1 of 100

Q3 WEEK3 DAY 1-5 FILIPINO5

2 of 100

DAY1

3 of 100

Pagsagot ng mga Literal na Tanong Tungkol sa Napakinggang Alamat

4 of 100

Ano ang alamat?

Anu-anong halimbawa ng mga alamat ang madalas na ninyong naririnig o nababasa?

5 of 100

Maganda ang ating bansang Pilipinas. Saan mang dako ng ating kapuluan ay sagana sa likas na ganda’t yaman. Mga bagong tanawin ang hindi pagsasawang masdan saan ka man pumunta.

Pagmasdan ang larawan. Anong lugar ang makikita ninyo sa larawan? Nakarating na ba kayo sa lugar na ito?

6 of 100

7 of 100

Sa araling ito ay matutuklasan natin ang isang magandang kwento ng matatanda sa Pangasinan na nagpapaliwanag kung paano ba nagkaroon ng “Sandaang Pulo” sa Look ng Pangasinan.

8 of 100

Pakinggang mabuti ang alamat na babasahin ng guro

9 of 100

����Alamat ng Sandaang Pulo

Ayon sa kwento, may iba’t ibang tribu sa iba’t ibang dako ng kapuluan. Ngunit watak-watak ang maliliit sa kaharian. Bawat isa’y pinamumunuan ng mga maharlika na tinatawag na datu, sultan o raha.

  • Si Raha Masibueg, matalino, maunawain, at matapang na pinuno ang namumuno sa isang kaharian. Daan-daang kawal ang kanyang sinanay. Sa pagtanda ng raha, ipinagpatuloy ng kanyang anak, si Datu Mabisqueg, ang pamumuno sa mga sinanay na kawal. Sa pagdaraan ng panahon, naging matahimik, masagana, at maunlad ang kaharian.

10 of 100

Agaw-dilim noon. Nilusob ng mga kaaway ang kaharian. Pinulong ni Raha Masibueg ang kanyang konseho. Ipinayo na salubungin ang kaaway. Mula sa maraming kawal na sinanay ni Raha Masibueg, pumili ng sandaan si Datu Mabisqueg.

Naganap sa dagat ang labanan. Tumagal ang labanan nang maghapon at magdamag. Nang kinabukasan, tumahimik sa pook na pinaglalabanan. Walang natira isa man sa sinany ni Datu Mabisqueg. Nalipol lahat ang sandaang kawal pati ng mga kaaway.

11 of 100

Lumipas ang araw. Naging malungkot ang buong tribu. Lagging nakatanaw sa dagat ang mga tao. Hanggang isang bukang liwayway, biglang naiba ang malawak na dagat. Humigit-kumulang sa sandaang pulo ang kanilang nakita. Ang ilan ay hugis na tumaob na bangka; ang iba’y tulad ng katawan ng mga mandirigma.

Mula noon, pinaniniwalaan na ng mga tao na ang mga pulong iyon ay sandaang kawal na nalipol sa labanan. Magsisilbing alaala sa susunod na salinlahi ang alamat ng ‘Sandaang Pulo” sa Look ng Pangasinan.

12 of 100

  • Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Sinu-sino ang namumuno sa mga maharlika?

Sino si Raha Masibueg?

Anu-ano ang mga katangiang taglay ni Raha Masibueg?

Ano ang pangalan ng anak ni Raha Masibueg na siyang nagpatuloy ng pamumuno sa mga sinanay na kawal?

Ilang kawal ang pinili ni Datu Mabisqueg upang ipadala sa labanan?

Saan naganap ang labanan?

Gaano katagal ang nangyaring labanan?

Ano ang nangyari sa mga kawal na sinanay ni Datu Mabisqueg

Anu-ano ang napansin ng mga tao sa dagat makaraan ang nangyaring pagkawala ng mga kawal?

Ano ang pinaniniwalaan ng mga tao na kaugnayan ng mga pulo sa mga nalipol na kawal?

13 of 100

Ang mga tanong sa itaas ay tinatawag na mga tanong na literal kung saan ang mga sagot sa mga tanong na ito ay mga impormasyong tuwiran o hayagang nakalahad sa tekstong napakinggan.

