1 of 46

Health 2

Quarter 2 Week 5-6

Mga Karaniwang Problema at Pangangalaga ng Bibig at Ngipin

2 of 46

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang mailalarawan mo ang mga paraan upang mapangalagaan ang ngipin at bibig.

Tuklasin natin ang mga

nagiging sakit ng ngipin

at bibig.

Layunin:

3 of 46

Pagkabulok ng Ngipin (Tooth Decay ) ang karaniwan nagiging sakit ng ngipin kapag hindi natin ito iningatan. Ang mga bulok na ngipin ang nagiging sanhi ng madalas na pagliban sa klase ng

mag-aaral dahil sa sakit na nararamdaman.

4 of 46

Nababawasan din ang tiwala sa sarili ng mga bátang may bulok na ngipin. Nagiging sanhi din ito ng pagbaba ng timbang dahil sa hindi ito makakakin nang maayos dahil sa masakit na ngipin.

5 of 46

Paningaw, pamamaga ng lalamunan at mabahong hininga ang mga sakit ng bibig. Wastong pangangalagaang kailangan dito upang maiwasan ang mga ito. Ang paningaw ay maliit na sugat na maaaring tumubo sa gilagid o dila.

6 of 46

Pamamaga ng lalamunan ay mahirap sa pakiramdam dahil lahat ng kinakain mo o iniinom ay dadaan sa lalamunan mo. Mabahong hininga ay sanhi ng hindi pagsisipilyo o mga sugat-sugat na tumutubo sa bibig.

7 of 46

1. Magsipilyo. Ugaliin ang pagsisipilyo upang mapangalagaan ang ngipin. Palitan ang gamit na sipilyo tuwing ikatlong buwan.

Pangangalaga ng Ngipin

8 of 46

2. Magpasuri. Ugaliin ding magapasuri o pagkonsulta sa doktor tuwing anim na buwan.

Pangangalaga ng Ngipin

9 of 46

Ang kalusugan ng bibig ay nakadepende sa mga uri ng pagkain ng kinakain mo, wastong pamamaraan ng pagkain, at pagmementena sa mismong bibig. Kaugnay nito, maaari mong sundin

ang sumusunod na mga hakbang:

Pangangalaga ng Bibig

10 of 46

1. Pagbabantay sa mga iniinom at kinakain. Limitahan ang dami ng mga pagkain at inuming may mataas na lebel asukal, lalo na kung walang sapat na panahon sa paglilinis ng ngipin. Ang mga naiiwang asukal sa bibig ang siyang pangunahing sanhi ng pagkasira ng ngipin.

11 of 46

2. Iba pang pamamaraan ng paglilinis sa bibig. Bukod sa pagsisipilyo ng ngipin, siguraduhin ding malilinis ang iba pang bahagi ng bibig gaya ng dila at mga gilagid.xt

12 of 46

Sagutan ang puzzle sa ibaba. Hanapin ang sumusunod na salita: ngipin, bibig, lalamunan, sipilyo at pagkain.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

13 of 46

14 of 46

Gumuhit ng puso kung nagpapakita ng tamang gawi sa pangangalaga ng bibig at kidlat kung nagpapakita ng maling gawi.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

15 of 46

_________1. Nalilimitahan ang dami ng mga pagkain at inuming may mataas na lebel asukal,

16 of 46

_________2. Kumakain ng masustansiyang pagkain

17 of 46

_________3 Kumokonsulta sa doktor kapag may masakit sa loob ng bibig.

18 of 46

_________4. Umiiinom ng maraming tubig para hindi manuyo ang bibig.

19 of 46

________5. Kumakain ng chewing gum upang makatulong na makapag ipon ng laway sa bibig.

20 of 46

Basahin ang kuwento ni Cindy Mae, “Ang Bátang Malinis.” Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

21 of 46

Tuwing umaga paggising ng bátang si Cindy Mae ay nagtitiklop siya ng pinaghigaan, pagkatapos nito siya ay pupunta sa lababo upang

maghilamos at magsipilyo

ng ngipin. Siya ay may mga

milk teeth pa sapagkat siya

ay batà pa.

