1 of 22

Araling Panlipunan 2

Quarter 2 Week 1

Ang Pinagmulan ng Aking Komunidad

2 of 22

WELCOME

3 of 22

Mahalagang malaman at maunawaan mo ang pinagmulan ng iyong komunidad. May mga pagkakataon na nababago ang pangalan ng komunidad, batay sa pagbabago

ng pamumuhay ng mga tao at ng

kapaligiran.

Sa araling ito, inaasahang maisasalaysay

mo ang pinagmulan ng iyong sariling

komunidad, batay sa pagtatanong

at pakikinig sa mga kuwento ng

mga nakatatanda.

4 of 22

Ano ang na-obserbahan mo sa larawan? Meron din bang lansangang ganito sa inyong lugar? Ano ang pinagmulan ng lansangang ito sa inyong komunidad?

5 of 22

Ang Imus ay dáting bahagi ng Cavite el Viejo na naging Kawit ngayon. Noong mga panahong iyon ay wala pang mga sasakyan. Ang mga mamamayan ay naglalakad lámang papuntang Kawit upang magsimba at makipag-ugnayan sa pamahalaan.

Mahigit na 100 taong tiniis ng mga tao ang hirap

ng paglalakad. Subalit noong 1762 ay may

itinayong simbahan sa Bayan Luma. Hindi rin

ito nagtagal dahil sinira ito ng bagyo noong

Setyembre 1779. Kayâ ito ay inilipat sa

Baryo ng Toclong at nang magtagal ay

inilipat sa Sitio de Balangon na ngayon

ay Imus Plaza.

6 of 22

Noong 1774, ipinetisyon ni Padre Pedro Buenaventura na ihiwalay ang mga nakatira sa Imus sa pamamahala ng Cavite el Viejo. Noong Oktubre 3, 1795 ay naaprubahan ito at inihiwalay ang Imus.

Naging Kabisera ng Kabite o Cavite ang

Imus noong Hunyo 11, 1977 sa bisa ng

Presidential Decree no. 1163 ng dáting

Pangulong Ferdinand E. Marcos.

7 of 22

Sinasabing nagmula ang pangalan ng Imus sa salitang Tagalog na nangangahulugang lupa na napapagitnaan ng dalawang ilog. Sa kaso ng Lungsod ng Imus, ito ang

Ilog Imus at Ilog Julian. Noon namang Hunyo 30,

2012 ang Imus ay naging ganap na lungsod. Sa

paglipas ng panahon, masasabing malaki na

ang ipinagbago ng komunidad ng Imus.

Isa na rin itong ganap na maunlad na

lungsod dahil marami nang makikitang

bagong estruktura at mga industriyal na

gusali. Mayaman din ang Imus sa mga

makasaysayang lugar o bantayog.

8 of 22

GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 1!

Sagutin ang mga tanong. Piliin ang sagot sa mga nasa loob ng kahon. Isulat ito sa iyong kwaderno.

9 of 22

marami ng industriya

lupa na napapagitnaan ng dalawang ilog

Lungsod ng Imus

Hunyo 30, 2012

1. Anong komunidad ang inilarawan sa kuwento?

10 of 22

marami ng industriya

lupa na napapagitnaan ng dalawang ilog

Lungsod ng Imus

Hunyo 30, 2012

2. Ano ang kahulugan nito?

11 of 22

marami ng industriya

lupa na napapagitnaan ng dalawang ilog

Lungsod ng Imus

Hunyo 30, 2012

3. Kailan naging ganap na lungsod ang Imus?

12 of 22

marami ng industriya

lupa na napapagitnaan ng dalawang ilog

Lungsod ng Imus

Hunyo 30, 2012

4. Anong mga pagbabago ang naganap sa Lungsod ng Imus?

13 of 22

GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 2!

Punan ang graphic organizer sa susunod na pahina. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

14 of 22

Konsepto: Ang Pinagmulan ng Pangalan ng Aking Komunidad

Ano ang alam ko tungkol sa pangalan ng aking komunidad? _______________________

Ano pa ang gusto kong malaman? _______________________

Paano ko ito malalaman?

______________________________________________

Ano ang dapat kong matuklasan tungkol sa pangalan ng aking komunidad?

_________________________________________________

15 of 22

GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 3!

Magtanong sa iyong magulang o

nakatatandang kasapi ng pamilya tungkol sa pinagmulan ng inyong komunidad. Hilingin mo

na ikuwento sa iyo ang pinagmulan nito. Pagkatapos ay isulat ang mga mahahalagang impormasyong iyong natutuhan. Gawin ito sa

iyong kuwaderno.

16 of 22

Ang mahahalagang impormasyon tungkol sa pinagmulan ng aking komunidad ay...

______________________________________________________________________________

17 of 22

GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 4!

Ipakilala ang pinagmulan ng sariling komunidad sa pamamagitan ng paglikha o pagguhit ng isang Picture Story ng iyong komunidad. Isulat ang mahahalagang detalye tulad ng dáting pangalan, makasaysayang istruktura at lugar na mayroon sa iyong komunidad. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

18 of 22

GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 5!

Sumulat ng tatlo (3) hanggang limang (5) pangungusap na nagpapakita ng pagpapahalaga mo sa pinagmulan ng iyong komunidad. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Basahin ito sa harap ng iyong pamilya. Hayaang tukuyin ng iyong pamilya ang iyong mga naisagawa batay sa rubric sa ibaba

19 of 22

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

20 of 22

Gawain

1. kilalanin ang mga katangian ng sariling komunidad

Di-

naisagawa

Naisagawa

2. pahalagahan ang sariling komunidad

3. kilalanin at ipagmalaki ang mga lugar na matatagpuan sa komunidad

21 of 22

Punan ang mga patlang upang makabuo ng makabuluhang pangungusap tungkol sa araling ito.

Ang bawat __________ ay may kani-kaniyang __________ pinagmulan. Dapat alalahanin at pahalagahan ang __________ ng pinagmulan

ng komunidad.

sariling kasaysayang komunidad

22 of 22

THANK YOU