14 of 100

Ang Alamat Ni Mariang Makiling

Sabi sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwata o diyos ay namuhay tulad at kasa-kasama ng mga tao. Kahit na sila ay may hiwaga, nagsalita sila at umibig, namili sa talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang ngayon. Ang alamat ni Mariang Makiling ay tungkol sa 2 ganitong diwata nuong Unang Panahon, sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.

Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na itinuring nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin tulad ng mga magulang, hindi karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao.

15 of 100

Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit ng sutla (seda, silk) na may borda (embroidered ) ng mga bulaklak, ang uso nuon. Ang makapal niyang buhok, abot hanggang sakong (talón, heel ) ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha ( pomelo, grapefruit). Marikit ang kanyang mga mata (ojos, eyes) kaya pati mga babae ay naakit makiharap sa kanya. Pagdaan niya, yumuyuko ang mga tao sa magalang na pagbati.

16 of 100

Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta sa talipapa. Hindi lumalayo ang mga Aeta, bitbit ang isang buslo (basket) ng luya na ipinagpa-palit ni Mariang Makiling - wala pang salapi nuon, at ang “bilihan” sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-dalang bagay - sa mga salakot, banig (sleeping mats), at sutla (seda, silk).

17 of 100

Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginuon sa nayon ng Bai, upang mamili at mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat “araw ng pamilihan” nuon, at lahat sa nayon ay nasa talipapa. Pati ang mga taga-kalapit baranggay at nayon ay dumayo upang magkalakal din, bitbit ang kanilang mga “paninda.” Nanduon din nuon si Mariang Makiling at nagkataon, nakasabay niya si Gat Dula sa “pagtawad” sa isang piraso ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda, nagkadikit ang kanilang mga balikat, at nagkatinginan silang dalawa. Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dula ang kamay ni Mariang Makiling sapagkat hawak nilang magka-sabay ang balat ng hayop.

18 of 100

Bilang paghingi ng paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi sumagot at tumingin sa malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap, nakangiti nang bahagya si Maria nang maghiwalay sila. Mula nuon, madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at Dayang Makiling, subalit kahit kailan man, hindi na niya nakaharap si Mariang Makiling. Lagi siyang wala sa bahay at tumutulong sa mga tao. Nuon kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit na lumapit sa mga diwata at humingi ng tulong, at pakay naman ng mga diwata ang tumulong sa mga tao.

19 of 100

Isa pang dahilan hindi na nakita uli ni Gat Dula si Mariang Makiling: Siya ay isang nilalang na tao samantalang si Maria ay isang diwata. Gaano man katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan ang 2 magka-ibang nilalang.

20 of 100

Bumuo ng 5 literal na tanong at sagutin

21 of 100

DAY 2

22 of 100

Paglalarawan ng Tauhan Batay sa Ikinilos o Ginawi

Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos

23 of 100

Piliin ang kahulugan ng may salungguhit na salita o parirala upang maging wasto ang ipinahahayag ng pangungusap.

Kinakatulong na si Ben ng kanyang ama sa pagsasaka kahit walong taon pa lamang siya. Wala siyang panahong lumaboy katulad ng ibang bata.

(mag-aral, gumala, gumastos)

Lubhang matulungin si Dan. Pangarap niyang makagawa ng kabutihan sa lahat ng tao at tanghaling bayani ng lahi. (kilalang tao, tanyag na tao, mayamang tao)

24 of 100

Halos hindi naabot ng mga tao ang liblib na baryo ng San Vicente.

(bilang, tagong lugar, malayo sa kabihasnan)

Mabigat ang mga sako ng palay na nakakalat sa kanilang bakuran, gayunpaman, isa-isang kinaladkad ang mga ito upang itago sa kanilang kamalig.

(hinila nang paisa-isa, binuhat nang paisa-isa, isa-isang dinala)

Parang hindi na humihinga at walang malay ang mamang nabundol ng kotse.

(tulog, patay, walang ulirat)

25 of 100

 

Maliban sa mga kilala ninyong bayani, sinu-sino pa sa palagay ninyo ang maaaring tawaging bayani? Paano maipakikita ang kabayanihan? Pwede ba kayong maging bayani?

