1 of 42

Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Quarter 4 Week 1 Day 4

Saknong 1-6

2 of 42

Ang Ibong Adarna ay isang klasikong akdang pampanitikan na puno ng mahahalagang elemento na nagpapayaman sa kwento. Sa pag-aaral ng tauhan, tagpuan, at tunggalian, mas nauunawaan natin ang kabuuang diwa ng akda.

Maikling Balik-aral

3 of 42

Tauhan – Ang mga pangunahing tauhan tulad nina Don Juan, Don Pedro, Don Diego, Haring Fernando, Reyna Valeriana, at Ibong Adarna ay may kanya-kanyang papel sa pag-usad ng kwento. Ipinapakita rito ang iba't ibang katangian ng isang bayani (Don Juan) at ang epekto ng kasakiman at inggit (Don Pedro at Don Diego).

Tunggalian – May iba't ibang tunggalian sa akda, tulad ng tao laban sa tao (Don Juan laban sa kanyang mga kapatid), tao laban sa sarili (mga pagsubok at sakripisyo ni Don Juan), at tao laban sa kalikasan (ang paghahanap sa Ibong Adarna). Ipinapakita rito ang kahalagahan ng tiyaga, kabutihang-loob, at katarungan.

Tagpuan – Ang kwento ay naganap sa Kaharian ng Berbanya, Bundok Tabor, at iba pang mahiwagang lugar. Ang bawat tagpuan ay may mahalagang papel sa paglalakbay ni Don Juan at sumisimbolo sa pagsubok na kanyang hinaharap.

4 of 42

Sa kabuuan, ang Ibong Adarna ay hindi lamang isang kuwento ng pakikipagsapalaran kundi isang salamin ng buhay at katangian ng tao—ang laban sa kasamaan, ang pagharap sa pagsubok, at ang paghahanap ng katarungan.

5 of 42

1.Matukoy ang mahahalagang tauhan sa Ibong Adarna at mailarawan ang kanilang papel sa kwento.

2.Mailarawan at maipaliwanag ang mga tagpuang ginamit sa kwento at ang simbolismo ng mga ito.

3.Masuri ang iba't ibang uri ng tunggalian sa kwento at ang epekto nito sa mga tauhan at sa kabuuang daloy ng kwento.

4.Maiugnay ang mga elemento ng akda sa mga tunay na pangyayari sa buhay at lipunan.

5.Makabuo ng malikhaing presentasyon upang ipakita ang pag-unawa sa tauhan, tagpuan, at tunggalian sa kwento.

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Layunin ng Aralin:

6 of 42

Unlocking Content Vocabulary: Elemento ng Obra – Ibong Adarna

(Tauhan, Tagpuan, at Tunggalian)

7 of 42

Upang mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa Ibong Adarna, mahalagang bigyang-diin ang mahahalagang salita na may kaugnayan sa mga elemento ng akda. Narito ang ilang mga terminong dapat maunawaan:

8 of 42

C. Tunggalian (Conflict)

11. Tunggalian (Conflict) – Ang labanan o pagsubok na kinakaharap ng tauhan sa kwento.

Halimbawa: Ang tunggalian sa Ibong Adarna ay hindi lamang laban ng tauhan kundi pati na rin laban sa sarili at sa kalikasan.

14. Tao laban sa Kalikasan (Man vs. Nature) – Isang uri ng tunggalian kung saan kailangang pagtagumpayan ng bida ang mga balakid sa kapaligiran.

Halimbawa: Ang paglalakbay ni Don Juan sa malalayong lugar at ang pagharap sa matinding gutom at uhaw ay isang halimbawa ng "tao laban sa kalikasan."

13. Tao laban sa Sarili (Man vs. Self) – Isang uri ng tunggalian kung saan ang bida ay may hinaharap na panloob na pagsubok o desisyon.

Halimbawa: Nakaranas ng tunggalian si Don Juan nang siya ay nagdalawang-isip kung susuko o ipagpapatuloy ang kanyang paghahanap sa Ibong Adarna.

15. Tao laban sa Tadhana (Man vs. Fate) – Isang uri ng tunggalian kung saan sinusubok ng kapalaran o mahiwagang pwersa ang bida.

Halimbawa: Sa Ibong Adarna, tila itinakda ng tadhana na si Don Juan ang makahanap ng mahiwagang ibon at hindi ang kanyang mga kapatid.

12. Tao laban sa Tao (Man vs. Man) – Isang uri ng tunggalian kung saan ang bida ay nakikipaglaban sa isa pang tauhan.

Halimbawa: Ang inggit nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan ay isang halimbawa ng tunggalian ng "tao laban sa tao."

