1 of 12

Gawaing Elektrisidad

2 of 12

NILALAMAN

Ang bawat gawain ay may simula sa paggawa. Ang proyektong binalak gawin ay kailangan ayon sa plano dahil dito nakasalalay ang maayos at magandang proyekto. Kagigiliwang gawin ang isang proyekto kung ito ay pinili ayon sa kagustuhan, kakayahan, at pangangailangan. Ang wastong kaalaman at paggamit sa mga kasangkapan ay maipapakita sa pagsunod sa plano ng proyekto.

LAYUNIN

  1. Nakakagawa ng proyekto na ginagamitan ng elektrisidad.
  2. Nagagamit ang kasangkapan at kagamitan sa gawaing elektrisidad.

3 of 12

Ang gawaing pang- elektrisidad ay isa sa mahalagang lawak sa Edukasyong Pangkabuhayan. Dito makakamit ng mga mag-aaral ang batayang kaalaman at kasanayan tungkol sa elektrisidad, mga kaukulang pag-iingat at mga pang- kaligtasang gawi upang makaiwas sa sakuna na may kaugnayan sa kuryente.

Pagiging elektrisiyan ang hanapbuhay ng

mga taong may kaalaman at kasanayan sa paggawa kaugnay ng kuryente.

Ibayong pag-iingat nga lamang ang dapat isa-alang alang.

ALAMIN NATIN

4 of 12

MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG EXTENSION CORD

  1. Ihanda ang kawad. Paghiwalayin ang magkatabing kawad ng magkabilang dulo at balatan ang mga ito ng 10 sentimetro. (10-15 sentimetro).
  2. Luwagan ang turnilyo ng outlet at ibukas. Iikot ang isang binalatang dulo ng kawad ng kaliwang bahagi at ang isa sa kanang bahagi. Ipaikot sa turnilyo at ipitin ng mahigpit. Ilagay ang pansara.
  3. Buksan ang mal plug. Makikita ang dalawang turnilyo, luwagan ng bahagya at iikot sa magkabilang turnilyo ang magkahiwalay na kawad sa paggamit ng undrwriter’s knot upang makatiyak na dadaluyan ng kuryente ang terminal.

Higpitan muli ang turnilyo upang maipit ang kawad.

  1. Isara muli ang plag. Subukan sa paggamit ng tester kung dadaluyan ng kuryente.
  2. Tingnan mabuti ang lahat ng ikinabit na bahagi kung hindi nagkamali sa pagsasagawa ng mga hakbang.
  3. Sundin ang mga pangkaligtasang gawi sa paggawa upang maiwasa ang sakuna.

5 of 12

A. Pakitang turo sa paggawa

ng extension cord.

6 of 12

Ang wastong kaalaman sa paggawa ng proyekto ay magpapaunlad ng kasanayan at nakatitipid ng oras at lakas.

TANDAAN NATIN

7 of 12

Aktuwal na paggawa ng extension cord ng mga mag- aaral

GAWIN NATIN

8 of 12

SCORECARD SA PAGGAWA NG EXTENSION CORD

Mga Pamantayan

Puntos

  1. Pagsunod sa Wastong

Hakbang

    • Ang mga kagamitan at kasangkapan ay inayos sa ibabaw ng mesa bago gumawa.

5

2. Pagsusukat sa pagtatalop ng

kawad.

5

3. Paggawa ng underwriter’s

knot.

10

4. Pagkabit ng kawad sap lag

at convenience outlet.

10

5. Naisagawa sa takdang oras.

9 of 12

B. Paggamit ng

Kasangkapan

1. Gumamit ng wasto at

angkop na kasangkapan sa paggawa.

5

1. Sinuri ang kaayusan ng

kasangkapan.

5

2. Ginamit sa angkop ng

gawain.

5

3. Ibinalik sa pinagkunan

matapos ang gawain ng maayos.

5

10 of 12

  1. Pangkaligtasang Gawi
    1. Masigla at tuloy-tuloy sa paggawa.

5

2. Ipinapakitang may sistema

sa paggawa.

5

3. Ipinakita ng pag-iingat

habang gumagawa.

5

4. Nilinis ang hapag gawaan

matapos ang gawain at isinauli ang mga kagamitan at kasangkapan sa pinagkunan.

5

11 of 12

  1. Uri ng Natapos na Gawain
    1. Ang kawad na ikinabit sap lag at convenience outlet ay may wastong haba.

5

2. An pagkagawa ang

underwriter’s knot at ang

pagkakabit ng kawad sa turnilyo ay wasto.

1

0

3. Maayos at malinis ang

pagkakabuo ng plag at convenience outlet.

5

4. Naisulat nang wasto

ang Plano ng Proyekto

5

12 of 12

Gumawa ng slogan tungkol sa paggamit ng kuryente sa matipid na pamamaraan.

PAGYAMANIN NATIN