1 of 30

MTB Q3 DAY1

2 of 30

ARALIN 20

  • Wastong Pagbaybay ng mga Salita Mula sa Tekstong Binasa
  • Pagtatala ng Mahahalagang Detalye sa Kuwento/tekstong Binasa
  • Pagbibigay ng mga Sariling Reaksyon at Komento sa Isyu
  • Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Paksa

MT3F-IIIa-i.6

MT3A-IIIa-1-4.2

MT3C-IIIa-i-2.6

K M pp. 215-221

PG-pp.225-226

3 of 30

Panimulang Gawain

  1. Paglinang ng mga Salita

  • Pinagmulan
  • Panliligaw
  • Pangagaya
  • Pagpapahalaga

4 of 30

2. Pagganyak

  • Magpakita ng mgakaparehang nagsasayaw ng Pantomina.

  • Itanong: Alam ba ninyo ang sayaw na ito?

5 of 30

6 of 30

7 of 30

8 of 30

9 of 30

3. Pagganyak na Tanong

  • Kailan isiniasayaw ang Pantomina?

10 of 30

Pakikinig sa kuwento.

Ang Sayaw na Pantomina

Ang Pantomina ay katutubong sayaw na nagmula sa Rehiyon ng Bikol. It ay isinasagawa sa araw ng kasal at ang mga hakbang pansayaw ay ginaya sa kilos ng nagliligawang mga kalapati.

Ayon sa kasaysayan ng sayaw, itong sayaw na ito ay tinawag ding Salampati noong panahon ng mga Kastila. Ito ay katutubong sayaw na naitala at naisama sa aklat ng unang katutubong sayaw

“Philippine Folk Dances and Games” ni Francesca Reyes Aquino.

Ngayon, ang sayaw na Pantomina ay isinayaw sa mga pagtatanghal na pang-kulura sa paaralan at mga gawaing pangkultura upang ang mga kabataan ay maging pamilyar sa mga katutubong sayaw sa PIlipinas at hindi nila makalimutan at mapahalagahan ang kulturang Pilipino.

11 of 30

Pagsusuri sa Pag-unawa:

  1. Anong okasyon isinasayaw ang Pantomina?
  2. Bakit isinasayaw ito sa araw ng kasal?
  3. Saan nagmula ang sayaw na ito?
  4. Saan kinuha ang ideya ng sayaw na ito?
  5. Ano ang tawag sa sayaw na ito noong panahon ng Kastila?
  6. Bakit kaya tinawag sa gayong pangalan ang sayaw?
  7. Paano ang sayaw na Pantomina o iba pang mga pilipinong katutubong sayaw makakatulong sa pagpapanatili ngating kultura at tradisyon?

12 of 30

2. Paglinang ng kasanayan �(pagbibigay ng Reaksyon)

  • Magbasa , Magbigay ng Reaksyon at Mag-ulat
  • Hatiin ang klse sa 5 pangkat.
  • Bigyan ang bawat pangkat ng isyu o mga katanungan.
  • Bawat kasapi ng pangkat ay magpapahayag ng kanyang ideya tungkol sa isyu pagkatapos makapagbahagi ng kanilang ideya ang lahat ng kasapi, ito ay kanilang pagsasamahin at iuulat sa malaking pangkat.

13 of 30

Isyu:

Habang nagdidirwang ang mga ikinasal ang mga bagong kasal ay tatayo sa pintuan. Hindio nila palalbasin ang mga bisita na hindi nagbibigay ng pera sa kanila.

Sumasang-ayon ba kayo sa kaugaliang ito? Bakit? Bakit hindi?

14 of 30

3. Talakayan

  1. Bawat isa bang kasapi ng pangkat ay nakapagbahgi ng kanyang reaksyon? Ilarawan kung paano isinagawa ng mga kasapi ng pangkat ang pagbabahagi ng kanilang ideya o reaksyon..

  • Nang mabasa ninyo ang isyu. Ano ang inyong naramdaman? Bakit?

  • Paano tayo makapagbibigay ng ideya o opinion sa ilang mga isyu/pangyayari?

  • Nakabubuti bang makapag-bigay ng sobrang reaksyon sa isyu o pangyayari?

  • Bakit dapat mag-ingat sa pagbibigay ng reaksyon ?

15 of 30

5. Pagsusulit na Pasalita

Magbigay ng reraksyon sa isyu o pangyayari na magsisimula sa pagsasabi ng Sa palagay ko…/ Nararamdaman ko na……./Sa aking palagay……..

