1 of 19

2 of 19

ARALIN 22: WEEK 2, DAY 1

3 of 19

BAHAGINAN

Ang tema ngayong linggo ay tungkol pa rin sa mga paniniwala at tradisyon. Naalala pa ba ninyo ang matandang paniniwala?

Mag-isip kayo ng halimbawa ng matandang paniniwala.

4 of 19

BAHAGINAN

Maaari ninyong gamitin ang panimulang ito:

Isang matandang paniniwala na alam ko ay

_____________________.

5 of 19

BAHAGINAN

Ano naman ang tradisyon? Mag-isip ng halimbawa ng isang tradisyon. Maaari ninyong gamitin ang panimulang ito:

Isang tradisyon na alam ko ay _________________.

6 of 19

PAGHAWAN NG BALAKID

Basahin ang mga sumusunod:

pinanggalingan peligro masagana

7 of 19

PAGHAWAN NG BALAKID

Sabi ni Rizal, ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan. Kaya’t tinanong ko ang nanay ko kung saan at ano ang pinanggalingan ng aming pamilya. Sabi niya, ang pamilya raw namin ay mula sa angkan ng mga magsasaka at ang pinakamatandang ninuno na nalalaman niya ay ipinanganak at namuhay sa bayan ng Apalit sa Pampanga. Kung gayon, ang pamilya ng magsasaka na mula Pampanga ang pinanggalingan ko.

pinanggalingan

8 of 19

PAGHAWAN NG BALAKID

Ano ang mga salita na nagpapahiwatig ng kahulugan ng pinaggalingan?

Ano ang salitang-ugat ng salitang pinanggalingan?

Ano pa ang ibang salita sa salitang “galing”?

Kung gayon, alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng pinanggalingan?

  1. Pinagmulan
  2. Pinaglimutan
  3. Pinag-kaisahan

9 of 19

PAGHAWAN NG BALAKID

Pinagbabawalan ng prinsipal na maglaro ang mga mag-aaral sa tabi ng ilog para makaiwas sa peligro. Ayaw niyang malagay sa panganib ang mga bata, dahil baka may mahulog sa ilog at malunod.

Salitang hiram mula sa Kastila ang salitang peligro. Narinig na ba ninyo ang salitang ito? Ano ang peligrong nabanggit tungkol sa ilog?

Ano ang kahulugan ng peligro?

  1. Hiwaga
  2. Panganib
  3. Kapangyarihan

peligro

10 of 19

PAGHAWAN NG BALAKID

Binisita ng magsasakang si Mang Juan ang kaniyang bukid. Tuwang-tuwa siya kasi maraming bunga ang tanim niyang mga kalabasa, patola, sitaw, at ampalaya. “Siguradong masagana ang ani ngayong taon,” sabi niya. “At magiging masagana rin ang buhay ng pamilya ko.”

Ano ang salita ang inilalarawan ng pang-uri na masagana?

Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng masagana?

  1. Matabang – mataba
  2. Maraming – marami
  3. Mahabang – mahaba

masagana

11 of 19

Pangganyak at Pangganyak na Tanong

Noong isang linggo, binasa ko sa inyo ang kuwento ni Maria Makiling. Ngayon, aalamin ko kung ano-ano ang naaalala ninyo tungkol sa kaniya? K – W – L Chart

K

Ang alam ko tungkol kay Maria Makiling

(What I Know)

W

Ang gusto kong malaman tungkol sa kaniya

(What I Want to Know)

L

Ang natutuhan ko tungkol kay Maria sa kuwento

(What I Learned)

12 of 19

PAGBASA NG GURO SA KUWENTO

13 of 19

PAGTALAKAY SA KUWENTO

Ano-ano ang natutuhan ninyo tungkol kay Maria? Pag-usapan ninyo ng inyong katabi.

Tatawag ako maya-maya ng magsusulat ng inyong sagot dito sa ikatlong hanay ng K – W – L Chart.

14 of 19

KATOTOHANAN O KATHANG-ISIP?

Pag-isipan natin ang kuwento ni Maria. Maaaring ang ibang bahagi ay totoo o talagang nangyari, samantalang ang iba naman ay maaaring kathang-isip lamang.

Ano ang ibig sabihin ng kathang – isip?

Kathang-isip – ginawa o nilikha lang

ng sumulat.

Mula lamang ito sa kaniyang isip o

imahinasyon at hindi ito tunay na

naganap.

15 of 19

KATOTOHANAN O KATHANG-ISIP?

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap tungkol kay Maria. Sabihin kung alin ang totoong nangyari at alin ang kathang – isip lamang:

  1. Alam ng maraming tao sa Pilipinas ang kuwento tungkol kay Maria Makiling.
  2. Nagalit at pinarusahan ni Maria

ang mga nanligaw sa kanya.

16 of 19

KATOTOHANAN O KATHANG-ISIP?

3. Nag-asawa ng iba ang manliligaw na mangangaso ni Maria.

4. May bersiyon ng kuwento tungkol kay Maria Makiling na isinalaysay ni Jose Rizal.

5. Nalungkot si Maria nang hindi siya pinakasalan ng mga nanligaw sa kaniya.

17 of 19

SANHI AT BUNGA

Idugtong sa pangungusap ang sanhi o dahilan ng sumusunod na pangyayari:

Hindi natuloy ang pag-iibigan nina Maria at ng mangangaso dahil _______________.

Hindi natuloy ang pag-iibigan nina

Maria at ng magsasaka dahil _____.

18 of 19

TAKDANG - ARALIN

Kunwari kayo ang manunulat. Gusto ninyong sumulat ng ibang bersiyon ng pag-ibig ni Maria Makiling. Isulat ito at pag-uusapan natin bukas. Maaaring punan ang mga pangungusap sa ibaba:

Niligawan si Maria ng isang_________.

Masayang-masaya sila at nagplanong magpakasal.

Ngunit, _________________________.

____________________ si Maria.

19 of 19