Math 2
Quarter 2 Week 5
Paglalarawan at Pagsulat sa Related Equation sa Iba't - Ibang Uri ng Pagpaparami
Sa araling ito ay matututuhan mo ang paglalarawan at pagsusulat na may kinalaman sa equation ng bawat uri ng pagpaparami o multiplication bilang repeated addition.
Layunin:
Sa aralin ding ito matututuhan mo ang paglalarawan at pagsusulat ng isang mathematical sentence ng pagpaparami o multiplication na may kaugnayan sa array, counting by multiples at ang parehong jumps sa number line.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Suriin mo kung paano ipinakita sa pamamagitan ng paglalarawan ang multiplication sentence bilang repeated addition.
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12
Gamit ang array, pangkatin ang mga ito sa apat.
Pangkat 1
Pangkat 3
Pangkat 2
Pangkat 4
Tanong:
1. Ilang pangkat ang iyong binuo?
4 na pangkat ang nabuo
2. Ilang Php10.00 barya sa bawat pangkat?
3 pirasong Php10.00
Tanong:
Ipinakikita ng modelo na ang 12 pirasong Php10.00 na barya ay ipinangkat sa 4 na pangkat.
Pangkat 1
Pangkat 3
Pangkat 2
Pangkat 4
At makikita mo rin na sa bawat pangkat ay may 3 pirasong Php10.00 na barya.
Pangkat 1
Pangkat 3
Pangkat 2
Pangkat 4
Tingnan mo kung paano ito isulat sa multiplication sentence at bilang repeated addition.
Repeated addition:
3 + 3 + 3 + 3 = 12
Multiplication sentence:
4 x 3 = 12
Tingnan mo ang iba pang halimbawa ng paglalarawan ng pagpaparami o multiplication bilang repeated addition o pag-uulit na pagdaragdag.
6 na pangkat ng 2
Repeated addition:
2 + 2 + 2 + 2 + 2 + 2 = 12
Multiplication Sentence:
6 x 2 = 12
6 x 2 = 2 + 2 + 2 + 2 + 2 + 2
Tingnan ang multiplication sentence na nasa ibaba.
Factors
Multiplicand
Product
Multiplier
6 x 2 = 12
Illustrating and Writing a Related equation for Multiplication as Counting by Multiples:
Pag-aralan mo ang grid. Gamit ang iyong kaalaman sa skip counting, suriin mo ang mga multiples na nasa ibaba.
1. Unang 7 Multiples ng 2:
(2, 4, 6, 8, 10, 12, 14)
7 x 2 = 14
2. Unang 6 Multiples ng 3:
(3, 6, 9, 12, 15, 18)
6 x 3 = 18
3. Unang 4 Multiples ng 5:
(5, 10, 15, 20)
4 x 5 = 20
1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 |
11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 |
21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 |
Gamit ang grid na nasa itaas, tingnan mo kung paano ipakita ang 3 x 5 sa pamamagitan ng pagkuha ng unang 3 multiples ng 5. (skip counting ng 5)
3 x 5 = 15
Ang unang 3 multiples ng 5 ay 5, 10, at 15
Illustrating and Writing related equation for Multiplication as equal jumps in a number line.
0 3 6 9 12 15 18 21 24 27
5 x 3 = 15
Ipinapakita ng modelong ito na sa pamamagitan ng equal jumps sa number line ay maaari mong maisulat ang multiplication sentence na 5 x 3.
Ibig sabihin 5 equal jumps na ang bawat jump ay may bilang na 3.
0 6 12 18 24 30 36 42 48 54
5 x 6 = 30
Ipakita ang sumusunod na paglalarawan bilang repeated addition. Isulat ang multiplication sentence. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto 1:
1. 6 na pangkat ng 3
repeated addition: _____
multiplication sentence: ____
1. 6 na pangkat ng 4
repeated addition: _____
multiplication sentence: ____
1. 6 na pangkat ng 4
Gawain sa Pagkatuto 2:
Ipakita ang sumusunod na mga multiplication sentences bilang repeated addition. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
1. 6 x 9 = __
2. 5 x 8 = __
3. 4 x 7 = __
4. 9 x 3 = __
5. 8 x 4 = __
6. 3 x 5 = __
7. 9 x 6 = __
8. 3 x 4 = __
9. 5 x 2 = __
10. 6 x 5 = __
Gumuhit ng number line. Ipakita ang multiplication bilang equal jumps sa number line. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto 3:
1. 8 x 2 = _
2. 5 x 6 = _
3. 4 x 7 = _
4. 3 x 8 = _
5. 2 x 10 = _
6. 6 x 4 = _
Isulat ang kaugnay na equation ng sumusunod na pagpapakita ng multiples ng isang bilang.
Gawain sa Pagkatuto 4:
Hanapin ang tamang sagot sa katapat na hanay. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. 4 ( 4, 8, 12, 16, 20, 24, 28)= __
a. 6 x 4 b. 7 x 4 c. 8 x 4
2. 7 (7, 14, 21, 28, 35, 42)= __
a. 6 x 7 b. 7 x 7 c. 8 x 7
3. 5 (5, 10, 15, 20, 25)= __
a. 7 x 5 b. 6 x 5 c. 5 x 5
4. 6 (6, 12, 18, 24, 30, 36)= __
a. 6 x 6 b. 6 x 7 c. 6 x 8
5. 3 (3, 6, 9, 12, 15,18, 21) = __
a. 6 x 3 b. 7 x 3 c. 8 x 3
Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Ipakitaito sa isang number line. Isulat sa iyong kuwaderno ang kaugnay na equation nito.
Gawain sa Pagkatuto 5:
Si Mang Lito ay may tatlong pirasong PVC na tubo na pinagdugtong-dugtong. Ang bawat isa ay may habang 9 na metro.
Ano ang kabuuang haba nito?