1 of 62

ESP 2

Quarter 2 Week 1-2

Pagpapakita ng Pagkamagiliwin at Pagkapalakaibigan

2 of 62

Narinig mo na ba ang linya sa isang awit na, “walang sinoman ang nabubuhay, para sa sarili lámang”? Naniniwala ka ba rito? Masarap mamuhay na marami kang kaibigan o kakilala na maituturing mo na “kapwa”.

3 of 62

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay makapagpapakita ng pagkamagiliwin at pagkapalakaibigan na may pagtitiwala sa mga kapitbahay, kamag-anak, kamag-aral, panauhin o bisita, bagong nakilala o taga-ibang lugar.

Layunin:

4 of 62

Pagmasdan ang mga bata sa larawan sa ibaba. Sila ba ay magigiliw at palakaibigan?

5 of 62

Katambal ng pagiging magiliwin at palakaibigan ang pagkakaroon ng tiwala sa kapwa. Mahalaga ito upang maging maayos at mabuti ang samahan ninyo sa isa’t isa kung taglay ninyo ang mga katangiang ito.

6 of 62

Magiliw ka ba sa lahat lalo na sa kapwa mo batà? Palakaibigan ka ba? Meron ka bang maraming kaibigan? Maayos at mabuti ba ang samahan ninyong magkakaibigan o magkakalaro?

7 of 62

Tukuyin ang mga magagandang asal na ipinapakita sa mga larawan. Buoin ang mga salita sa ibaba nito. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

8 of 62

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

Pagiging MA__ILI__IN at PA__AK__IBI___AN.

9 of 62

Tama! Ang mga larawan ay tumutukoy sa pagiging magiliwin at palakaibigan sa kapwa.

10 of 62

Ang pagiging magiliw o magiliwin ay maraming mukha o kahulugan. Ito ay maaaring tumutukoy sa pagiging mabait sa kapwa, mapagbigay kanino man, kaaya-aya ang pag-uugali, palakaibigan o di kaya ay maayos makitungo.

11 of 62

Madalas ginagamit ito upang ilarawan kung paano tayo makitungo sa iba. Tayo ay madalas makisalamuha sa ibang tao o sa ating kapwa. Sino–sino ba ang bumubuo sa salitang “kapwa”?

12 of 62

13 of 62

Ang Bago naming Kapitbahay

14 of 62

Biyernes ng hapon, habang masayang naglalaro sina Kardo, Bugoy, Denisse, Elsa, at Melissa sa harap ng kanilang bahay ay may dumating na malaking trak.

15 of 62

Namangha sila sapagkat nang buksan ang trak ay may mga lamáng kagamitan at kasangkapan sa bahay. Maya-maya, bumaba ang isang mag-anak.

16 of 62

Akay ang isang bátang babae na halos kasing edad nila. May bitbit itong laruan ngunit tila malungkot.

17 of 62

Sila ang mag-anak na Reyes. Sila ang bagong lipat sa lugar nina Kardo. Lumipat sila ng tírahan mula Batangas dahil naapektuhan ang kanilang kabuhayan mula nang sumabog ang Bulkang Taal.

18 of 62

Kinabukasan, naglaro muli ang magkakaibigan. Masayangmasaya sila at nagtatawanan. Napansin ni Elsa na may nagtatago at sumisilip sa likuran ng bakod.

19 of 62

Sinabihan niya ang kaniyang mga kaibigan na puntahan nila para makipagkilala at makipagkaibigan. Niyaya

nila itong makipaglaro.

20 of 62

Dahil sa pagiging magiliw sa panauhin at pagiging palakaibigan ng magkakaibigan ay madali nilang nakapalagayan ng loob si Fey.

21 of 62

Simula noon, ang bátang si Fey ay naging isang bátang masayahin.

