1 of 57

EPP

Ikalawang Markahang Pagsusulit

QUARTER 3 WEEK 1

DAY 1

2 of 57

-Panalangin

-Kamustahan

-Pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob ng klase

-Pag-check ng attendance

-Pagsasaayos ng upuan

-Pagbibigay ng tuntunin bago simulan ang pagsusulit.

3 of 57

Hayaang maghanda ang mga mag-aaral bago isagawa ang pagsusulit.

4 of 57

Pagbibigay ng gamit sa pagsusulit (Test Paper)

5 of 57

Pagkolekta ng mga Test papers.

6 of 57

Pagtataya

Pagwawasto at pagtatala ng resulta ng pagsusulit.

7 of 57

EPP

Ikalawang Markahang Pagsusulit

QUARTER 3 WEEK 1

DAY 2

8 of 57

-Panalangin

-Kamustahan

-Pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob ng klase

-Pag-check ng attendance

-Pagsasaayos ng upuan

-Pagbibigay ng tuntunin bago simulan ang pagsusulit.

9 of 57

Hayaang maghanda ang mga mag-aaral bago isagawa ang pagsusulit.

10 of 57

Pagbibigay ng gamit sa pagsusulit (Test Paper)

11 of 57

Pagkolekta ng mga Test papers.

12 of 57

Pagtataya

Pagwawasto at pagtatala ng resulta ng pagsusulit.

13 of 57

EPP

Kahalagahan ng pag-aayos at pangangalaga sa sarili

QUARTER 3 WEEK 1

DAY 3

14 of 57

-Panalangin

-Kamustahan

-Pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob ng klase

-Pag-check ng attendance

-Pagsasaayos ng upuan

15 of 57

Gawain 1

Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga katanungan.

16 of 57

Tanong:

1. Ano ang inyong naobserbahan sa mga larawan?

2. Ano kaya ang tinitignan ng babae at lalaki sa salamin?

3. Napapansin ninyo rin ba ang mga pagbabagong ito sa inyong

sariling katawan?

17 of 57

Gawain 2

Paghawan ng Bukabolaryo sa Nilalaman ng Aralin

 

Puberty - Ang panahon sa buhay ng isang tao kung kailan nagsisimula ang pagbabago ng kanilang katawan mula sa pagiging bata patungo sa pagiging adulto, karaniwang nasa pagitan ng edad na 9 hanggang 14.

18 of 57

Pituitary Gland - Isang maliit na glandula na matatagpuan sa ilalim ng utak na kumokontrol sa maraming gawain sa katawan, kabilang ang paglaki at pagpapalabas ng mga hormone.

 

Hormones - Mga kemikal na nilikha ng katawan na tumutulong sa pag-regulate ng iba't ibang gawain, tulad ng paglaki, metabolismo, at damdamin.

19 of 57

Talakayin:

Puberty Stage

-Sa ganitong panahon, mabilis ang paglaki ng isang tao kumapara nung siya ay bata pa lamang.

-Sa mga lalaki, ito ay tinatawag na pagbibinata.

-Sa mga babae ito ay tinatawag na pagdadalaga.

20 of 57

Kapag handa na ang iyong katawan para sa mga pagbabagong gagampanan nito, ang maliit na PITUITARY ay naglalabas ng mga likido o hormones na naglalakbay mula sa lokasyon nito sa utak patungo sa mga glandulang pangkasarian.

21 of 57

Image source: CANVA

22 of 57

Maraming pagbabagong pisikal ang nagaganap sa nagdadalaga at nagbibinata sa edad na 10 hanggang 16. Lahat ng ito ay nagsisimula sa glandulang malapit sa utak na tinatawag na pituitary gland. Ito ang glandulang gumagawa ng chemical o hormones na kailangan sa paglaki. Magkaiba ang mga pagbabagong nararanasan ng babae at lalaki sa hormones na tinataglay.