9 of 42

D. Pagsasanay:

Paggamit ng Talasalitaan sa Pangungusap

    • Tauhan – Ang pangunahing tauhan sa kwento ay si Don Juan, na lumaban sa maraming pagsubok upang makamit ang kanyang layunin.
    • Tunggalian – Ang pangunahing tunggalian sa akda ay nag-ugat sa inggit ng dalawang kapatid ni Don Juan.
    • Tagpuan – Ang Bundok Tabor ay isang mahalagang tagpuan sa kwento dahil dito matatagpuan ang mahiwagang Ibong Adarna.
    • Antagonista – Sina Don Pedro at Don Diego ay mga antagonista dahil sila ay humadlang sa tagumpay ni Don Juan.
    • Simbolismo ng Tagpuan – Ang kaharian ng Berbanya ay sumisimbolo sa kapangyarihan, habang ang Bundok Tabor ay sumisimbolo sa mahahalagang pagsubok sa buhay.

💡 Halimbawa:

10 of 42

Ang pag-unawa sa mga tauhan, tagpuan, at tunggalian sa Ibong Adarna ay mahalaga upang lubos nating maunawaan ang kwento at ang aral na nais nitong iparating. Sa pamamagitan ng mga mahahalagang salitang ito, mas mauunawaan natin ang koneksyon ng akda sa ating kultura, kasaysayan, at buhay.

Konklusyon

11 of 42

B. Mga Tagpuan

Bundok Tabor- dito naninirahan ang Ibong Adarna

Berbanya- Kaharian ni Haring Fernando

Bundok Armenya - nanirahan si Don Juan

Mahiwagang Balon- may kaharian ng dalawng magkapatid na prinsesa

Reyno Delos Crystal- Kaharian ni Maria Blanka at Haring Salermo

12 of 42

C. May Akda

Ibong Adarna 'ay isang Epic tula tula na isinulat ng Francisco' Balagtas 'Baltazar tungkol sa isang eponymous mahiwagang ibon. Ang long form ng titulo sa Kasaysayan ng Pilipinas (1521-1898) | Era ng Espanyol] ay "Corrido sa Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng anak ng Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania" (Filipino para sa "Corrido at Buhay na Nabuhay ng Tatlong Princes, mga anak ni Haring Fernando at Queen Valeriana sa Kaharian ng Berbania ").

13 of 42

Ang Ibong Adarna ay isinulat bilang isang korido o isang uri ng awit bilang panalanging iniaalay sa Birheng Maria.

Ang salitang "Korido" ay nagmula sa Mehikanong salita na "occurido" na nangangahulugang "mga pangyayaring naganap na". Ang salitang Mehikanong "ocorrido" naman ay mula sa Kastilang "corridor." Ang korido ay isang uri ng tulang pasalaysay na romansa na naglalarawan ng mga pakikipagsapalaran sa buhay na may kinalaman sa kababalaghan at pantasya. Ito rin ay nagpapakita ng kagitingan, kabayanihan, at pagkamaharlika.

Ang Ibong Adarna bilang isang Korido

14 of 42

May dalawang pangunahing uri ng tulang pasalaysay: ang awit at korido. Sa awit, ang sukat ng bawat saknong ay lalabindalawahing pantig (12 syllables). Karaniwang mabagal ang pagbigkas o pag-awit nito, kaya't ito ay may pagkamadamdamin (andante). Ang paksa nito ay malapit sa kasaysayan, kaya't higit na makatotohanan. Bukod dito, ang awit ay kilala sa pagiging buhay at masigla ang damdamin.

Sa kabilang dako, ang korido ay isang anyo ng tulang Espanyol. Sa korido, ang sukat ng bawat linya sa isang saknong ay wawaluhing pantig (8 syllables). Mabilis ang pag-awit o pagbigkas nito (allegro) tulad sa mabilis na pagsasalaysay.

Ang Ibong Adarna bilang isang Korido

15 of 42

Karaniwang ang paksa nito ay mga alamat at pantasya, at kung minsan ay may kapangyarihang supernatural ang mga tauhan. May malalim na damdaming relihiyoso ang korido.

Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at ang katutubo. Dayuhan ang (1) anyong pampanitikan na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at sundong Kastila; (2) ang mga tauhan, na may prinsipe at prinsesang may mga pangalang dayuhan; (3) ang tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian sa Europa; at (4) ang paksang relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng anyong pampanitikang ito.

Ang Ibong Adarna bilang isang Korido

16 of 42

Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng katutubong pagkamalikhain. Katutubo ang (1) wikang ginagamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa pagtula na dati nang ginagamit sa panitikang salimbibig, tulad ng bugtong, sawikain, at iba pa; (3) ang mga talinghagang likas sa wika; at (4) ang mga pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno,tulad ng pagmamahal sa magulang, pagtulong sa nangangailangan at iba pa.

