ARALIN 19.2:
�PAGKAKAROON NG DISIPLINA
MELANIE E. AVILA
Teacher I
Platero Elementary School
unang araw
Alamin namin
Pagtulong
Ang pagtulong kung nakagawian
Sa kapwa’y laging binibitiwan
Asahan mo’t may kagantihan
Ang may kapal sa kaitaasan.
Ang tulong ay may kahulugan
Sa bawat taong nilalang
May tulong na paimbabaw
Mayroong sa puso ay bukal.
Ang tulong din kung magkaminsan
Di dapat na agad bitiwan
Alamin mo muna, kaibigan
Kung siya ba’y tunay na nangangailangan.
Ang pagtulong dapat ingatan
Kung kaninong tao ipapataw
Kung sa palagay mo’y abusado
Ang tulong mo’y ikandidato.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Ikalawang araw
Isagawa natin
GAWAIN 1:
Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
GAWAIN 2:
Pangkatin ang klase sa tatlo. Bawat pangkat ay magpapakita ng palabas na nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos. Magsagawa ng pagpaplano sa loob ng 15 minuto at ipakita ang palabas sa loon ng 3 minuto.
Unang Pangkat - pagtulong sa kapwa (awit)
Pangalawang Pangkat -mapagkalinga at matulungin (debate)
Pangatlong Pangkat -matulunging bata (munting iskit)
Ikatlong araw
Isapuso Natin
Gumupit ng puso sa bond paper.
Magbalik-tanaw ka. Isipin ang mga taong nakasalamuha mo na iyong nabigyan na ng tulong. Isulat ito sa isang bahagi ng puso na iyong ginupit. Sa kabilang bahagi naman ay isulat kung ano ang ginawa mo upang matulungan ang taong ito.
Ikaapat na araw
Tandaan Natin
Ang pagtulong ay di masama
Kung sa palagay mong ito’y tama
Huwag tumulong sa tamad
Hayaang sila’y magsumikap.
Isabuhay natin
Ang ating buhay ay hindi natin sarili. Ibig ng Diyos na ihandog natin ito sa ating kapwa sa simpleng pagtulong at pagkalinga sa ating kapwa.
Maraming paraan ng pagtulong sa ating kapwa. Karaniwan sa mga ito ay ang pagtugon sa kanilang pangangailang sa panahon ng kahirapan. Huwag nating kaligtaan ang mga pagkakataong kailangan nila ng ating tulong o kalinga.
Ngunit may mga pagkakataon naman na dapat alam natin kung sino yung mga dapat nating tulungan sapagkat may ilang tao na umaabuso sa tulong na ibinibigay sa kanila ng kanilang kapwa.
Basahin at tapusin ang mga pangungusap. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
Ako ay dapat tumulong sapagkat _________________________________________________.
Di ako dapat maghintay ng kapalit sa aking mga itinulong sapagkat_____________________.
Ikalimang araw
Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa paksang “Ang pagtulong sa kapwa ay pagmamahal sa Diyos”.
Subukin natin