O Kristong Haring Marangal
Adopted from the English Version
“TO JESUS CHRIST OUR SOVEREIGN KING”
I
O Kristong Haring Marangal.
Kaligtasan nami’t buhay.
Pagpupuri’t pagpupugay.
Sa ’Yo’y aming iniaalay.
II
Kahariang itatanghal.
Sa bawat lungsod at bayan.
Pagkat tanging sa ‘Yo lamang.
Kaligtasa’y matatagpuan.
III
Sa ‘Yo’t sa Iglesyang banal.
Puso nami’y nalalaan.
Ngayo’t sa kabilang buhay.
Magbubunyi ng walang hanggan.