JavaScript isn't enabled in your browser, so this file can't be opened. Enable and reload.
1 of 13
Klima sa Metro Manila
2 of 13
Dalawa ang uri ng klima sa National Capital Region :
tag-ulan at tag-init
Tag-ulan-
Hunyo hanggang Nobyembre
Tag-init
- Marso hanggang Mayo
Disyembre hanggang Pebrero- hindi gaanong mainit at hindi rin gaanong maulan
3 of 13
Dahil sa pagiging malapit ng rehiyon sa Look ng Maynila at Lawa ng Laguna, nakararanas ito ng mainit na temperatura.
4 of 13
Madalas daanan ang Pilipinas ng bagyo dahil malapit ito sa Karagatang Pasipiko.
20-25 na bagyo ang dumadaan sa Pilipinas.
5 of 13
May malakas at mahihinang bagyo.
Madalas magkaroon ng bagyo tuwing buwan ng Hulyo hanggang Nobyembre.
Nagmumula sa Hilaga at Silangan ng Pilipinas.
6 of 13
May impluwensiya ang klima sa material at di-materyal na kultura ng mga tao.
Makikita ito sa kanilang mga tirahan, kasuotan at kagamitan gayundin sa kanilang mga ugali at gawi.
7 of 13
Dahil sa mainit ang panahon, ang mga bahay ay yari sa mga pawid at kawayan.
Ang mga bintana ay malalapad at ang mga dingding at sahig ay may malawak na pagitan para maging presko.
8 of 13
Sa ngayon, iba na ang anyo at kayarian ng mga bahay rito. Ang mga ito ay yari na sa semento, kahoy, bakal, at salamin.
Malalaki pa rin ang mga bintana nito pero halos lahat ay gumagamit na ng bentilador o electric fan.
9 of 13
Ang iba ay may air conditioner.
Ang mga opisina at pabrika pati na ang mga sasakyan tulad ng bus, taxi, at kotse ay may air conditioner din.
10 of 13
Tuwing tag-init, ang mga taga-Metro Manila ay nagsusuot ng maninipis at preskong damit, tsinelas, at sandals.
Tuwing tag-ulan naman, iba rin ang kanilang mga kasuotan.
11 of 13
Nagsusuot ang mga tao ng kapote at bota na panlaban sa ulan. Gumagamit din sila ng paying.
Ang mga uri ng pagkain sa Metro Manila ay iniangkop din sa uri ng panahon.
12 of 13
Tuwing tag-init, kumakain ang mga tagarito ng malalamig na pagkain tulad ng halo-halo, ice cream, iced drink, shake at ice candy.
13 of 13
Noong hindi pa matao sa Metro Manila, tuwing tag-ulan pagtatanim ang gawain ng mga tao at pag-aani naman kung tag-init.