1 of 33

Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

FILIPINO 1

Quarter 2 Week 8

2 of 33

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang kuwento sa tulong ng larawan at pamatnubay na tanong.

3 of 33

Ang mga pangyayari sa kuwento ay napagsusunod sunod sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitáng pang-ugnay tulad ng una, pangalawa, sunod, pagkatapos, at huli.

4 of 33

Ang Dagang Mahilig sa Keso

Halaw sa Kuwento ni Ofelia Concepcion Inilathala ng: The Bedtime Stories in Full Color

Teacher Arlene

5 of 33

Si Bubuwit ay isang makulit na daga. Mahilig siyang kumain ng keso. Ang kaniyang tatay ay nagtatrabaho sa pabrika ng keso kaya laging may baong keso si Bubuwit sa paaralan.

Teacher Arlene

6 of 33

Mahal na mahal si Bubuwit ng kaniyang mga magulang. Maginhawa ang buhay ni Bubuwit. Lahat ng kanilang pangunahing pangangailangan ay natutugunan.

Teacher Arlene

7 of 33

Isang araw, natanggal sa trabaho ang ama ni Bubuwit. Dahil sa sama ng loob, ito ay nagkasakit.

Teacher Arlene

8 of 33

Lahat ng kanilang naipon ay pinambayad at ibinili ng gamot hanggang sa wala na silang makain. Hindi nawalan ng pag-asa ang nanay ni Bubuwit.

Teacher Arlene

9 of 33

Siya muna ang naghanapbuhay para sa kanilang pamilya, habang si Bubuwit ay nag-aaral nang mabuti at tumutulong din sa mga gawaing bahay.

Teacher Arlene

10 of 33

Makalipas ang ilang buwan ay gumaling ang tatay ni Bubuwit. Siya ay muling nagkaroon ng maayos na hanapbuhay. Naging maayos ang buhay ng pamilya ni Bubuwit.

Teacher Arlene

11 of 33

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Sagutin ang mga tanong tungkol sa kuwento. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

12 of 33

  1. Ano ang trabaho ng tatay ni Bubuwit?

A. gumawa ng keso

B. gumawa ng kape

C. gumawa ng tinapay

13 of 33

2. Sino ang nagtatrabaho sa pabrika ng keso?

A. kuya ni Bubuwit

B. ate ni Bubuwit

C. tatay ni Bubuwit

14 of 33

3. Saan lagi nagdadala ng baong keso si Bubuwit?

A. sa bukid

B. sa paaralan

C. sa palengke

15 of 33

4. Ano ang nangyari ng matanggal sa trabaho ang Tatay ni Bubuwit?

A. yumaman

B. yumabong

C. nagkasakit

16 of 33

5. Ano ang pamagat ng kuwento?

A. Ang Dagang Mahilig sa Keso

B. Ang Dagang Mahilig sa Kape

C. Ang Dagang Mahilig sa Tinapay

17 of 33

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Gámit ang mga larawan, sa ibaba, pagsunod-sunurin ang mga ito upang makabuo ng maikling kuwento. Maaaring gumamit ng salitáng pang-ugnay tulad ng una, pangalawa, sunod, pagkatapos, at huli.

18 of 33

Una ay maaga akong gumigising at nagliligpit ng hinigaan.

Pangalawa ay kakain na ako ng almusal.

Sunod ay maliligo ako at magsisipilyo.

Huli magbibihis ng uniporme at papasok sa paaralan.

19 of 33

Teacher Arlene

Ang Karera ni Pagong at Kuneho

20 of 33

Teacher Arlene

Isang Linggo ng umaga, sina Pagong at Kuneho ay nagkita. “Kaibigang Pagong, ano kaya kung magkarera tayo?” wika ni Kuneho. “O sige, “ tugon ni Pagong.

21 of 33

Teacher Arlene

“Hanggang saan ang ating tatakbuhin?” tanong ni Pagong. “Hanggang sa punong iyon sa tabi ng bundok. O, hala handa, takbo!” ang tugon ni kuneho.

22 of 33

Teacher Arlene

Mabilis ang takbo ni Kuneho. Naging malayo ang agwat niya kay Pagong.

23 of 33

Teacher Arlene

Mabagal tumakbo si Pagong, “matutulog muna ako,” wika ni Kuneho.

24 of 33

Teacher Arlene

“Ay! Nahimbing ako! Nasaan na kaya si Pagong! Aba! Hayun na siya. Sayang! Kung di ako nakatulog, ako sana ang panalo.”

25 of 33

Kahit na mabagal kung matiyaga, matatapos din ang iyong ginagawa.

Teacher Arlene

26 of 33

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Batay sa napakinggang kuwento, sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

27 of 33

1. Alin ang unang nangyari sa kuwento?

A. “Kaibigang Pagong, ano kaya kung magkarera tayo?” wika ni Kuneho.

B. “Hanggang saan ang ating tatakbuhin?” tanong ni Pagong.

C. Isang Linggo ng umaga, sina Pagong at Kuneho ay nagkita.

28 of 33

2. Alin ang huling nangyari sa kuwento?

A. Mabagal tumakbo si Pagong, “matutulog muna ako,” wika ni Kuneho.

B. Mabilis ang takbo ni Kuneho. Naging malayo ang agwat niya kay Pagong.

C. Kahit na mabagal kung matiyaga, matatapos din ang iyong ginagawa.

29 of 33

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari upang makabuo ng malinaw na kuwento. Lagyan ng bílang 1–5 ang patlang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

30 of 33

____ 1. Namasyal ang magkakaibigan sa parke.

____ 2. Natutuhan nila na mahalaga ang pagsunod sa mga babala.

____ 3. May nakita siláng karatula na “Bawal Magbisikleta”.

____ 4. May batang hindi sumunod sa babala.

____ 5. Hinuli ng pulis ang batang hindi sumunod sa babala.

1

2

3

4

5

31 of 33

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Maghanap ng larawan ng anomang uri ng hayop na matatagpuan sa inyong lugar. Gupitin at idikit ito sa iyong kuwaderno. Bumuo ng kuwento mula sa larawan.

32 of 33

33 of 33

Binabati kita! Natapos mo na �ang Ika-8 Linggo sa Ika-2 Markahan ng ating aralin!