1 of 39

PE 2

Quarter 2 Week 7-8

Pagpapanatili ng Tikas ng Katawan

2 of 39

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang wastong tindig o tikas at tamang paggalaw ng katawan sa pagsasagawa ng mga gawain.

Layunin:

3 of 39

Ang paglalakad nang wasto sa iba’t ibang direksiyon ay isang kasiya-siyang gawain na makatutulong sa wastong pagpapatakbo ng sistema ng katawan.

4 of 39

Narito ang iláng alituntunin upang malaman mo kung wasto ang tikas/tindig ng iyong pangangatwan.

5 of 39

Gawin sa túlong ng iyong mga kasama sa bahay ang isang uri ng relay na nasa ibaba.

Hindi nangangailangang lumabas ng bahay.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

6 of 39

Pagtayo

1. Ang mga paa ay magkahanay

na may lima hanggang pitong

sentimetro ang pagitan sa isa’t

isa. Ang bigat ng katawan ay

nakasalalay sa kabuuan ng mga

paa.

7 of 39

Pagtayo

2. Ang mga tuhod ay tuwid at nakarelaks.

8 of 39

Pagtayo

3. Ang dibdib ay nakaliyad at ang tiyan ay nakapasok.

9 of 39

Pagtayo

4. Ang ulo at balikat ay tuwid ang ayos.

10 of 39

Pagtayo

5. Ang braso at kamay ay malayang nakalagay sa tagiliran.

11 of 39

Pag-upo

1. Ang mga paa ay magkadikit, magkahanay o maaaring ang isa ay nása unahan ng isa at nakalapat sa sahig.

12 of 39

Pag-upo

2. Ang balakang at tuhod ay nakabaluktot.

13 of 39

Pag-upo

3. Ang ibabang bahagi ng likod ay bahagyang nakalapat sa likuran ng upuan.

14 of 39

Paglalakad

1. Lumalakad ang mga paa sa iisang tuwid na guhit.

15 of 39

Paglalakad

2. Ang mga kamay ay umiimbay nang halinhinan paharap at patalikod nang may koordinasyon sa galaw ng paa.

16 of 39

Paglalakad

3. Ang likod na bahagi ng katawan ay tuwid at ang paningin ay nakatuon sa harap.

17 of 39

Pagmasdan ang mga larawan. Tingnan ang kanilang mga tikas o tindig ng pangangatawan. Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

18 of 39

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

19 of 39

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang nakikita mo sa larawan?

20 of 39

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

Sagutin ang sumusunod na tanong:

2. Paghambingin ang mga larawan.

21 of 39

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

Sagutin ang sumusunod na tanong:

3. Sino kayâ sa palagay mo ang may wastong tikas sa pagtayo at paglakad?

22 of 39

Pagmasdan ang larawan ng bátang nakaupo. Isulat sa iyong kuwaderno ang letra ng bátang may wastong pag-upo. Ipaliwanag ang iyong sagot

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

23 of 39

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

24 of 39

Gawin ang sumusunod nang may kapareha. Maaaring humingi ng túlong sa magulang o sino mang kasama sa bahay. Ilarawan ang galaw ng iyong katawan. Isulat sa sagútáng papel ang E (Excellent) kung naisagawa ito ng napakahusay, G (Good) kung mahusay at P (Poor) kung hindi wasto ang galaw

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

25 of 39

Galaw at Tikas ng Katawan

Paglalarawan

Pagtayo

1. Ang mga paa ay magkahanay na may lima hanggang pitong sentimetro ang pagitan sa isa’t isa. Ang bigat ng katawan ay nakasalalay sa kabuuan ng mga paa

2. Ang mga tuhod ay tuwid at nakarelaks.

3. Ang dibdib ay nakaliyad at ang tiyan ay nakapasok.

4. Ang ulo at balikat ay tuwid ang ayos.

5. Ang braso at kamay ay malayang nakalagay sa tagiliran.

26 of 39

Galaw at Tikas ng Katawan

Paglalarawan

Pag-upo

1. Ang mga paa ay magkadikit, magkahanay o maaaring ang isa ay nasa unahan ng isa at nakalapat sa sahig.

2. Ang balakang at tuhod ay nakabaluktot

3. Ang ibabang bahagi ng likod ay bahagyang nakalapat sa likuran ng upuan.

4. Ang katawan ay tuwid at magkalinya.

27 of 39

Galaw at Tikas ng Katawan

Paglalarawan

Paglakad

1. Lumalakad ang mga paa sa iisang tuwid na guhit.

2. Ang mga kamay ay umiimbay nang halinhinan paharap at patalikod nang may koordinasyon sa galaw ng paa.

3. Ang likod na bahagi ng katawan ay tuwid at ang paningin ay nakatuon sa harap.

28 of 39

Magsanay lumakad nang tuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa sumusunod na panuto. Isagawa ang bawat hakbang na may bílang na apat.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

29 of 39

1. Lumakad paharap.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

30 of 39

2. Lumiko sa kanan at muling lumakad paharap.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

31 of 39

3. Lumiko ulit sa kanan at muling lumakad paharap.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

32 of 39

4. Muling lumiko sa kanan at lumakad muli paharap hanggang sa makabalik sa dating lugar

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

33 of 39

1. Anong kilos ng katawan ang iyong naisagawa?

34 of 39

2. Ilarawan kung paano ka naglakad?

35 of 39

Magtanong sa iyong mga kasama sa bahay kung may maipapayo pa sila tungkol sa dapat gawin upang makatulong na mapanatili ang wastong tikas o tindig ng katawan. Isulat sa kuwaderno ang sagot.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

36 of 39

Pangalan ng Kapamilya: _______________________________

Mga payo sa wastong tikas at tindig:

1. ________________________________________________

2. ________________________________________________ 3.________________________________________________

37 of 39

Sa túlong ng iyong mga kasama sa bahay, maghanap sa mga babasahin ng larawan ng maayos na tikas ng katawan. Gupitin ito at idikit sa puting papel. Isulat ang katagang “Kaya ko ang Tikas na ito” sa ilalim ng larawan.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

38 of 39

Punan ang mga patlang ng mga angkop na salita upang makabuo ng makabuluhang talata tungkol sa aralin.

39 of 39

Upang magkaroon ka ng wastong ___________________________ ng katawan, dapat ay ___________________________ ang pag-upo, pagtayo at ___________________________ mo.

tama tikas paglakad pagkain