Sa Diyos Lamang Mapapanatag
(Batay sa Salmo 62)
Titik: Danilo B. Isidro SJ
Musika ni: Nemesio S. Que, SJ
KORO:
Sa D’yos lamang mapapanatag
ang- aking- kaluluwa,
Sa Kanya nagmumula
ang aking pag-asa
at kaligta--san.
I
O D’yos, Ikaw ang aking
Kaligtasan. Nasa ‘Yo
aking kalwalhatian;
Ikaw lamang aking inaasahan,
ang aking moog at tanggulan.
KORO:
Sa D’yos lamang mapapanatag
ang- aking- kaluluwa,
Sa Kanya nagmumula
ang aking pag-asa
at kaligta--san.
II
Paninili ‘di ko pananaligan,
puso’y ‘di ihihilig sa yaman;
Kundi sa D’yos na makapangyarihan
ma aking lakas at takbuhan.
KORO:
Sa D’yos lamang mapapanatag
ang- aking- kaluluwa,
Sa Kanya nagmumula
ang aking pag-asa
at kaligta--san.
III
Poon, Ika’y puno ng kabutihan,
Pastol Kang nagmamahal
sa kawan;
Inaakay sa luntiang pastulan,
Tupa’y hanap Mo
kung mawaglit man.
KORO:
Sa D’yos lamang mapapanatag
ang- aking- kaluluwa,
Sa Kanya nagmumula
ang aking pag-asa
at kaligta--san.