 

26 of 100

Sa araw na ito’y babasahin ninyo ang kwento tungkol sa kabayanihan ni Rona, isang walong taong gulang na bata. Ang pamagat ng ating kwento ay Walong Taong Gulang, Naging Bayani!

Isa-isahin ang mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik. Ipabasa nang tahimik ang kwento.

27 of 100

28 of 100

��Walong Taong Gulang, Naging Bayani

Si Rona Mahilum ay isang batang walong taong gulang at nakatira sa isang liblib na baryo sa Divina Colonia, Sagay, Negros Occidental. Mahirap lamang sila. Nagtatanim ng kape ang kanyang mga magulang.

Isang araw bago umalis ang kanyang mga magulang ay kinausap nila si Rona.

“Rona, ikaw na ang bahala sa iyong mga kapatid,” ang sabi ng kanyang tatay. “Kami ng iyong ina ay pupunta sa palengke.”

29 of 100

“Huwag mong pabayaang lumaboy ang maliliit mong kapatid, anak. Ang ate mo, huwag mong kalimutang painumin ng gamut, ha?” dagdag na tagubilin ng kanyang nanay.

“Opo. Huwag po kayong mag-alala. Babantayan kop o silang maigi,” magalang na sagot ni Rona.

Inalagaan at pinakain ni Rona ang mga kapatid. Pinainom din niya ng gamot ang ateng may sakit.

30 of 100

Pagkatapos ng hapunan ay niyaya na ni Rona ang maliliit na kapatid na sina Dado at Edgar.

“Dado, Edgar, halina kayo. Matulog na rin kayo at may pasok pa bukas. Mamaya pa siguro darating sina Itay at Inay,” ani Rona.

“Sana, nabenta lahat ng kapeng dala nila, ano, ate?” ang ganting wika ni Dado.

“Sana nga, Dado, sige, matulog na tayo. Magdasal muna tayo bago matulog,” ang sabi ni Rona.

31 of 100

32 of 100

Mahimbing na ang tulog ng magkakapatid nang nagising si Rona sa sobrang init at doon niya natuklasan na nasusunog ang kanilang bahay. Isa-isa niyang kinaladkad ang kanyang dalawang nakababatang kapatid at ang nakatatandang kapatid na babae na may sakit. Matapos mailabas lahat ang kanyang mga kapatid, tumakbo siya sa isang balon at nag-igib ng tubig na siyang ibinuhos at ginamit na pamatay sa apoy ng nasusunog nilang bahay.

33 of 100

Natagpuan siya ng kanyang magulang na walang malay at sunog ang buong katawan. Dahil sa matinding sunog sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kinailangan siyang dalhin sa Maynila upang ipagamot. Umabot sa kaalaman ni Alfredo Lim, ang dating alkalde ng Maynila, ang katapangan at kabayanihan ni Rona. Hangang-hanga siya sa bata.

34 of 100

Bilang pagkilala sa kakaibang kabayanihan ni Rona siya ay ipinagamot nang libre ni G. Lim sa Ospital ng Maynila. Maliban dito, tumanggap siya ng isang milyong pisong gantimpala buhat sa pamunuan ng naturang lungsod.

35 of 100

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Tungkol saan ang kwento?

Paano naging bayani si Rona Mahilum? Ibigay ang mga katangian niya.

Mabuti bang maging bayani? Patunayan.

Kung ikaw si Rona, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit o bakit hindi?

Bakit si Alkalde Alfredo Lim ang tumulong sa kanya?

 

36 of 100

Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?

Kopyahin sa papel ang character web at isulat ang mga naging kilos o gawi ng mga tauhan batay sa kwento sa pamamagitan ng pagbabanig. Pagkatapos, ilarawan ang mga tauhan batay sa kilos o gawi nila sa kwento.

37 of 100

 

 Mga Tauhan sa Kwento

 

 

Magulang ni Rona

Rona

 

 

 

 

 

 

Mga Kapatid ni Rona

 

 

 

38 of 100

Talakayin at bigyang diin ang sumusunod:

Ang mga tauhan sa kwento ay maaaring mailarawan batay sa kanilang mga ikinikilos o iginawi. Ito rin ang nagpapakilala sa kanilang katangian.

