1 of 8

Q3 WEEK 3 DAY 1�

Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw, awit, at sining gamit ang anumang multimedia o teknolohiya

(EsP5PPP - IIIb - 24)

​

2 of 8

3 of 8

ALAMIN NATIN (DAY 1)�

  • Ang Cariñosa ay isang magiliw na sayaw na magkaperahang babae at lalake na animo’y nasa aktong nagliligawan. Taong 1992 nang palitan nito ang tinikling bilang pambansang sayaw ng Pilipinas.
  • Ang salitang ito ay nangangahulugang mapagmahal at mapag-aruga, na hango sa pamamaraan ng pag-indak at pag-indayog ng mga mananayaw nito sa saliw ng mabining awitin. Kapuna-puna sa mga sayaw ng Pilipino, kabilang na ang Cariñosa ang pagpapakita ng matinding emosyon o damdamin. Sa Cariñosa, ang babaeng mananayaw ay may tangan na panyo o pamaypay na panaka-naka niyang ipinagkukubli sa kanyang mukha habang mayuming umiindak. Ang lalaking mananayaw naman ay sumasayaw sa tila nag-aamong pamamaraan habang nakatingin sa mga mata ng kaperahang babae.
  • Sa ganitong mga galaw ay makikita na ang mga mananayaw ay tila nagpapakita ng pagsinta sa isa’t-isa.

wikipilipinas.org

​

4 of 8

PAG-USAPAN NATIN�

  • Ano ang Cariñosa?
  • Kailan ito naging pambansang sayaw?
  • Ano ang ibig sabihin ng salitang Cariñosa?
  • Paano ito sinasayaw?

​

5 of 8

ISAGAWA NATIN (DAY 2)�

​

  • Pakitang turo ng guro sa sayaw na Cariñosa.

​

​

​

​

  • Pagpepresent ng mga bata.

​

  • Bumuo ng apat na pangkat.
  • Bawat grupo ay pagsasayawin ng Cariñosa. Ito ay kukunan nila gamit ang kanilang kamera o cellphone. Mamarkahan ang mga bata ayon sa rubrics.

​

Isapuso Natin

​

Pagpepresenta ng mga mag-aaral.

6 of 8

ISAPUSO NATIN (DAY 3)�

  • Pangkatin ang mga bata.

​

  • Ang unang pangkat ay pagagawain ng awit na nagpapakita ng pagpapahalaga ng kultura ng mga Pilipino. Maaaring ivideo ito ng mga bata o aktwal na sayawin sa klase.

​

  • Ang ikalawang pangkat ay gagawa ng likhang sining na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.

​

7 of 8

ISABUHAY NATIN (DAY 4)�

Gumawa ng talata ukol sa tanong sa ibaba.

 

May programa sa paaralan ni Rudy at nangangailangan ang kanilang guro ng batang aawit. Si Rudy ay may talento sa pag-awit ngunit siya ay batang mahiyain. Kung ikaw si Rudy, ano ang dapat niyang gawin? Bakit?

8 of 8

SUBUKIN NATIN (DAY 5)�

Pagpapakita o pag-exhibit ng ginawa ng mga bata. Ito ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubrics.

​

Batiin ang mga mag – aaral pagkatapos ng aralin at ihanda sa susunod na leksiyon. Maaaring magbigay ang guro ng takdang – aralin kung kinakailangan.

​