AP THIRD QUARTER�WEEK2
◤
Aralin 2: Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at� �Paghubog ng Pamumuhay sa isang Lugar�
◤
◤
Sapagkat marami ang naninirahan sa Kalakhang Maynila, mas higit ang mga trabahong nakatutugon sa mabilisang takbo ng pamumuhay ng mga naninirahan dito. Halos lahat ng punong tanggapan
ng iba’t ibang pribado at pampamahalaan,tasan pa ay makikita sa Kalakhang Maynila, kung kaya marami ang mga tingiang tindahan na nagdudulot ng trabaho kagaya ng workers”. Sa kabilang banda naman, sa lala hindi kasing dami ang populasyon sa Maynila, halos walang malalaking
tingiang tindahan na tulad ng karaniwang makikita sa Maynila.
◤
Bukod sa dami ng populasyon, nakaiimpluwensya din ang uri ng pisikal na kapaligiran ng lugar sa uri ng pamumuhay dito. Isang halimbawa ay ang kaibahan ng uri ng produkto ng mga taga Bulacan o Nueva Ecija at ng Cavite o Batangas. Hindi-aralannatinnganasa rehiyonba’tngnapag Gitnang Luzon nanggagaling ang karamihan sa mga palay ng buong Luzon, maging sa Visayas. Naaangkop ang kapatagan sa pagtatanim ng palay at ibang pang produktong pananim. Sa kabilang banda naman, maburol ang malaking bahagi ng Cavite papuntang Batangas naman ang naging produkto ng mga taga dito. Sa Batangas nagagaling
ang malaking bahagi ng itlog dahil sa mga itinatayong manukan dito.
◤
Tingnan natin sa mapang pisikal ng Luzon ang pagkakaiba-iba ng uri ng lupain sa mga lalawigan sa gitna at timog na bahagi nito. Anu-ano ang mga produkto na makikita sa bawat lalawigan? Bakit kaya magkakaiba? Aling mga lalawigan ang magkakapareho ang mga produkto? Ano ang kinalaman ng pisikal na katangian ng mga lalawigan?
◤
Ano ang panahon sa inyong lalawigan ngayon? Tag-ulan ba o tag-araw? Giniginaw ka ba o naiinitan? Kagaya ng lokasyon, ang klima ay naghuhubog ng uri ng pamumuhay sa isang lugar. Pag-aralan ang mapang pangklima na ipapakita ng iyong guro.
◤
Isang halimbawa ng impluwensya ng klima sa mga tao ay ang mga produktong nagmumula sa iba’t ibang lalwigan karaniwang pananim at pinagkakakitaan sa Bicol dahil mahaba at halos
◤
Kung panahon naman ng tag-ulan at bagyo ay humihina ang kita ng mga mangingisda sa Naujan, Oriental Mindoro. Mapanganib ang dagat dahil sa alon at malakas na hangin. Hindi rin sila makapagbilad ng isdang dinadaing. Ngunit pinaghahandaan ng mga mangingisda ang ganitong pagkakataon. Sila ay nagtatanim, nagtitipon ng tuba, nagpapawid at iba pang maaari nilang pagkakitaan.
◤
Hindi lamang mga pananim at pinagkakakitaan ang nakakaimpluwensiya sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Ibinabagay rin nila ang kanilang kasuotan ayon sa kanilang klima. Sa lugar na malamig tulad ng Baguio, ang mga tao ay nagsusuot ng makakapal na damit upang hindi ginawin. Manipis at maluwang naman sa katawan ang kasuotan ng mga nasa maiinit na lugar tulad ng Isabela at Tuguegarao.
◤
Kung ang lokasyon naman ng isang lalawigan ay laging dinadaanan ng bagyo tulad ng Batanes,ibayong paghahanda ang kanilang ginagawa. Bukod dito, ang kanilang mga bahay ay karaniwang mababa at yari sa bato at kogon. Bangkang-bahay naman ang tirahan ng mga Samal at Badjao. Ito ang angkop sa kanilang lugar. Dahil dito, masasabing nakakaimpluwensiya ang lokasyon at klima ng isang lugar sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
◤
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1.Anu-ano ang mga pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa inyong lugar?
2.May kaugnayan ba ang kanilang hanapbuhay sa uri ng panahon at sa lokasyon ng inyong lugar? Ipaliwanag kung bakit.
3.Paano nakakaapekto ang mga bagyo, pagbaha, klima at pisikal na katangian ng isang lugar sa uri ng pamumuhay ng mga tao?
◤
◤
◤
◤