  1. Payagang umawit ng awiting bayan sa halip na mga sikat na awitin

2. Ang mga bata ay tiuturuan na sumayaw ng mga katutubong sayaw sa paaralan.

16 of 30

6. Pagproseso ng mga Tanong:

  1. Saan ninyo ibinatay ang inyong paniniwala o opinion?

  • Paano tayo makapagbibigay ng reaksyon?

  • Dapat bang maging maingat sa pagbibigay ng reaksyon? Bakit?

17 of 30

6. Takdang-Aralin

Magbigay ng reraksyon sa isyu o pangyayari na magsisimula sa pagsasabi ng Sa palagay ko…/ Nararamdaman ko na……./Sa aking palagay……..

Isyu:

Ang mga bata ay tuturuan ng mga katutubong sayaw sa paaralan.

18 of 30

MTB Q3 DAY 2

19 of 30

Aralin 20 Mga Sayaw ng Ating Kultura

Pagbasa nang may Kawastuhan

Pagbibigay at Pagsusulat ng Reaksyon

MT3F-III-a-c-1.4

MT3C-IIIa-i-2.6

Kagamitan ng Mag-aaral p. 215-221

PG-pp.226-229

20 of 30

Panimulang Gawain

A. Bago Bumasa

Paglinang ng mga Salita

  1. Nakakuha
  2. pinalakpakan
  3. Ipinakita
  4. liwanag
  5. huling bilang

21 of 30

2.Pagganyak

  1. Nasubukan na ba ninyong sumali sa palisahan ng sayaw sa isang palatuntunan?

  • Anong sayaw ito?

  • Maari mo ba itong isalaysay sa amin?

22 of 30

3.Pagganyak na Tanong

  • Sa balita malalaman natin kung anong Pangkat ng mananayaw ang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.

23 of 30

Habang Bumabasa

Sayaw Pinoy: Daan sa Pagkakaunawaan at Kabutihan (Halaw)

Nanalo ng gintong medalya ang Bayanihan Philippine National Folk Dance Company noong nakaraang 14th World Folklore Festival na ginanap sa Istanbul, Turkey, July 7, 2013.

24 of 30

Habang Bumabasa

Matatandaang noong 2007, nagkamit din ng parehong parangal ang grupo ng ipamalas nito ang husay ng mg Pilipino sa pagsasayaw ng “Tinikling,” “Singkil,” “Pandanggo sa Ilaw,” at “Maglalatik.” dahil sa pagtatanghal na ito, ang kultur at kasarinlan ng mga bansang kasapi ay naipamamalas sa lahat. Ito ang siyang naging dahilan upang mapalaganap ng pagkakaunawaan at kabutihan.

25 of 30

Sagutin ang mga tanong:

  1. Anong gantimpala ng natanggap ng Bayanihan Philippine National Folk Dance Company?
  2. Kailan nila ito natanggap?
  3. Saan ginanap ang paligsahan?
  4. Ano-anong sayaw ang ipinamalas nila?
  5. Paano nagbigay ng karangalan sa ating bansa ang nasabing grupo?
  6. Bakit karapat-dapat sila sa pagkilalang iginawad sa kanil?

26 of 30

Pagsulat/Pagbibigay ng Reaksyon sa mga Isyu

Isyu 1:

Ang mga paaralan ay kailangang magtaguyod ng mga local at mga katutunong mga awitin at sayaw.Ano ang masasabi mo tungkol dito.

27 of 30

Pagproseso ng mga Tanong.

Ano ang mga batayan ng inyong reaksyon?

Ang local na pamahalaan ay nagpasimula ng mga Gawain sa pamayanan na nagtataguyod ng mga local na tradisyon at kultura. Mga katutubong sayaw at awitin sa pamayanan ay itatanghal sa tuwing mayroon mga Gawain.

Hayaang magbigay ng reaksyon ang mga bata tungko sa isyung ito.

28 of 30

Pagproseso ng mga tanong:

Ano ang mga batayan sa reaksyon mo?

Paano natin ibibigay ang reaksyon?

29 of 30

Malayang Pagsasanay:

Munting-debate

Hatiin ang klase sa 3 pangkat. Hayaang ang isang pangkat ang magbigay ng positibo o negatibong reaksyon tungkol sa isyu.

Talakayin ang kinalabasan ng debate.

30 of 30

Takdang-Aralin

Itanong sa mga magulang ninyo ang kanilang reaksyon sa isyu.

Isyu:

Ang sayaw na Kuratsa ay sayaw sa pagdiriwang kasal para ang mga kaanak ng mga ikinasal ay maghandog ng pera.