1 of 28

Pagbabago Sa Lipunan Sa Ilalim Ng Pamahalaang Kolonyal

“Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Kulturang Pilipino”

AP5KPK-IIIc-3

2 of 28

Panimulang Gawain:

1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.

2. Balik-Aral: (Games)

Magpapatugtog ng isang awitin habang may ipinapasa ang kahon na may lamang metacards. Ang matapatan ng pagtigil ng tugtog ay kukuha ng isa nito upang tukuyin

kung ang mga ito ay nagpapakita ng

pagpapabuti ng katayuan ng mga

babae o hindi.

3 of 28

3. Panimulang Pagtataya

Nagkaroon ng survey sa inyong lugar kung paano nakaapekto ang pananakop ng Espanya sa kultura ng mga Pilipino, bilang mga mamamayan ng baranggay kayo ay na-bigyan ng survey form. Dito lalagyan ninyo ng tsek ang mga aspeto ng kultura na nagpapa-kita ng impluwensya ng kulturang

Espanyol sa wika at panitikan

4 of 28

Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang diwang nais ipabatid.

I K A W ____________ Ito ay isang paraan

komunikasyon na gumagamit ng

tunog mula sa mga titik.

P N K I A T I N A __________________ Ito ang kalipunan ng mga tula, nobela, at kwento

na may kinalaman sa ating kultura.

5 of 28

1. Gawain

Pagbibigay ng mga pamanta-

yan sa pangkatang Gawain.

Pangkat I

Kagamitan: manila paper, marker, pangguhit

Panuto: Buksan at basahin ang batayang

aklat sa pahina 78–80 (Makabayan:

Kasayasayan ng Pilipino 5).

Sa tulong ng “mind map”, ipaliwanag ang impluwensya ng kulturang Espanyol sa wika at panitikan ng kulturang Pilipino.

6 of 28

Pangkat II

PANEL DISCUSSION

Panuto: Gumawa ng maikling panel discussion ayon sa mga kaalaman at impor-masyon na nakalap mula sa aklat na Pilipinas: Bansang Papaunlad 5 pahina 73–74. (Sa baha-ging ito ay dapat may inihanda na ang guro na mga tanong na pagtatalakayan ng mga bata matapos basahin ang teksto)

1. Paano naimpluwensyahan ng kulturang Espanyol ang wika at panitikan ng mga

7 of 28

Pilipino?

2. Ano ang kabutihang naidulot

ng kulturang Espanyol sa pamumuhay

ng mga Pilipino?

3. Sa inyong palagay, may masama din bang naidulot ang kanilang naging impluwensya sa ating wika at panitikan sa kasalukuyan nating

pamumuhay? Ipaliwanag kung bakit OO o HINDI.

Pangkat III

HALINA AT ILAGAY SA TSART

8 of 28

Kagamitan: batayang aklat, manila

paper, marker

Panuto: Buksan at basahin ang

batayang aklat sa pahina 78–80. (Makabayan: Kasayasayan ng Pilipino 5). Magkaroon ng “buzz session” hinggil sa paksa. Punan ang tsart LIKHANG PINOY

Kagamitan, manila paper, marker

Panuto: Basahin ang akda sa kahon. Gumawa ng isang tula kung sa ipinapakita ang mga Pilipinong nakilala sa larangan na wika at panitikan. WIKA

9 of 28

Talakayin ang paksa sa araw na ito:

Basahin ang teksto… WIKA AT PANITIKAN

Ang mga misyonerong Espanyol na naka-rating sa Pilipinas ay dalubhasa sa pagsusulat. May iba pang magaling sa wika, pagsulat ng tula, kuwento, salaysay at kasaysayan. Ang kanilang kagalingan at kaalaman ay itinuro nila sa mga Pilipino. Nagsimula

sa mga panitikan panrelihiyon

noon tulad ng mga dasal, doktrina,

nobena at talambuhay ng mga santo. Natutunan din nila ang mga awit at korido

10 of 28

tungkol sa mga hari, reyna at mga kaanak ng maharlika.