23 of 57

Ang sa babae ay tinatawag na estrogen at testosterone naman sa lalaki. Tumitigil ang mga pagbabagong ito pagsapit ng 18 gulang pataas. Habang lumalaki ang isang tao, nagbabago ang kanyang katawan kagaya ng mga sumusunod:

24 of 57

Mga Pagbabago sa katawan ng Lalaking Nagbibinata

 

-Pagkakaroon ng mga buhok sa mukha at katawan

-Paglaki ng Adam’s apple at paglaki o paglalim ng boses

-Paglapad ng balikat

-Paglaki ng dibdib

-Paglaki ng mga kalamnan

-Pagbabago sa ari

25 of 57

Mga Pagbabago sa Katawan ng Babaeng Nagdadalaga

 

-Paglaki ng dibdib

-Pagbabago sa ari

-Pagkakaroon ng buhok sa ibang bahagi ng katawan

-Pagkakaroon ng regla

-Paglapad ng balakang

-Matinis o maliit na boses

-Mas maliit na kalamnan sa braso, katawan, hita, at binti

26 of 57

Mga Pagbabago na nararanasan ng Parehong Kasarian

-Pagtangkad

-Pagkakaroon ng tigyawat

-Buhok sa kilikili at ari

27 of 57

Gawain 3

Panuto: Sabihin kung panlalaki, pambabae, o sa parehong kasarian ang mga sumusunod na pagbabago sa katawan sa panahon ng puberty stage. Isulat ang L kung lalaki, B kung babae, at P kung parehong kasarian.

28 of 57

____1. Tinutubuan ng buhok sa kilikili at sa paligid ng ari.

____2. Pagkakaroon ng unang regla.

____3. Pagtangkad.

____4. Paglaki at paglalim ng boses.

____5. Nagiging oily ang balat at maaring pagmulan ng taghiyawat.

29 of 57

Paglalahat

1. Ano ang puberty?

2. Anu-anong mga pagbabagong pisikal ang nararanasan ng mga lalaki? Mga babae? Parehong kasarian?

3. Bakit mahalagang maunawaan natin ang mga pisikal na pagbabagong ito?

30 of 57

Pagtataya

Gawain 4 Pangkatang Gawain

Timeline ng mga Pisikal na Pagbabago

Layunin: Makalikha ang mga mag-aaral ng timeline ng mga pisikal na pagbabago na kanilang naranasan.

31 of 57

Mga Kailangan: Manila Paper, mga pang-marka, ruler�Paghahati ng Grupo: Hatiin ang klase sa apat (4) na grupo.�Mga Hakbang:

-Lumikha ang bawat grupo ng isang timeline sa Manila paper.

-Isama ang mga mahalagang pisikal na pagbabago (hal. pagkawala ng mga baby teeth, paglaki ng taas).

32 of 57

-Gumamit ng mga guhit o lumang larawan upang ilarawan ang mga pagbabagong ito.

-Sumulat ng maikling paglalarawan ng bawat pagbabago at kung kailan ito nangyari.

-Ibahagi ang timeline sa klase.

33 of 57

Katumpakan ng Nilalaman (10 puntos)

 

Tamang kinikilala at inilalarawan ang mga pisikal na pagbabago.

 

Pagkamalikhain (10 puntos)

 

Gumagamit ng mga guhit o larawan upang ilarawan ang mga pagbabago. 

Organisasyon (10 puntos)

 

Malinaw at madaling sundin ang timeline. 

Paglahok (10 puntos)

Lahat ng miyembro ng grupo ay nag-aambag sa aktibidad. 

34 of 57

EPP

Kahalagahan ng pag-aayos at pangangalaga sa sarili

QUARTER 3 WEEK 1

DAY 4

35 of 57

Balik-aral:

1. Ano ang puberty?

2. Anu-anong mga pagbabagong pisikal ang nararanasan ng mga lalaki? Mga babae? Parehong kasarian?

3. Bakit mahalagang maunawaan natin ang mga pisikal na pagbabagong ito?

36 of 57

Gawain 1

Tingnan ang mga nasa larawan. Sagutin ang mga katanungan.