Noong 1949, sa pamamagitan ng matiyaga at masusing pag-aaral ni Marcelo P. Garcia ng iba’t ibang sipi ng Ibong Adarna ay isinaayos niya ang pagkakasulat ng kabuoan ng akda partikular ang sukat at tugma ng bawat saknong. Sa kasulukuyan, ang kanyang isinaayos na sipi ang karaniwang ginagamit sa mga paaralan at palimbagan.

Ang Ibong Adarna bilang isang Korido

17 of 42

Ang orihinal na pamagat ng Ibong Adarna ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania.

18 of 42

    • Ang orihinal na bersiyong nakarating sa Pilipinas ay mayroong 1,056 na saknong at ang kabuuan ng aklat ay mayroong 48 na pahina.
    • Dahil sa mga aral na makukuha sa korido ay ginawa itong kabahagi ng pag-aaral ng mga kabataan at isa sa mga akdang pampanitikang tinatalakay sa hayskul.

19 of 42

Taglay ng Ibong Adarna ang motif cycle na karaniwang matatagpuan sa mga kuwentong-bayan:

1. May sakit ang amang/inang hari/reyna, isang mahiwagang bagay lamang ang lunas

2. Maglalakbay ang tatlong anak na prinsesa/prinsipe upang hanapin ang lunas

3. Magtatagumpay ang bunso dahil sa kanyang likas na kabutihan at pagkamatulungin

4. Aagawin ng mga nakatatandang kapatid ang nahanap niyang lunas at karangalan, pahihirapan siya, ngunit magtatagumpay rin sa huli

5. Makauuwi siya at gagaling ang may sakit na magulang

20 of 42

IBONG ADARNA

PINAGMULAN

ISTRAKTURA

NILALAMAN

 

 

 

b. Korido-Kumento

Itala ang mga mahahalagang kaisipan kaugnay sa pagkakasulat ng Obra Maestrang Ibong Adarna batay sa pinagmulan, istraktura at nilalaman nito.

21 of 42

Paglalapat at Pag-uugnay

22 of 42

1. Inilarawan sa akda ang tauhang nagsasalita, ano ang kanyang katangian batay sa binasa?

2. Ang akda ay nagpapakita ng matinding panalangin sa Birheng Maria, ano ang kanyang kahilingan sa kanyang paglalakbay?

3. Anong damdamin ang namayani sa akda at bakit ito ang damdaming namayani sa akda?

4. Anong kaugalian ng mga Pilipino ang ipinapakita sa akda?

5. Ano ang pangkalahatang mensaheng nais ipabatid ng akda?

Tanong-Sagot

23 of 42

Ipinahayag ng makatang si Virgilio Almario (2006) na ang paggamit ng terminong “Korido” ay waring pagtatangkang tabunan ang katutubong tulang Dalit na may wawaluhin ding pantig bawat taludtod at binubuo ng apat na taludtod. Dagdag pa ni Almario, sa Compendio del arte de la lengua tagala (1703) ni Fray Gaspar de San Agustin, nakasaad na popular ang Dalit sa mga Tagalog at ginagamit nila ito upang ipahayag ang kanilang “matatayog na kaisipan at mabibigat na damdamin”.

Narito ang halimbawa ng sinaunang Dalit:

Caloloua co’y, hogasan

pacalinisi’ t sosian

pauian mo ri’t, alisan

domi’t, libag, casalanan

Ang Katutubong Tulang Dalit

24 of 42

May paksang panrelihiyon din ang tula na nagsasabing ang tao ay makasalanan at kailangang linisin ang kaluluwa upang makarating sa buhay na walang hanggan.

Noong 2003 ay muling binuhay ang tulang Dalit ng Institute of Creative Writing ng UP Diliman at ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa pamamagitan ng DALITEXT na isang patimpalak gamit ang text messaging sa cellphone. Ilan sa mga nagwaging Dalit ay ang mga sumusunod:

Ang Katutubong Tulang Dalit

25 of 42

Ang punong mangga’y tinagpas

At sinilaban ang ugat;

Bunga’y nalaglag, naagnas

Namula’t naging mansanas

(Vladimeir Gonzalez)

Buhok man ay nagkulay tsok

Lalamunan ma’y napaos

Walang lubay sa paghubog

Ng magiging manunubos

(Gregorio Rodillo)

Ang Katutubong Tulang Dalit

Langgam, langgam kagatin mo

Ang singit ng pulitiko;

Asam-asam, aming boto

Pag nanalo, lustay pondo

(Joel Costa Malabanan)

Nagkakalyo na ang tuhod

Sa Quiapo’y luhod nang luhod

Mga kandila ay tuod

Sinasamba pala’y uod.