Magpasagawa ng Gawain Natin kung saan gagamitin ang istratehiyang pagbabanig o webbing. Ito ay istratehiya kung saan maipakikita ang kaugnayan ng isang kaisipan upang higit na maging makahulugan ang pagsasalarawan.

39 of 100

Ang web ay binubuo ng core, web strand at web ties na maaaring gamitan ng mga bilog o iba pang hugis na mapaglalagyan ng mga sagot. Sa araling ito’y gagamitin ang character web kung saan ang core ay ang pangalan ng mga tauhan sa kwento at isusulat sa web strand ang kani-kanilang mga ikinilos o iginawi. Batay sa mabububuong sagot sa character web, ipasalarawan sa mga bata ang mga tauhan.

40 of 100

Para sa Gawin Mo, magpabigay ng iba’t ibang pang-abay na maaaring magamit sa paglalarawan ng kilos. Ipasulat sa METACARD ang mga pang-abay na maiibigay ng mga bata at ipaskil ito sa pisara. Tumawag ng panibagong grupo ng mag-aaral at ipagamit ang mga nakapaskil na pang-abay sa paglalarawan ng kilos.

 

41 of 100

Pagtataya:

Basahin nang tahimik ang kwento. Ilarawan ang mga tauhan sa kwento batay sa kanilang mga ikinilos o ginawi. Gumamit ng pang-abay sa paglalarawan ng kilos.

42 of 100

Pangkaraniwang empleyado ng gobyerno si Mang Danny. Araw-araw, maaga pa ay nasa opisina na siya at naglilinis. Ugali na niyang linisin ang tanggapan ng punong-lungsod tuwing umaga. Mabait, masipag at mapagkakatiwalaan si Mang Danny.

43 of 100

Isang araw, sa pagpasok niya sa loob ng tanggapan ay may napansin siyang isang supot sa tabi ng upuan. Dinampot niya ito sa pag-aakalang mga basura ang laman nito. Aning gulat niya nang makitang mga dadaanin ang nasa loob nito. Ibinigay niya agad ito sa alkalde.

44 of 100

Takdang Aralin

Pumili ng isang kwentong paborito ninyong basahin. Ilarawan ang kilos ng mga tauhan ng nasabing kwento batay sa ikinilos o ginawi. Siguraduhing gumamit ng pang-abay sa inyong paglalarawan.

45 of 100

DAY 3

46 of 100

Pagkuha ng Tala sa Binasang Teksto

Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Binasang Talambuhay

Pagbibigay ng mga Salitang Magkakasalungat/MagkakasingKahulugan

 

F5EP-IIIc-g-10, F5PB-IIIc-1, F5PT-IIIc-h-10

47 of 100

Pagsasanay: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang pang-uri sa pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang lumang sapatos ay ipinamigay nila. 2. Mabango ang bulaklak na kampupot. 3. Tuwang-tuwa ang masipag na ama.

4. May malakas na halakhakan siyang naririnig. 5. May maliit na liwanag na naglalagos sa bintana.

48 of 100

Balik-Aral

Ipalarawan sa mga bata ang kilos na ipinakikita ng larawan sa pamamagitan ng paggamit ng pang-abay.

49 of 100

Pagganyak

Tanungin ang klase kung sinu-sino ang mga bayaning babae na kilala nila. Magpabigay ng ilang detalye ng buhay ng mga bayaning kanilang nabanggit.

Ipakita ang larawan ni Henerala Nay Isa. Tanungin ang mga bata kung nakikilala nila ang nasa larawan. Sabihin: Ngayong araw na ito ay ating babasahin ang maikling talambuhay ni Henerala Nay Isa.

 

50 of 100

51 of 100

Paglalahad

Ilahad ang pamagat ng teksto.

Isa-isahin ang mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik. Ipabasa nang tahimik ang kwento.

Ipasagot ang nabuong tanong-pagganyak at ang mga Gabay na Tanong tungkol sa binasang teksto.

52 of 100

Gamitin ang “story grammar” upang makuha ng mga bata ang mga tala mula sa teksto.

