulang napanood

61 of 66

D. Pagpapayamang Gawain

 

1. Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood?

2. Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa.

3. Ilarawan ang tagpuan

4. Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula? Ipaliwanag kung bakit mo ito naibigan.

5. Alin naman ang hindi mo naibigan? Bakit?

62 of 66

Punan ang tsart. Iugnay sa paborito mong pelikulang napanood.

Pagsusuri sa :

Tauhan

Tagpuan

63 of 66

E. Paglalahat

 

Anu-ano ang mga hakbang sa pagsusuri ng mga tauhan/tagpuan at mga sa napanood na pelikula?

Kumpletuhin ang pangungusap batay sa napag-aralan.

 

Sa panonood ng pelikula dapat nating suriin ang _____________at _____________

 

64 of 66

F. Paglalapat - Pangkatang Gawain

 

Panoorin ang pelikulang ipakikita ng guro. Gawin ang sumusunod na paggsasanay

 

Pangkat I- Itala ang pangalan ng bawat tauhan at katangian ng bawat isa.

 

Pangkat II- Ilarawan ang tagpuan ng pelikulang napanood

 

Pangkat III-Itala ang pangyayaring naibigan ninyo sa pelikula at ipaliwanag kung bakit ito naibigan

 

Pangkat IV- Itala ang di kanais-nais na pangyayari sa pelikulang napanood at ipaliwanag kung bakit bakit

65 of 66

Ano-anong suliranin ang kinakaharap ng pelikulang Pilipino?

Magbigay ng mga mungkahi o solusyon sa suliraning kinakaharap ng pelikulang Pilipino.

66 of 66

Isulat ang mga pelikulang napanood mo na nagbigay ng aral sa iyo at sa maraming manonood. Sino-sino ang mga tauhan at saan ang tagpuan.

Pamagat ng Pelikula

Tauhan

Tagpuan