1 of 50

MTB MLE 2

Quarter 2 Week 7-8

Pagsusulat ng Talata at Liham Gamit ang

Kabit-kabit na Estilo

2 of 50

Mahusay ka na bang sumulat?

Paano mo isinusulat ang mga letra at mga salita?

Layunin

3 of 50

Sa linggong ito, pag-aaralan mo ang pagsusulat gamit ang kabit-kabit na estilo o tinatawag sa Ingles na cursive o longhand writing.

4 of 50

Ito ang paraan na gagamitin mo sa pagkopya o pagsusulat ng mga salita.

5 of 50

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang nakakokopya o nakasusulat ng salita, grupo ng mga salita, at pangungusap gamit ang tamang espasyo, bantas, at iba pang mekaniks.

6 of 50

Inaasahan din na makasusulat ka ng talata at liham na may pagsunod sa porma at mekaniks.

7 of 50

Ang nasa itaas ay ang mga letra sa Alpabetong Filipino. Inilimbag ang mga letra gamit ang kabit-kabit o cursive na estilo.

8 of 50

Mula sa mga letra, makabubuo ka ng mga salita, grupo ng mga salita o pangungusap tulad ng nasa ibaba.

9 of 50

Kopyahin ang mga salita sa ibaba. Maglaan ng tamang espasyo sa bawat salita. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

10 of 50

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

nanay

11 of 50

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

aso

12 of 50

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

mabait

13 of 50

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

tatay

14 of 50

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

pusa

15 of 50

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

maganda

16 of 50

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

ate

17 of 50

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

ibon

18 of 50

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

maamo

19 of 50

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

Kopyahin ang mga grupo ng salita at pangungusap sa ibaba. Sundin ang pagkakasulat ng malalaki at maliliit na letra. Maglaan ng tamang espasyo sa bawat salita. Kopyahin ang bantas. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

20 of 50

mabait na tatay

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

1.

21 of 50

maamong pusa

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

2.

22 of 50

magandang ibon

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

3.

23 of 50

Ang nanay ko ay maganda.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

4.

24 of 50

Ang kuya ko ay may alagang ibon.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

5.

25 of 50

Maliban sa pagsusulat ng mga salita at pangungusap, ginagamit din ang kabit-kabit sa pagsusulat ng talata at liham.

26 of 50

Sinasabing mainam na marunong kang magsulat sa ganitong estilo upang mas mahasa ang iyong kakayahang mag-isip. Napauunlad rin nito ang iyong kakayahang motor o pagkilos.

27 of 50

Ako si Michelle M. Santos. Ako ay pitong taong gulang. Ang nanay ko ay si Rochelle M. Santos. Ang tatay ko naman ay si Michael B. Santos. Mayroon akong dalawang kapatid. Ang pangalan nila ay Mike at Che. Mahal namin ang isa’t-isa.

Ikaw, kaya mo rin bang ipakilala ang iyong pamilya?

Tingnan ang halimbawa sa ibaba.

28 of 50

Mapapansin sa halimbawa na nakasulat sa malalaking letra ang bawat simula ng pangungusap.

29 of 50

Malalaking letra rin ang simula ng pangalan ng tao. Ganito rin sa iba pang tiyak na pangalan ng hayop, bagay, lugar at pangyayari.

30 of 50

Tinatapos ang bawat pangungusap sa bantas na tuldok (.). Kuwit (,) naman kapag may kasunod pa. Ginagamit naman

ang tandang pananong (?)

kung ang pangungusap ay

isang tanong.

31 of 50

Isulat ang talata sa ibaba sa estilong kabit-kabit. Iayos ang hindi tamang pagkakagamit ng malalaki at maliliit na letra, espasyo at bantas. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

E.Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

32 of 50

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

Ako si max, mag-aaral sa ikalawang baitang. Paborito ko ang magbasa ng mga aralin Maaga akong naliligo tuwing umaga? Pagkatapos kumain ay agad kong sinisimulan ang pagbabasa. Tumutulong din ako sa mga gawaing bahay. Ako ang naghuhugas ng pinagkainan.