Tanungin ang klase kung may pangyayari sa kanilang sariling karanasan ang nakakatulad o nakakahawig ng ilang mga pangyayari sa talambuhay na kanilang binasa. Ipaugnay ang karanasang ito sa binasang talambuhay.

 

53 of 100

“Ang babae man ay maaaring maging tagapagtanggol ng bayan.”

Henerala Nay Isa (Talambuhay)

Ayon sa kasaysayan, maliit pa lamang na bata si Nay Isa ay kinakitaan na ng kakayahang mamuno, lakas ng loob, at katapangan. Karaniwan nang makikita na siya ay kasama-sama ng kanyang mga kapatid at kapitbahay na lalaki. Siya ang lider ng mga batang lalaki sa kanilang paglalaro, paliligo sa ilog at dagat, sa pag-akyat sa puno, sa paninirador ng ibon, at sa pangangabayo.

54 of 100

Matalino si Nay Isa sa pag-aaral. Nakatapos siya ng pagkaguro. Nagturo siya ng ilang taon sa kanilang lugar sa Pototan, Iloilo. Nakilala siyang mahusay ngunit mahigpit na guro. Ikinasal siya sa isang nakaririwasang magsasaka, kay Alejandro Baldera. Iniwan niya ang pagtuturo at sumama siya sa kanyang asawa sa bukid. Naging mapagmahal at matapat siyang asawa.

55 of 100

Sa kanyang malayang oras, nagsasanay siyang humawak at magpaputok ng baril. Tahimik at masagana silang namumuhay sa bukid nang sumiklab sa Iloilo ang himagsikan ng mga Pilipino laban sa Español.

56 of 100

Nagpunta si Nay Isa sa kuta ng mga naghihimagsik sa bundok upang sumanib sa kilusan laban sa pamahalaang Español. Sinabi niyang kailangan ng bayan ang mga babaing may kakayahang makipaglaban tulad ng mga lalaki. Humanga si Heneral Poblador sa kanyang tapang. Binigyan siya ng sandata at mga tauhan.

57 of 100

Walang takot siyang nakipaglaban at dahil sa bilis at husay humawak ng sandata, si Nay Isa ay hinirang na pinuno ng isang batalyong rebolusyonaryo. Mula noon, sunud-sunod na nabawi ng mga naghihimagsik na Pilipino sa pamamahala ni Nay Isa ang iba’t ibang bayan sa pulo ng Panay. Natanyag at hinangaan sa mga bayan-bayan sa pulo ng Panay ang ngalang Henerala Nay Isa. Isa siyang dakilang Pilipina na humawak ng sandata alang-alang sa bayan.

58 of 100

Noong 1900, napasailalim ang buong Pilipinas sa pamamahala ng mga Amerikano. Nagbalik sa Pototan, Iloilo si Nay Isa sa piling ng kanyang asawa. Namuhay na muli nang tahimik sa kanilang bukid ang matapang at matalinong Henerala Nay Isa na walang iba kundi si Teresa Magbanua, ang pangalawa sa walong anak ng mag-asawang nakaririwasa na sina G. Juan Magbanua at Gng. Alejandra Ferreira Magbanua

 

59 of 100

Pagtatalakay

Mula sa binasang talambuhay, papagbigayin ang mga bata ng mga pang-uri na nabasa nila sa talambuhay. Ipasulat ang mga ito sa metacards at ipaskil sa pisara.

Gamit ang mga salitang nakasulat sa metacards, papagbigayin ang mga bata ng mga salitang magkakasalungat at magkakasingkahulugan.

60 of 100

Pagpapayamang Gawain

Ipabasa ang talata sa mga bata. Pagkatapos basahin, ipabigay ang mga salitang magkakasalungat at magkakasingkahulugan na nabasa nila sa talata. Ipalagay ito sa tsart.

61 of 100

Ang mga mag-aaral ay sama-sama sa kantina tuwing rises. Kantina ito ng paaralan. Sang-ayon sa kanila, may mahal at mura sa mga paninda. Masarap ang mga pagkain, malinamnam. Marumi ang basahan, malinis ang mesa. Maingay ang ilang bata at tahimik ang nakararami. Nagkakatuwaan sila tuwina. Masaya sila

62 of 100

Paglalahat

Paano mo masasabing magkasalungat ang mga salita?

