Math 2
Quarter 2 Week 8
Paglutas sa Suliraning Routine at Non-Routine Gamit ang Pagpaparami, Pagdaragdag at Pagbabawas sa Bilang at Pera
Sa mga naunang aralin ay natutuhan mo na ang iba’t ibang pamamaraan ng paglutas ng suliranin na may kinalaman sa pagbabawas at pagdaragdag.
Ngayon naman sa araling ito ay matututuhan mo ang paglutas ng suliranin na may kinalaman sa pagpaparami o multiplication kasama na rin ang pagdaragdag at pagbabawas gamit ang iba pang pamamaraan ng paglutas ng isang suliranin kasama na ang pera.
Layunin:
Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Suriin mo kung paano nilutas ang isang suliranin na may kinalaman sa pagpaparami o multiplication kasama na din ang pagbabawas at pagdaragdag na may kaugnayan sa pera.
Ang isang apa ng ice cream ay ipinagbibili ng Php8.00. Si Dory ay bumili ng lima para sa kaniyang mga kaibigan.
Magkano kaya ang sukli ni Dory matapos ibigay ang Php50.00 sa tindera?
Bilang ng Ice Cream | apa 1 | apa 2 | apa 3 | apa 4 | apa 5 |
Halaga ng Ice Cream | Php. 8.00 | Php. 8.00 | Php. 8.00 | Php. 8.00 | Php. 8.00 |
Kunin ang kabuuang halaga ng biniling ice cream.
Php8.00 + Php8.00 + Php8.00 + Php8.00 + Php8.00 = Php40.00
Maaari ring isulat ito sa multiplication sentence na
5 x Php8.00 = Php40.00
Ibawas ang kabuuang halaga ng biniling ice cream sa Php50.00.
Php50.00 – Php40.00
= Php10.00
Si Dory ay may sukling Php10.00 sa kaniyang Php50.00.
Sagot:
Kung ang bawat bata sa ikalawang baitang ay may baon na Php10.00, magkano ang kabuuang baon ng 3 lalaki at 4 na babae?
Gamit ang pamamaraang Polya’s Four-Step Process, tingnan kung paano nilutas ang suliranin.
Kung ang bawat bata sa ikalawang baitang ay may baon na Php10.00, magkano ang kabuuang baon ng 3 lalaki at 4 na babae na nasa unahang hanay ng mga upuan?
1. Unawain ang sitwasyon (Understand the Problem)
Ang kabuuang baon ng 3 lalaki at 4 na babae.
Ano ang tinatanong sa suliranin?
Bawat bata ay may baon na Php10.00, 3 lalaki, 4 na babae
Ano-ano ang mga datos na inilahad?
2. Mag-isip ng Plano
(Devise a plan)
Multiplication o pagpaparami, at addition o pagdaragdag
Ano ang operasyon na gagamitin?
(3 x ₱10.00) + (4 x ₱10.00) = __
Ano ang pamilang na pangungusap?
3. Isakatuparan ang Plano
(Carry out the Plan)
3 x ₱10.00 = ₱30.00
4 x ₱10.00 = ₱40.00
₱70.00
Solusyon:
10
x 3
30
Solusyon:
10
x 4
40
30
+ 40
70
₱70.00 ang kabuoang baon ng 7 bata.
Ano ang tamang sagot?
4. Balikan Muli
(Look Back/Check)
3 x ₱10.00 = ₱10.00 + ₱10.00 + ₱10.00 = ₱30.00
Maaaring gamitin ang repeated addition upang masigurong tama ang sagot.
4 x ₱10.00 = ₱10.00 + ₱10.00 + ₱10.00 + ₱10.00 = ₱40.00
₱30.00
+ ₱40.00
₱70.00
Suriing mabuti ang word problem sa ibaba. Ibigay ang hinihingi sa sitwasyon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa pagkatuto 1:
Namigay si Gng. Mabale ng tig-6 na kuwaderno sa walo niyang mag-aaral. Ilan lahat na kuwaderno ang naipamigay ni Gng. Mabale?
Ano ang tinatanong sa sitwasyon?
Ano-ano ang mga datos na inilahad?
Ano ang operasyon na gagamitin?
Ano ang pamilang na pangungusap?
Ano ang tamangsagot?
Sagutin ang bawat word problem. Gumamit ng angkop na pamamaraan sa paghahanap ng sagot. Ipakita ang iyong solusyon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa pagkatuto 2:
Si Gng. Pelonia ay may 38 mag-aaral. 27 sa kaniyang mag-aaral ay may dalang baon. Binigyan niya ng ₱ 8.00 ang bawat batang walang baon.
Magkano lahat ang naibigay ni Gng. Pelonia sa mga batang walang baon?
Si Aling Mariaa y may 10 inahing manok. Bawat inahing manok ay nangingitlog ng 3 sa isang araw.
Ilan lahat ang itlog na nakuha ni Aling Maria sa loob ng 4 na araw?
Suriing mabuti ang sitwasyon. Sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Ipakita ang iyong solusyon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa pagkatuto 3:
Gustong bumili ni Harold ng bag na nagkakahalaga ng Php250.00. Binigyan siya ng kaniyang nanay ng Php180.00.
1. Mabibili kaya ni Harold ang nais niyang bag?
2. Kung mag-iipon siya araw-araw ng Php10.00 sa loob ng isang linggo, mabibili na kaya niya ang bag?