Ang Bátang Malinis

22 of 46

Ang milk teeth ay mga ngipin na tumutubo mula sa pagkabata, tinatawag din itong temporary teeth. Ang lahat ng milk teeth ay mapapalitan ng permanent teeth na magiging ngipin na hanggang sa pagtanda.

23 of 46

Sa pagsisipilyo ni Cindy Mae, hindi lámang ang ngipin ang kaniyang sinisipilyuhan maging ang dila at paligid ng gilagid. Pagkatapos magsipilyo ay babanlawan niya ito nang mabuti karamay na ang bibig at kabuuan ng bunganga upang lubos na maging malinis.

24 of 46

Pagkakatapos kumain si Cindy Mae ay nagsisispilyo siya, anuman ang kaniyang kinain, upang mapanatiling mabango ang kaniyang hiniinga.

25 of 46

1. Sino ang tauhan sa kuwento?

26 of 46

2. Tuwing kailan nagsispilyo si Cindy Mae?

27 of 46

3. Bukod sa ngipin ano pa ang nililinis ni Cindy Mae?

28 of 46

4. Kung ikaw si Cindy Mae gagayahin mo ba siya? Bakit?

29 of 46

Isulat Tama kung wasto ang pag-aalaga ng ngipin na binanggit sa ibaba at Mali kung hindi ito wasto.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

30 of 46

_________1. Nagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.

31 of 46

_________2. Umiiwas sa mga matatamis na pagkain .

32 of 46

_________3. Nagmumumog nang malinis na tubig.

33 of 46

_________4. Kumokonsulta sa doktor tuwing anim na buwan.

34 of 46

_________5. Natutulog matapos kumain.

35 of 46

Lagyan ng tsek (✓) ang kolum na nagsasad ng iyong pagsasagawa ng mga pamamaraan upang pangalagaan ang iyong ngipin at bibig.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

36 of 46

Pangangalaga ng Ngipin at Bibig

Palagi

Minsan

Hindi

1. Kumakain ako ng masustansiyang pagkain.

2. Umiiinom ako ng maraming tubig para hindi manuyo ang bibig.

3. Nililimitahan ko ang dami ng mga pagkain at inuming may mataas na lebel asukal.

37 of 46

Pangangalaga ng Ngipin at Bibig

Palagi

Minsan

Hindi

4. Nagsisipilyo ako ng ngipin pagkatapos kumain.

5. Natutulog ako sa tamang oras.

38 of 46

Punan ang talahanayan sa ibaba tungkol mga naranasan mong karamdaman sa bibig at ngipin. Gawin ito sa tulong ng iyong mga nakatatandang kapatid, magulang o tagapangalaga.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

39 of 46

40 of 46

Gumupit o gumuhit larawan ng bibig at ngipin. At isulat sa palibot nito ang mga pamamaraan na iyong natutunan upang mapanatili itong maayos at walang karamdaman. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:

41 of 46

42 of 46

43 of 46

Punan ang patlang ng wastong salita/konsepto upang mabuo ang diwa ng mga talata tungkol sa aralin.

44 of 46

bibig pagkain hangin ngipin pagdurog amoy

Ang _________________ ang itinuturing na pangunahing pasukan ng iba’t ibang bagay patungo sa loob ng katawan. Dito pumapasok ang _________________ na kinakain at inumin na iniinom sa araw-araw.

45 of 46

bibig pagkain hangin ngipin pagdurog amoy

Pumapasok din dito ang _________________ na nilalanghap na mahalaga sa paghinga.

Ang ating _________________ ay isa rin sa mga unang napapansin tuwing nakikisalamuha tayo sa ibang tao.

46 of 46

bibig pagkain hangin ngipin pagdurog amoy

Ginagamit natin ito sa _________________ ng ating pagkain. Nagdudulot ng _________________ ang sirang mga ngipin. Kayâ naman, marapat lámang na ito ay bigyan ng sapat na atensiyon at tamang pangangalaga.