Sa paanong paraan naman masasabing magkasingkahulugan ang mga salita?

 

63 of 100

Ang mga salita ay magkasingkahulugan kung ang ito ay nagsasaad ng magkaparehong ibig sabihin.

Ang mga salita ay magkasalungat kung ang mga ito ay may magkabaliktad na kahulugan o ibig sabihin.

 

64 of 100

Paglalapat

Magsagawa ng isang pangkatang laro. Bumuo ng 2-4 na grupo. Bawat miyembro ng grupo ay mag-uunahan na makapagbigay ng mga salitang magkasalungat/ magkasingkahulugan depende sa hihingin ng guro.

65 of 100

Pagtataya

Punan ang mga larawan ng mga salitang magkasalungat at

magkasingkahulugan.

MAGKASINGKAHULUGAN

MAGKASALUNGAT

66 of 100

Takdang Aralin

Magbigay ng limang pares ng salitang magkasalungat at limang pares ng salitang magkasingkahulugan.

67 of 100

DAY 4

68 of 100

Wastong Pagbaybay sa Salitang Hiram na

Natutuhan sa Aralin

 

 

F5PU-III-c-g-1

69 of 100

Pagsasanay

Magbibigay ang guro ng ilang mga salita na isasaayos ng mga bata ayon sa pagkakasunud-sunod ng bagong alpabeto.

______xerox _______alcohol

______karaoke _______bangko

______radyo _______mesa

______pansit ____videoke

70 of 100

Balik-Aral

Ano ang salitang hiram?

Ipabasa ang mga inihandang pangungusap. Ipasulat o ipapili sa mga mag-aaral ang mgsa salitang hiram na matatagpuan sa bawat pangungusap.

71 of 100

Mga Gawain

Pagganyak

Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng sobre na may lamang mga piraso ng isang larawan (puzzle pieces). Sa hudyat ng guro, bubuuin ng bawat grupo ang larawan na napapunta sa kanila.

72 of 100

Ipaskil ito sa pisara.

Bigyan ng oras ang bawat grupo upang suriin at bigyang kahulugan ang larawan. Itanong sa mga mag-aaral: Naranasan mo na bang mag-anyaya ng isang kaibigan o panauhin? Sa paanong paraan mo ito ginawa?

73 of 100

74 of 100

Paglalahad

Ilahad ang pamagat ng teksto.

Isa-isahin ang mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik.

Ipabasa ang kwento.

Ipasagot ang nabuong tanong-pagganyak at ang mga Gabay na Tanong tungkol sa binasang teksto.

75 of 100

76 of 100

Pagtatalakay

Ipabigay sa mga bata ang mga salitang hiram na kanilang nakita o nabasa mula sa kanilang tekstong binasa. Ipasuri sa mga bata ang baybay ng bawat salitang hiram.

 

77 of 100

Pagpapayamang Gawain

Ipasagawa ang Gawain Mo kung saan pipiliin ng mga mag-aaral ang salitang hiram sa bawat pangkat. Ipaalala sa kanila na isulat ng wasto ang baybay ng bawat salita.

 

78 of 100

1.

basketbol

piko

jack en poy

patintero

2.

pinakbet

lumpia

spaghetti

sinigang

3.

binyagan

kumpilan

kasalan

despidida

4.

shorts

pantalon

palda

saya

5.

escalator

bentilador

kubrador

burador

6.

pizza

sausage

tinapay

pandesal

7.

bus

bapor

LRT

eroplano

8.

telebisyon

radyo

telepono

computer

9.

coach

guro

punong-guro

pulis

10.

martilyo

bumbilya

kutsara

Flashlight

Piliin ang salitang hiram sa pangkat.isulat ito ng may wastong baybay sa iyong kwaderno.

79 of 100

Paglalahat

Sa paanong paraan mo maisusulat ng wasto ang baybay ng mga salitang hiram?

80 of 100

Paglalapat

Magsagawa ng isang pangkatang laro. Bumuo ng 2-4 na grupo. Bawat miyembro ng grupo ay mag-uunahan na makarating sa finish line sa pamamagitan ng pagsulat ng wastong baybay ng mga salitang hiram na babanggitin ng guro.

