THIRD QUARTER ESP �WEEK 2
DAY 1
ARALIN 2�KALUGOD-LUGOD ANG PAGSUNOD�
DAY2
Sitwasyon 3 Ang bilin sa iyo ng mga nakatatanda ay magpasalamat sa mga biyayang ibinibigay sa iyo. Isang araw, gustong-gusto mong magkaroon ng magandang manika. Dumating ang iyong Tiyo na may dalang pasalubong para sa inyong magkapatid. Binigyan ka ng magandang bag at ang kapatid mo naman
ay binigyan ng isang magandang manika na gustong-gustomo.Anoangdapat mong
gawin?
DAY 3
Gawain 1
Magbalik-tanaw. Mag-isip ng isang tagubilin ng nakatatanda na hindi mo nasunod. Gumawa ng isang card na nagsasaad ng pagsuway mo noon sa isang tagubilin, ang naging epekto nito sa iyo at kung ano ang gagawin mo mula ngayon. Ibigay ito sa taong nagbigay sa iyo ng tagubilin.
Gawain 2
Magtanong sa inyong mga magulang at mga kasambahay na nakatatanda kung ano-ano ang kanilang mga tagubilin. Igawa ito ng talaan. Dalhin at iulat ito sa klase kinabukasan.
Tandaan Natin:
Ang mabuting kaugalian ng mga Pilipino tulad ng pagsunod sa tamang tagubilin o paalaala ng mga nakatatanda ay hindi natin dapat kalimutan. Atin itong isabuhay at pahalagahan
Isa sa maipagmamalaki natin bilang Pilipino ay ang pagiging masunurin. Iminulat tayo sa kaisipang dapat nating sundin ang mga tagubilin o paalala ng mga nakatatanda sa atin sapagkat sila ay may higit na karanasan sa atin na nagsisilbing karagdagan sa kanilang kaalaman. Ang mga pangyayaring nararanasan natin ay
maaari na nilang napagdaanan kung kaya’t mayroon na silang sapat na kaalaman sa kung ano ang higit na tamang desisyon. Ang pagsunod natin sa kanila ay tanda
ng paggalang sa mga nakatatanda.
Subalit may mga pagkakataong labag sa atin ang pagsunodoayawnatingsundinangkanilangutos.Ngunit hindi tayo dapat magdabog sa halip sabihin natin ang tamang dahilan nang maayos.
Dapat nating matutuhang timbangin ang mga tagubiling ibinibigay sa atin. Lagi nating isaisip na ang magiging desisyon natin ay magdudulot ng kabutihan sa lahat.
DAY 4
Gamit ang talaan ng mga tagubilin na ibinigay ng mga nakatatanda, suriin kung tama ang kanilang mga tagubilin.
Gumawa ng talaan tulad ng nasa ibaba. Kulayan ng pula ang tapat ng tagubilin kung ito ay nasunod mo. Obserbahan ang iyong sarili sa loob ng isang buwan. Sa isang araw na may nagawa kang pagsunod, palagyan ito ng lagda sa ilalim ng talaan bawat araw.
DAY 5
Naisagawa mo nang maayos ang mga gawain sa araling ito. Binabati kita. Maaari mo nang gawin ang susunod na aralin.