22 of 62

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan batay sa kwento. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

23 of 62

1. Sino ang bátang nakilala at naging kaibigan nina Elsa at ng kaniyang mga kaibigan?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

A. Kardo

B. Denisse

C. Fey

D. Bugoy

24 of 62

2. Ano ang dahilan kung bakit malungkot si Fey?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

A. Ito ay dahil siya ay may sakit.

B. Ito ay dahil ayaw niya ang lugar.

C. Ito ay dahil wala siyang kaibigan.

D. Ito ay dahil malayo ang kaniyang paaralan.

25 of 62

3. Ano ang ugali na ipinakita nina Kardo kay Fey nang siya ay kanilang nilapitan?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

A. pagiging masunurin

B. pagiging mapagbigay

C. pagiging masipag

D. pagiging palakaibigan

26 of 62

4. Tama ba na makipagkaibigan sa mga bátang bagong lipat?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

A. Opo, para hindi sila malungkot.

B. Hindi po, hindi ko sila kilala.

C. Siguro po.

D. Hindi ko po alam.

27 of 62

5. Tutularan mo ba ang ginawang pakikipagkaibigan nina Elsa kay Fey?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

A. Opo, upang magkaroon ng bagong kaibigan.

B. Opo, upang makahiram ng mga laruan.

C. Hindi po dahil may cellphone ako.

D. Hindi po dahil ayaw ko ng kaibigang malungkutin.

28 of 62

Ikaw, tutularan mo ba ang ipinakitang kagandahang–asal tulad ng magkakaibigan sa kuwento?

29 of 62

Sa pagkakataong ito, tiyak na naging mas malawak na ang iyong kaalaman kung paano mo higit na maipakikita ang pagkamagiliwin at pagkapalakaibigan na may pagtitiwala sa iyong kapwa tulad ng kapitbahay, kamag-anak, kamag-aral, panauhin o bisita, mga bagong nakilala o taga-ibang lugar.

30 of 62

Naging maliwanag ba sa iyo ang kahalagahan ng pagiging magiliw o palakaibigan sa kapwa nang may pagtitiwala?

31 of 62

Ngayon naman ay pagkakataon mo na upang ipakita ang kakayahang ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na gawain. Handa ka na ba?

32 of 62

Masdang mabuti ang mga larawan. Ang bawat larawan ay nagpapakita ng pagkamagiliwin at pagkapalakaibigan. Piliin sa kahon ang letra ng uri ng kapwa na tumutukoy sa larawan sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

33 of 62

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

A. kapitbahay

B. bagong kakilala

C. guro

D. kamag-aral

E. taga-ibang lugar

F. panauhin o bisita

34 of 62

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

A. kapitbahay

B. bagong kakilala

C. guro

D. kamag-aral

E. taga-ibang lugar

F. panauhin o bisita

35 of 62

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

A. kapitbahay

B. bagong kakilala

C. guro

D. kamag-aral

E. taga-ibang lugar

F. panauhin o bisita

36 of 62

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

A. kapitbahay

B. bagong kakilala

C. guro

D. kamag-aral

E. taga-ibang lugar

F. panauhin o bisita

37 of 62

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

A. kapitbahay

B. bagong kakilala

C. guro

D. kamag-aral

E. taga-ibang lugar

F. panauhin o bisita

38 of 62

Basahin ang bawat sitwasyon at kopyahin sa sagutang papel ang buong gawain sa ibaba. Kulayan ng pula ang hugis bilog kung ang gawain ay nagpapakita ng pagiging magiliw at pagkapalakaibigan. Kulay berde naman ang ikulay kung hindi.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

39 of 62

1. Malugod kong binati ang bisita ng aking ina at agad pinatuloy sa aming tahanan.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

40 of 62

2. Magalang kong itinuro sa mamang nagtatanong kung saan matatagpuan ang simbahan.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

41 of 62

3. Lagi kong binábáti ang aking mga kapitbahay tuwing umaga.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

42 of 62

4. Madalas kong bisitahin ang aking mga kamag-anak tuwing may pagkakataon upang sila ay kumustahin.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

43 of 62

5. Hindi ko pinapansin ang bágong lipat naming kapitbahay.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

44 of 62

Lagyan ng tsek (✓) kung gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawain sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

45 of 62

Gawain

Madalas

Minsan

Hindi

1. Binabati ko ang aking guro at kamag-aaral sa tuwing nasasalubong ko sila.

2. Magalang kong binabati ang aming panauhin o bisita.

3. Isinasaalang-alang ko ang wastong pakikitungo at paggalang sa tuwing nagpupunta ako sa ibang lugar.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

46 of 62

Gawain

Madalas

Minsan

Hindi

4. Madalas kong kinukumusta ang aking mga pinsan, tito at tita.

5. Magiliw akong nakikipagkaibigan sa mga bagong kakilala.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

47 of 62

Batay sa isinagawang pagsagot sa tseklis, ano ang iyong gagawin sa mga bagay na madalas mo nang gawin, minsan mo

lámang gawin at hindi mo ginagawa?

