ESP 5�
Itanong: Ano ang mga magagndang kaugaian ang nakuha ninyo sa mga nakaraang aralin natin?
Ipabasa at ipaunawa ang tula na nasa kagamitan ng mag- aaral
Pagtulong
Ang pagtulong kung nakagawian
Sa kapwa’y laging binibitiwan
Asahan mo’t may kagantihan
Ang may kapal sa kaitaasan.
Ang tulong ay may kahulugan
Sa bawat taong nilalang
May tulong na paimbabaw
Mayroong sa puso ay bukal.
Ang tulong din kung magkaminsan
Di dapat na agad bitiwan
Alamin mo muna, kaibigan
Kung siya ba’y tunay na nangangailangan.
Ang pagtulong dapat ingatan
Kung kaninong tao ipapataw
Kung sa palagay mo’y abusado
Ang tulong mo’y ikandidato.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang isang magandang ugali na dapat ibigay sa kapwa?
2. Bakit kailangang tumulong sa kapwa?
3. Kailan tayo dapat tumulong kapwa?
4. Dapat bang tumulong ng pabigla-bigla?
Ipasagot ang sumusunod:
1. Mahalaga ba ang pagtutulungan sa ating sambayanan?
2. Ano ang damdamin ng taong nakatutulong sa kapwa niya?
3. Dapat bang ipagdamot ang iyong tulong?
4. Ang mga Pilipino ba ay likas na matulungin?
5. Ikaw ba ay matulungin din? Sa paanong paraan?
2ND DAY
Ang tulong din kung magkaminsan
Di dapat na agad bitiwan
Alamin mo muna, kaibigan
Kung siya ba’y tunay na nangangailangan.
Ang pagtulong dapat ingatan
Kung kaninong tao ipapataw
Kung sa palagay mo’y abusado
Ang tulong mo’y ikandidato.
Pag-usapan muli ang tula.
Gawain 1
Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
Matapos gawin ng mga mag-aaral ang Gawain 1, iproseso ang kanilang mga sagot.
Muling Itanong sa kanila kung anong, pagpapahalaga ang kanilang naipakita sa paraan ng pagtulong o bayanihan.
_____1. Tutulong ako sa lahat ng pagkakataon.
_____2. Pipiliin ko ang taong dapat tulungan.
_____3.Patutubuan ko ng malaki ang halagang aking naitulog.
_____4. Tutulong ako ng bukal sa aking puso.
_____5.Tutulong ako kung maraming taong nakakakita.
_____6. Tutulong ako kung may kapalit na gantimpala.
_____7.Magbibigay ako ng ng walang pag-aalinlangan.
Matapos ang Gawain ay pangkatin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral para sa Gawain 2, upang maproseso ang kanilang sagot. Gabayan sila sa pagbubuod ng mga sagot.
Sa pangkatang Gawain magkaroon ng mga disiplina ang bawat grupo.
Unang Pangkat -pagtulong sa kapwa (awit)
Pangalawang Pangkat -mapagkalinga at matulungin (debate)
Pangatlong Pangkat -matulunging bata (munting iskit)
3RD DAY
Pag – usapan ang ginawang Pangkatang Gawain.
Gumupit ng puso sa bond paper.
Magbalik-tanaw ka. Isipin ang mga taong nakasalamuha mo na iyong nabigyan na ng tulong.. Isulat ito sa isang bahagi ng puso na iyong ginupit. Sa kabilang bahagi naman ay isulat kung ano ang ginawa mo upang matulungan ang taong ito.
4TH DAY
TANDAAN NATIN:
Ang pagtulong ay di masama, Kung sa palagay mong ito’y tama. Huwag tumulong sa tamad. Hayaang sila’y magsumikap.
Ang ating buhay ay hindi natin sarili. Ibig ng Diyos na ihandog natin ito sa ating kapwa sa simpleng pagtulong at pagkalinga sa ating kapwa.Maraming paraan ng pagtulong sa ating kapwa, karaniwan sa mga ito ay ang pagtugon sa kanilang pangangailang sa panahon ng kahirapan. Huwag nating kaligtaan ang mga pagkakataong kailangan nila ng ating tulong o kalinga. Ngunit may mga pagkakataon naman na dapat alam natin kung sino yung mga dapat nating tulungan sapagkat may ilang tao na umaabuso sa tulong na ibinibigay sa kanila ng kanilang kapwa.
Basahin at tapusin ang mga pangungusap. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
Ako ay dapat tumulong sapagkat___________________.
Di ako dapat maghintay ng kapalit sa aking mga itinulong sapagkat_____________________.
5TH DAY
Isulat ang tama o mali.
1. Tumutulong lamang kung may kapalit na kabayaran.
2. Tumulong nang kusang-loob.
3. Isapuso lagi ang pakikipagtulingan sa kapwa
4. May kagantihang pagpipintay para sa taong matulungin.’
5. Tumulong lang minsan at huwag nang sundan.
Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa paksang “Ang pagtulong sa kapwa ay pagmamahal sa Diyos”.
Isulat ang iyong sanaysay sa bond paper.