33 of 50

Sa pagsusulat naman ng liham ay may tinatawag na porma at mekaniks. May dalawang uri ng porma ng pagsulat ng liham:

pormal at di-pormal.

34 of 50

Ngayong ikaw ay nasa ikalawang baitang pa lamang, pag-aaralan mo muna ang pormang di-pormal. Ginagamit ito sa pagsulat ng liham pakikipagkaibigan.

35 of 50

Mekaniks naman ang tawag sa tamang pagsusulat ng malalaki at maliliit na letra.

36 of 50

Malaki kapag umpisa ng pangungusap at pangngalang pantangi o tiyak katulad ng sa tao, hayop, bagay at pangyayari. Kasama rin sa mekaniks ang paggamit ng tamang bantas.

37 of 50

Ang mga bahagi ng liham ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ay:

1. petsa na nasa kanang bahagi;

Enero 5, 2021

38 of 50

2.bating panimula sa may kaliwa na naglalaman ng pangalan ng sinusulatan;

Mahal kong Fred,

39 of 50

3. katawan ng liham o ang nilalaman,

Sumulat ako upang kumustahin ka. ... Patuloy kang mag-iingat..

40 of 50

4. bating pangwakas at

5. lagda o pangalang ng sumulat

Gumagalang,

Leo M. Cruz

41 of 50

Enero 5, 2021

Tingnan ang halimbawa sa ibaba.

Mahal Kong Fred,

Sumulat ako upang kumustahin ka. Nawa ay nasa mabuti kang kalagayan at ang iyong pamilya. Nais kong magpasalamat dahil napakabuti mong kaibigan. Sana ay matapos na ang pandemya upang makabalik na tayo sa pag-aaral sa paaralan.

Patuloy kang mag-iingat..

Gumagalang,

Leo M. Cruz

42 of 50

Isulat ang Tama kung wasto ang pagkakasulat ayon sa laki o liit ng letra at bantas ng mga salitang may salungguhit. Isulat naman ang Mali kung hindi ito tama. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

E. Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

43 of 50

Enero 7, 2021

Mahal kong 1. Annie,

Sumulat ako sa iyo upang batiin ka ng isang 2. maligayang kaarawan? Dalangin ko para sa iyo ang patuloy na pagpapala ng Panginoon.

Palagi kong naaalala ang mga pag-uusap natin. Nakalulungkot ako dahil hindi na natin ito magawa dahil 3. bawal sa banta ng COVID-19

4. mag-iingat ka palagi.

5. Nagmamahal Estela

44 of 50

Isulat nang kabit-kabit ang liham sa ibaba. Sundin ang mekaniks. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

45 of 50

Enero 8, 2021

Mahal naming Tatay at Nanay,

Maraming-maraming salamat po sa panahon na ibinibigay ninyo sa aming magkapatid. Naging masaya po kami sa aming naranasan noong araw ng ating pamamasyal. Hinding-hindi po namin iyon malilimutan.

Mahal na mahal po namin kayo.

Nagmamahal, Me-an

46 of 50

Gumawa ng liham pasasalamat sa iyong magulang. Sabihin kung bakit mo sila nais pasalamatan. Isulat ito nang kabit-kabit, gamit ang tamang porma at mekaniks. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

47 of 50

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

48 of 50

Natutuhan mo sa aralin na ito ang tungkol sa pagsusulat ng kabit- _ _ b _ _.

Assimilation

49 of 50

Mahalaga ito sapagkat nahahasa nito ang kakayahan mong mag-iisip. Pinauunlad din nito ang iyong kakayahang motor o pagkilos gamit ang kamay.

Assimilation

50 of 50

Ginagamit din ang pagkakabit-kabit sa pagsulat ng mga t _ _ a _ _ at l _ h _ m. Kinakailangang sundin ang gamit ng malalaki at maliliit na letra, bantas, at porma.

Assimilation