(Michael Andrada)

26 of 42

Sa panahon ng pandemya ng Covid 19 noong 2020, ang Foundation AWIT, isang non-profit organization na ang layon ay mapabuti ang kalusugan, edukasyon, at pagkamalikhain ng kabataang may kapansanan ay naglunsad ng patimpalak na tinawag nilang CoviDalit (Nadera, 2020). Narito ang ilan sa mga piyesa:

Ang Katutubong Tulang Dalit

Linya ba ang nagtatakda

Sa bawat hakbang ng madla?

Distansya nga’y ‘sang sandata

Sa kalabang di makita.

(Joan Christine Zuniga)

Walang pinipiling bihis

Kayang ibigay ang nais;

Tumindig sa bawat krisis

Kayang dagdagan ang labis!

(Virgilio Gervacio)

27 of 42

Sa pangkalahatan, ang tulang may walong pantig bawat taludtod, korido man o dalit ay may mahalaga pa ring papel sa kasalukuyan sa paglalahad ng saloobin at pagtatala ng mga nagaganap na kapaki-pakinabang upang tayo ay matuto at makapagsuri sa lipunan.

Ang Katutubong Tulang Dalit

28 of 42

Gawing gabay ang konsepto sa pagtalakay at lubos na pagpapahalaga sa natutuhan sa aralin.

Pabaong Pagkatuto

HAGDAN NG PAGKATUTO:

Balikang muli ang napag-aralan upang iugnay ang iba pang konsepto at kaisipan. Isulat sa hagdan ang mga natutunan kaugnay sa Ibong Adarna.

29 of 42

I-FLEX KO: Dugtungan ang mga pahayag batay sa iyong naging karanasan sa pagtalakay sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Obra Maestrang Ibong Adarna.

1. Pagninilay sa Pagkatuto

30 of 42

Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.

Panuto

31 of 42

1. Ano ang pangalan ng kaharian kung saan nagsimula ang kwento ng Ibong Adarna?

a) Albanya

b) Krotona

c) Berbanya

d) Reyno de los Cristales

32 of 42

2. Saan matatagpuan ang Ibong Adarna?

a) Bundok Apo

b) Bundok Tabor

c) Palasyo ng Reyna

d) Kagubatan ng Krotona

33 of 42

3. Ano ang simbolismo ng kagubatan sa kwento?

a) Isang lugar ng pagsubok at pagbabago

b) Isang paraiso kung saan natagpuan ni Don Juan ang Ibong Adarna

c) Isang masayang lugar kung saan nagdiwang sina Don Pedro at Don Diego

d) Isang lungsod na puno ng mga maharlikang pamilya

34 of 42

4. Anong uri ng tunggalian ang ipinakita sa hidwaan nina Don Juan at ng kanyang mga kapatid?

a) Tao laban sa Tao

b) Tao laban sa Sarili

c) Tao laban sa Kalikasan

d) Tao laban sa Tadhana

35 of 42

5. Ano ang pangunahing suliraning kinaharap ni Don Juan sa kanyang paglalakbay?

a) Ang paninibugho ng kanyang mga kapatid

b) Ang kawalan ng tiwala ng kanyang ama

c) Ang kakulangan ng lakas upang hulihin ang Ibong Adarna

d) Ang kawalan ng pagkain at tubig sa kanyang paglalakbay

36 of 42

ANSWER KEY

37 of 42

1. Ano ang pangalan ng kaharian kung saan nagsimula ang kwento ng Ibong Adarna?

a) Albanya

b) Krotona

c) Berbanya

d) Reyno de los Cristales

38 of 42

2. Saan matatagpuan ang Ibong Adarna?

a) Bundok Apo

b) Bundok Tabor

c) Palasyo ng Reyna

d) Kagubatan ng Krotona

39 of 42

3. Ano ang simbolismo ng kagubatan sa kwento?

a) Isang lugar ng pagsubok at pagbabago

b) Isang paraiso kung saan natagpuan ni Don Juan ang Ibong Adarna

c) Isang masayang lugar kung saan nagdiwang sina Don Pedro at Don Diego

d) Isang lungsod na puno ng mga maharlikang pamilya

40 of 42

4. Anong uri ng tunggalian ang ipinakita sa hidwaan nina Don Juan at ng kanyang mga kapatid?

a) Tao laban sa Tao

b) Tao laban sa Sarili

c) Tao laban sa Kalikasan

d) Tao laban sa Tadhana

41 of 42

5. Ano ang pangunahing suliraning kinaharap ni Don Juan sa kanyang paglalakbay?

a) Ang paninibugho ng kanyang mga kapatid

b) Ang kawalan ng tiwala ng kanyang ama

c) Ang kakulangan ng lakas upang hulihin ang Ibong Adarna

d) Ang kawalan ng pagkain at tubig sa kanyang paglalakbay

42 of 42

Thank You