81 of 100

Pagtataya

Alamin kung anong salitang hiram ang tinutukoy ng bawat larawan. Isulat ng wasto ang baybay ng bawat isa.

82 of 100

83 of 100

5.likas na langis sa puno ng buhok sa anit

6. pangkulay ng buhok

7. gamot o lunas sa kanser

8. kulang sa wastong nutrisyon

9. kagamitan o makina sa pagkopya o pagpaparami ng sipi ng mga papeles at dokumento

10. nakatutulong upang Makita ang mga bagay na nasa malayo tulad ng kalawakan

84 of 100

Takdang Aralin

Ipasulat sa wastong baybay ang mga salitang hiram na bahagi na ng salitang Filipino.

85 of 100

DAY 5

86 of 100

Pagsuri sa mga Tauhan/Tagpuan sa Napanood na Maikling Pelikula

F5PD-IIIc-i-16

https://www.youtube.com/watch?v=ivujE-VEEW

87 of 100

Pagsasanay

Ipasaayos ang mga titik upang makabuo ng mga salitang maaaring maglarawan sa isang tauhan o tagpuan sa isang kwento. 

W M I N A A A

T A K T A T O N A

Y P A P A A

T M B I A A

N M K P A I R A Y H G A N A A

88 of 100

Balik-Aral

Itanong sa mga bata: Anu-ano ang mga bagay na dapat tandaan kung manonood kayo ng mga pelikula?

 

89 of 100

Pagganyak

Itanong: Sino sa inyo ang mahilig manood ng mga pelikula? Anong uri ng pelikula ang pinanonood ninyo?

 

Magpakita ng larawan ng isang bahaghari. Ipalarawan ito sa mga bata. Sabihin na ang papanooring pelikula para sa araw na ito ay isang maikling pelikula tungkol sa bahaghari.

 

 

 

90 of 100

91 of 100

Paglalahad

Ipakita ang pamagat ng pelikula. Magsasagawa ng panonood ang klase ng isang pelikulang maaaring magbigay ng magagandang aral.

92 of 100

Pagtatalakay

Pag-usapan ang pelikulang napanood.

 

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood?

Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa.

Ilarawan ang tagpuan.

Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula? Ipaliwanag kung bakit mo ito naibigan.

Alin naman ang hindi mo naibigan? Bakit?

 

93 of 100

 

Para sa Gawin Mo, pasagutan ang isang graphic organizer kung saan ilalagay o itatala ng mga bata ang kanilang pagsusuri sa tauhan at tagpuan mula sa pelikulang napanood.

 

94 of 100

Mula sa pagsusuri ng pinanood na pelikula, punan ang graphic organizer ng mga salitang maglalarawan sa mga tauhan at tagpuan nito.

PAMAGAT NG PELIKULA

TAUHAN

TAGPUAN

95 of 100

Paglalahat

Anu-ano ang mga hakbang sa pagsusuri ng mga tauhan/tagpuan at mga sa napanood na pelikula?

 

96 of 100

Paglalapat

Pangkatang Gawain

Panoorin ang pelikulang ipakikita ng guro. Gawin ang sumusunod na paggsasanay.

 

Pangkat I- Itala ang pangalan ng bawat tauhan at katangian ng bawat isa.

97 of 100

Pangkat II- Ilarawan ang tagpuan ng pelikulang napanood

Pangkat III-Itala ang pangyayaring naibigan ninyo sa pelikula at ipaliwanag kung bakit ito naibigan

Pangkat IV- Itala ang di kanais-nais na pangyayari sa pelikulang napanood at ipaliwanag kung bakit

 

98 of 100

Pagtataya

Ipapanuod ang inihandang video clip at ipasagot ang mga katanungang sumusunod:

Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood?

Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa.

99 of 100

Ilarawan ang tagpuan sa pelikulang napanood mo na napanood mo.

Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula. Ipaliwanag kung bakit ito nagustuhan.

Alin naman ang pangyayaring hindi mo nagustuhan? Bakit? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

100 of 100

THANK YOU PO.

SANA MAKATULONG.

GODBLESS..