Nagbigay buhay ang mga babasahin at lathalain noon ng mga Espanyol sa mga Pilipi-no. Nagkaroon din ng kalinangan sa larangan ng pamamahayag. Ang kauna-unahang pahayagan ay ang “Dela Superior Gobierno” na inilimbag noong 1811.Ito ay

sinundan ng “La Esperanza”,

El Diario de Manila”, “La Opinion

at “El Hogar”. Naganyak sumulat

si Jose dela Cruz nakilala sa tawag na

11 of 28

Huseng Sisiw, dahil sa paghingi niya ng sisiw bilang bayad sa kanyang pagtuturo at pagga-wa ng mga tula. Si Francisco Baltazar, Balagtas ang tinaguriang “Prinsipe ng mga Makatang Tagalog” na nakilala sa kanyang nobelang “Florante at Laura”. Naging tanyag naman sa panitikang Ilokano si Pedro Bukaneg ang “Ama ng Literaturang Ilokano” dahil sa

kanyang epikong “Ang Biag ni

Lam-ang”. Si Modesto de Castro

naman ay nakilala sa kanyang

“Urbana at Feliza”. Sa mga nabang -git na

12 of 28

gawa ng pampanitikan, natutong magsalita, bumasa at sumulat sa wikang Espanyol ang

mga Pilipino. Naganyak silang magsulat upang maipakita ang kanilang pagkamakabayan.

Pumunta ang iba sa Europa at doon nagsulat ng iba’t ibang uri ng panitikan upang maipahayag ang kanilang mga hinaing at mit-hiin para sa bansa. Ito ay sina

Jose P. Rizal, Marcelo H. del Pilar,

Antonio Luna, Jose M. Panganiban,

Mariano Ponce, Pedro Paterno at

Graciano Lopez Jaena. Dito na na- kilala ang

13 of 28

dalawang tanyag na nobela na ‘’Noli Me Tangere’’ at “El Filibusterismo” ni Rizal at pag-

lathala ni Marcelo H.del Pilar, ang patnugot ng ‘’La Solidaridad’’ isang pahayagan na naglala-rawan at bumabatikos sa mga maling gawain ng Espanyol sa mga Pilipino. Sa mga talumpati at sanaysay naman ipinakita ni Graciano Lopez Jaena, isa ring manunulat at mana

nalumpati, ang kaniyang mga

hinaing sa mga Espanyol. Umunlad

ang pamamahayag sa panahong ito. Ang unang pahayagan sa bansa ay ang

14 of 28

“Del Superior Gobierno” sa pamamatnugot ni Gob. Heneral Manuel Gonzales de Aguilar.Una itong nailathala sa Maynila noong Agosto 8, 1811. Malaki ang naitulong ng mga pahayagan sa larangan ng propaganda sa pagpaparating ng kanilang kuro-kuro’t damdamin sa pamaha-laang Espanyol at mga kapwa Pilipino. Nakilala noong panahong ito ang awit at

korido. Ang awit ay isang tulang

pasalaysay na may labindalawang

pantig sa bawat linya. Halimbawa nito ang “Florante at Laura”. Ang korido naman ay

15 of 28

ang tulang pasalaysay na may walong pantig sa bawat linya. Ang “Ibong Adarna” at “Don Juan Tiñoso” ang mga halimbawa nito. Kabilang pa rin sa panitikan noon ang mga dula, duplo, at karagatan, na kinawiwilihang gawin kapag may lamay sa patay. Ang senakulo, moro-moro, at sarsuwela ay naging tanyag namang mga dulang

panrelihiyon noong panahong

ito.

16 of 28

Talakayin:

1. Anu-anong uri ng panitikan ang natutuhan ng mga Pilipino?

2. Paano nakaapekto ang kulturang Espanyol sa ating wika?

3. Ipaliwanag ang naging ambag ng kulturang Espanyol sa mga uri ng panitikan na nagawa ng mga Pilipino.

4. Paano naipakita ng mga Pilipino

ang kanilang pagkamalikhain sa

larangan ng panitikan?

5. Anu-anong babasahin ang

17 of 28

bag sa panahon ng mga Espanyol?