48 of 62

Ako si __________________ ay sisikapin sa abot ng aking makakaya na maging magiliw at palakaibigan ng may pagtitiwala sa aking kapwa.

49 of 62

Tukuyin ang mga katangian na nagpapakita ng pagkamagiliwin at pagkapalakaibigan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong ságútang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

50 of 62

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

1. Dumating ang iyong kamag-anak galing probinsiya. Mamamalagi sila ng iláng araw sa inyong bahay. Ano ang gagawin mo?

A. Hindi ko sila papansinin.

B. Batiin sila nang maayos at patuluyin.

C. Magkunwaring masaya ako sa pagdating nila.

D. Ipapakita ko na hindi ako masaya sa pagdating nila.

51 of 62

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

2. May bago kayong kamag-aral. Gáling siya sa malayong bayan. Madalas siya ay malungkot sapagkat wala pa siyang kakilala. Ano ang dapat mong gawin?

A. Hayaan na lámang siya.

B. Batiin at kaibiganin siya.

C. Huwag siyang pansinin.

D. Sabihan na huwag na lámang siyang pumasok.

52 of 62

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

3. Pauwi na si Erwin nang may nakasalubong siyang taga-ibang bayan na nagtatanong. Paano niya ito pakikitunguhan?

A. Huwag itong kausapin.

B. Kausapin nang may pagyayabang.

C. Umiling lámang kapag kinakausap.

D. Magiliw na kausapin nang may paggalang.

53 of 62

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

4. Kapitbahay ninyo ang mag-anak na Cruz. Madalas siláng kapusin sa budget. Ano ang maaari mong gawin?

A. Kausapin ang mga magulang mo na tulungan sila.

B. Ikuwento at pag-usapan ninyong magkakaibigan.

C. Pagtawanan sila.

D. Kutyain sila.

54 of 62

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

5. Napansin mo ang isang matanda na nahihirapang tumawid sa kalsada. Ano ang gagawin mo?

A. Panoorin lámang kung paano makakatawid ang matanda.

B. Magiliw na tulungang tumawid ang matanda.

C. Sigawan ang matanda at takutin ito.

D. Pagtawanan ang matanda.

55 of 62

Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapahayag ng pagkamagiliwin at pagiging palakaibigan at MALI naman kung hindi. Gawin ito sa iyong ságútang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:

56 of 62

_____1. Luis, lumayas ka nga diyan!

Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:

_____2. Magandang umaga, mga kaibigan.

57 of 62

_____3. Magandang araw din po, tuloy po kayo!

Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:

_____4. Natutuwa ako sa inyong pagdating, Tiya Elaine.

58 of 62

Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:

_____5. Narito ang sobra kong pagkain Philip, kunin mo.

59 of 62

Sa gabay ng iyong magulang, gumuhit ng isang larawan o comic strip na magpapaliwanag sa #hashtag na nakasulat sa ibaba. Pumili lámang ng isa. Gawin ito sa iyong ságútang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 8:

60 of 62

#magiliwin

#palakaibigan

#tiwala_sayo

Gawain sa Pagkatuto Bílang 8:

61 of 62

Buoin mo ang mahalagang kaisipan sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Assimilation

62 of 62

Assimilation

mabuting

mabait

pagkamagiliwin

batang

Ang pagiging __________ sa kapwa, mapagbigay kanino man, pagkakaraon ng ______________ pag-uugali, at pagkakaroon ng maayos na pakikitungo sa lahat ng oras ay inaasahan sa isang _____________ katulad mo.