1 of 17

ESP 6

Q3 W4

EMMIE D. GARBO

2 of 17

Pagkakaisa

Maraming sinulid na mumunti

Mahihina kapag nag iisa,

Ngunit matapos mahabi

Naging pinaka mahusay na bandila.

Marami ring mga tao

Na ibat iba ang kalagayan,

Pag nabigkis ng pag ibig at layunin na totoo

Nagiging bayang makapangyarihan.

3 of 17

UNANG ARAW

4 of 17

SAGUTIN:

  • a. Ano ang pamagat ng tula?
  • b. Bakit ito pinamagatang Pagkakaisa?
  • c. Bakit sinabing mahina kapag nag iisa?
  • d. Ano ang masasabi mo sa ikalawang

saknong?

5 of 17

  • e. Sa palagay mo bakit sinabing makapangyarihan ang bayang nabigkis ng pag ibig at layunin na totoo?
  • f. Ano ang nais ipakahulugan ng tula?
  • g. Bakit mahalaga sa tao na may pag ibig sa kapwa?
  • h. Magkaroon ng talakayan sa mga sagot ng mga mag-aaral.

6 of 17

IKALAWANG ARAW

7 of 17

. ISAGAWA NATIN:�Ano ang iyong masasabi sa bawat larawan nagpapakita ba ito ng pagkakaisa? Ipaliwanag.�

8 of 17

9 of 17

PANGKATANG GAWAIN:

  • Unang Pangkat – Pakikiisa, Itula Mo
  • Ikalawang Pangkat – Makiisa at Umawit
  • Ikatlong Pangkat – Guhit ng Pagkakaisa

10 of 17

IKATLONG ARAW

Isapuso Natin

11 of 17

Gawain 1�Itanong. �Ano ang gagawin mo upang maipakita ang pakikiisa sa inyong paaralan?�

Gawain 2

Gumupit ng hugis kamay. Isulat sa bawat daliri ang iyong pangako kung paano ka makikiisa sa iyong kapwa. Idikit ito sa iyong kuwaderno.

12 of 17

Tandaan Natin

Ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa isang bansa ay mahalaga tungo sa kaunlaran. Magkakaiba man ang kanilang salita, estado sa buhay at pananaw ito ay nagsisilbing bigkis. Mahalagang pagyamanin ito sa pamamagitan ng pakikilahok. Bilang batang marunong makiisa, ito ay maaaring umpisahan sa ating sariling paaralan kung saan naipakikita natin ang pakikiisa sa pamamagitan ng pagsali sa mga gawain.

13 of 17

IKAAPAT NA ARAW

Isabuhay Natin

14 of 17

  • BUMUO NG 3 PANGKAT:

  • a. Magkaroon ng Maikling duladulaan ukol sa pakikiisa sa mga proyekto ng pamahalaan para sa pandaigdigang pagkakaisa.

15 of 17

Subukin Natin

Panuto:

Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pakikiisa at Mali kung hindi.

______1. Pinaunlakan ni Annie ang paanyaya ng pinuno ng SPG upang sumali sa “Fun Run para sa kalikasan”.

______2. Napagkasunduan ng mag kaibigang Ben at John na umuwi na lamang at huwag ng makilahok sa programa dahil ito ay ukol sa droga at wala naman silang maitutulong dito.

16 of 17

_____3. Pinunit ni Nathaan ang poster tungkol sa Earthquake Drill na isasagawa pa lamang sa kanilang barangay.

_____ 4. Tumulong sa pagkalap ng mga donasyon ang mga batang nasa ikaanim na baiting upang matulungan ang mga biktima ng nakaraang bagyo.

_____5. Ang mga tao sa aming barangay ay sabay sabay nag patay ng ilaw bilang pakikiisa sa Earth Hour.

17 of 17

TAKDANG ARALIN:

  • Sumulat ng mga hugot lines tungkol sa pambansang pagkakaisa.