6. Tungkol saan ang karaniwang tema ng mga akda ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol?

7. Ano ang naging epekto ng mga babasahing ito sa buhay ng mga Pilipino?

8. Anu-ano ang ginawang pag-aangkop ng mga Pilipino sa kulturang ipinakilala ng mga Espanyol?

9. Nakabuti ba sa atin ang mga

impluwensyang ito sa ating

kultura?

10. Sang-ayon ka bang malaki ang naging

18 of 28

epekto ng kulturang Espanyol sa kulturang Pilipino? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Matapos malaman ang aralin hinggil sa mga impluwensya ng kulturang Espanyol, paano mo maipapamalas ang pagmamalaki sa yaman ng kulturang Pilipino gamit ang wika at panitikan?

Sa ano anong aspeto ng ating wika at panitikan nagkaroon ng impluwensya ang kulturang Espanyol? Ipaliwanag ito…

19 of 28

A. Panuto: Isulat ang ibat ibang ambag ng Espanyol sa wika at panitikan sa kulturang Pilipino sa tamang hanay nito.

Tibag Florante at Laura

Duplo Noli Me Tangere

salitang “zarzuela” senakulo

La Solidaridad tondo

Pasyon salitang “alas kwatro”

Flores de Mayo carillo

20 of 28

Pagtataya

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Madaling natutuhan ng mga Pilipino ang wikang Espanyol sapagkat kapansin pansin ito sa mga kasalukuyang wika natin. Paano ito nangyari?

A. Bago pa lang sila sakupin ng dayuhan ay

maalam na sila ng ganuong wika.

21 of 28

Pagtataya

B. Dulot ito ng pagdalo nila sa misa, at

pag-aaral ng ng dasal sa araw-araw.

C. Sa malimit nilang pakikihalubilo sa mga

kaibigang Espanyol.

D. Sa tulong na din ng paggamit ng maka-

bagong teknolohiya

2. Napaigting ng mga Espanyol ang pananam-palataya ng mga Pilipino sa Kristiyanismo nang

22 of 28

Pagtataya

dahil sa mga panitikan na impluwensya nila sa atin. Anong uri ng mga panitikan ito?

A. moro-moro B. senakulo

C. sarsuela D. duplo

3. Maraming mga Pilipino ang nakinabang sa impluwensyang Espanyol sa ating kultura, wika at panitikan. Alin sa mga nabanggit sa ibaba ang hindi kabilang?

23 of 28

Pagtataya

A. Naganyak na magsulat ang mga Pilipi-

no upang ipakita ang kanilang pagka-

makabayan.

B. Natutunan din ng mga Pilipino ang mga

awit at korido tungkol sa mga hari at

reyna.

C. Nagkaroon sila ng mgakagalingan sa

pamamahayag at talumpati.

24 of 28

Pagtataya

D. Lalo silang nasadlak sa kahirapan at

kaparusahan.

4. Pumunta ang ilang mga Pilipino sa Europa upang doon lalong hasain ang galling sa panulat at pamamahayag. Sino sa ibaba ang tanyag na kumatha ng “Noli Me Tangere at “El Filibusterismo.”

A. Marcelo H. del Pilar C. Pedro Paterno

25 of 28

Pagtataya

B. Mariano Ponce D. Jose Rizal

5. Anu-ano ang kabutihang naidulot ng impluwensya ng kulturang Espanyol sa Pilipino sa wika at panitikan.

A. Itinakwil ng mga Pilipino ang pagkama-

mamayan nila sa hangarin na lalong

mapabuti sila

B. Hindi naintindihan ng mga Pilipino ang

26 of 28

Pagtataya

kulturang nais ipahiwatig ng mga

panitikan.

C. Nalinang ang kakayang Pilipino sa iba’t

ibang larangan ng wika at panitikan.

D. Naipahayag ng mga Pilipino ang kani-

lang hinaing at mithiin sa bansa.

27 of 28

Takda:

Gumawa ng panayam sa inyong mga magulang tungkol sa iba pang mga ambag o impluwensiya ng mga Espanyol sa kultu-rang Pilipino sa larangan ng wika at pani-tikan at ibahagi ang inyong nalaman sa klase bukas.

28 of 28

Thank You

For Listening!

Teacher Maylen