37 of 57

Tanong:

1. Ano ang nakikita mo sa mga larawan?

2. Ano ang iyong gagawin kung mangyari sa iyo ang mga ito?

3. Mahalaga bang mapanatiling malinis ang ating mga katawan? Bakit?

 

38 of 57

Gawain 2

Panuto: Punan ang mga puzzle box ng mga tamang salita.

39 of 57

40 of 57

Mga Kagamitan sa Paglilinis at Pag-aayos ng Katawan

41 of 57

1. Shampoo- ito ay nagbibigay ng kaaya-ayang amoy sa ating buhok. Ito rin ang nag-aalis ng mga kumapit na dumi at alikabok sa ating buhok. Pinapalambot at pinapadulas ang buhok.

42 of 57

2. Suklay o hairbrush – gamit sa pagsusuklay ng buhok upang matanggal ang mga buhol-buhol o gusot sa ating buhok.

43 of 57

3. Nail cutter – gamit sa pagputol o paggupit ng kuko sa kamay at paa. Dapat pantayin ang kuko na ginupit gamit ang nail file o panliha.

44 of 57

4. Sepilyo – ginagamit kasama ang toothpaste upang linisin at tanggalin ang mga pagkaing dumidikit o sumisingit sa pagitan ng mga ngipin pagkatapos kumain.

45 of 57

5. Toothpaste – pumipigil sa pagdami ng mikrobyo sa loob ng bibig. Pinatitibay nito ang mga ngipin upang hindi ito mabulok.

46 of 57

6. Mouthwash – Tumutulong sa pagpapanatili ng mabangong hininga. Ito rin ay tumutulong sa pagpuksa ng mga mikrobyong namamahay sa loob ng bibig sanhi ng mabahong hininga.

47 of 57

7. Sabong pampaligo – ito ay nag-aalis ng dumi at libag sa katawan at nagbibigay ng mabango at malinis na amoy sa buong katawan.

48 of 57

8. Bimpo – ito ay ikinukuskos sa buong katawan upang maalis ang libag nito.

49 of 57

9. Tuwalya – gamit na pamunas sa buong katawan pagkatapos maligo para matuyo.

50 of 57

Pansariling Gamit:

-suklay

-sepilyo

-bimpo

-tuwalya

 

Pampamilyang Gamit:

-shampoo

-nail cutter

-mouthwash

-sabong pampaligo

-toothpaste

51 of 57

Gawain 3

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B.

52 of 57

53 of 57

Paglalahat

1. Anu-ano ang mga kagamitan at consumables na gamit sa pangangalaga ng ating katawan?

2. Bakit dapat ugaliing malinis ang ating katawan?

3. Ano ang mga magandang maidudulot nito sa ating katawan?

54 of 57

Pagtataya

Gawain 4 Pangkatang Gawain

Layunin: Naipaliliwanag ang mga consumables at gamit nito sa pangangalaga ng sarili.

55 of 57

Panuto:

1. Hatiin ang klase sa tatlong (3) grupo.

2. Bawat groupo ay gagawa ng poster na nagpapakita ng iba’t ibang consumables at kagamitan sa pangangalaga sa sarili (hal. Shampoo, sepilyo, at iba pa) at mga gamit nito.

3. Ipapalita at ipapaliwanag ng bawat grupo ang kanilang poster sa klase.

56 of 57

Rubriks:

 

Nilalaman (40%) - Kumpleto at tamang impormasyon tungkol sa mga consumables.

Disenyo (30%) - Kaakit-akit at maayos na disenyo ng poster.

Pagpapaliwanag (20%) - Malinaw at detalyadong pagpapaliwanag ng poster.

Kooperasyon (10%) - Aktibong pakikilahok ng bawat miyembro ng grupo.

57 of 57

Salamat sa pakikinig!