1 of 11

Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan

LAYUNIN:

2 of 11

PAGBABALIK-ARAL

Ano ang pang-abay?

Ano-ano ang iba’t-ibang uri ng pang-abay?

3 of 11

Tingnan ang larawan sa ibaba.

PAGGANYAK

Paano mo ito ilalarawan?

Kung aakyatin mo ang puno sa larawan paano mo ito aakyatin?

4 of 11

PAGLALAHAD

Kulang ang isang pahayag kung hindi ka nakapaglalarawan. Kailangan mong mailarawan ang mga bagay na iyong nakikita, naririnig, naaamoy, natitikman at nahahawakan upang higit na maging epektibo ang iyong pagpapahayag. Bukod sa nabanggit, maaari mo ring ilarawan ang iyong mga ginagawa at ang bagay na iyong inilalarawan gamit ang pang-abay at pang-uri.

5 of 11

PAGTALAKAY

Basahin ang pangungusap sa ibaba.

1.Ang anak ni Aling Lita ay matapat.

2. Tapat maglingkod ang aming punong-bayan.

Pansinin ang salitang may salungguhit.

Paano ito ginamit sa pangungusap?

Ano ang inilalarawan ng salitang may salungguhit sa unang pangungusap? Sa ikalawa?

6 of 11

SUBUKIN NATIN

Tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay pang-uri o pang-abay.

_________1.Masarap magluto ang aking ina.

_________2.Masarap ang sopas.

_________3.Mabilis matuto si Joshua.

_________4.Mabilis ang kabayo ni Lito.

_________5. Si Boyet ay tapat na bata.

7 of 11

_________6.Tapat magmahal ang binatang si Luis.

_________7.Madumi maglaro ang grupo ni Brando.

_________8.Madumi ang damit ni Nena.

_________9.Malinis maglaba ang aming

labandera.

_________10. Malinis ang bahay namin.

8 of 11

PAGLALAHAT

Ang pang-uri ay ginagamit upang ilarawan ang pangngalan.

Ang pang-abay ay ginagamit upang ilarawan ang pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

9 of 11

PAGTATAYA

Sagutan ang Pagsikapan Natin pahina 137 A sa Alab Filipino

10 of 11

TAKDANG-ARALIN

Gumawa ng tatlong pangungusap gamit ang pang-uri at dalawang pangungusap gamit ang pang-abay.

11 of 11

HAPPY TEACHING !!!!