1 of 37

Filipino 2

Quarter 2 Week 5

Paglalarawan ng mga Elemento at Bahagi ng Kuwento

2 of 37

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang mailalarawan mo ang mga elemento (tauhan, tagpuan, banghay) at bahagi (panimula, kasukdulan, kakalasan, at katapusan) ng kuwento.

Layunin

3 of 37

Ang kuwento ay isang anyo ng panitikan na naglalayong maglahad ng isang mahalagang pangyayari. Ito ay may elemento na gumagabay sa mambabása upang maunawaan nilang mabuti ang kuwentong binása.

Mga Elemento ng Kuwento

4 of 37

Narito ang elemento ng kuwento

1. Tauhan. Ito ang mga tao, bagay, hayop na gumaganap sa isang kuwento.

2. Tagpuan. Ito ay tumutukoy kung saan at kailan nangyari ang kuwento.

5 of 37

3. Banghay. Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento.

6 of 37

1. Panimula. Ito ay nagpapakilala sa mga tauhan at naglalarawan sa tagpuan ng kuwento.

Mga Bahagi ng Kuwento

2. Kasukdulan. Ito ay naglalahad kung unti-unti nang nalulutas ang suliranin.

7 of 37

3. Kakalasan. Ito ang nagiging daan patungo sa wakas ng kuwento.

4. Katapusan. Ito ay naglalahad ng mga pangyayari sa kuwento.

8 of 37

Basahin at unawain ang kuwento.

Ang Batang Matulungin

Sabado ng umaga, nakaupo si Zia sa sála. Kumakain siya ng tinapay at biskwit habang nanonood ng paboritong palabas sa

telebisyon.

9 of 37

Malapit na ang tanghalian nang mapansin niyang wala ang kaniyang Nanay sa kusina. Nakita niyang hindi pa nahuhugasan ang mga pinggan, kaldero, at ibang gamit sa pagluluto.

10 of 37

“Nasaan si Nanay?” tanong ni Zia. Pumasok siya sa silid at nakita niyang nakahiga ang kaniyang nanay sa kama. “May sakit po ba kayo, Nanay?” tanong ni Zia.

11 of 37

Lumapit siya sa ina at hinipo ang noo. “Pagod ako at masakit ang aking ulo. Kailangan ko lámang ipahinga ito. Mamaya, magaling na ako,” sabi ng ina kay Zia.

12 of 37

“Mahiga ka na lámang po sa kama at magpahinga, Nanay. Ikukuha po kita ng makakain,” ang pahayag ni Zia.

“Salamat, Zia,” pasasalamat ng ina.

13 of 37

Nagdala si Zia ng isang mangkok ng sabaw, isang pirasong tinapay, at isang saging. Pinagmasdan ang ina habang kumakain.

14 of 37

Bumalik si Zia sa kusina at hinugasan ang mga hugasin. Pagkatapos ay sinilip ang ina sa silid na natutulog. Hinagkan niya ito at tumungo

na siya sa kaniyang silid.

15 of 37

Kinabukasan, nagising ang nanay ni Zia. Laking gulat niya na napakalinis ng kusina at napansin din niya na may nakahaing mainit na gatas, mga pandesal at pritong itlog sa mesa.

16 of 37

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa kuwento. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

17 of 37

1. Tungkol saan ang kuwento?

18 of 37

2. Saan nangyari ang kuwento?

19 of 37

3. Kailan nangyari ang kuwento?

20 of 37

4. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

21 of 37

5. Ano ang nangyari sa nanay ni Zia?

22 of 37

6. Ano ang ginawa ni Zia sa kaniyang Nanay?

23 of 37

Si Carlo at Felix ay magkaibigan. Nakaugalian na nila na magpunta sa bukid pagkatapos ng gawaing bahay.

Si Carlo at si Felix

Basahin at unawain ang kuwento.

24 of 37

Minsan, sa pagdating ni Felix, nakita niyang tulog si Carlo. Maya-maya ay nakakita siya ng malaking ahas sa ilalim ng punò ng mangga at tila tutuklawin ang kaniyang kaibigan.

25 of 37

Napasigaw nang malakas si Felix, “Ahas!” “Ahas!” At halos napapikit ang mga mata ni Felix samantalang iminulat naman ni Carlo ang kaniyang mga mata.

26 of 37

Dali-daling bumangon si Carlo at sabay siláng tumakbo palayo sa bukid. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, lalong tumibay ang pagkakaibigan nilang

dalawa.

27 of 37

Sagutin ang sumusunod na mga tanong tungkol sa binasang kuwento. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

28 of 37

1. Tungkol saan ang binásang kuwento?

29 of 37

2. Saan naganap ang pangyayari?

30 of 37

3. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?

31 of 37

4. Ano ang naging suliranin ni Carlo at Felix?

32 of 37

5. Paano nabigyan ng solusyon ang suliranin?

33 of 37

Pag-aralan ang mga larawan. Sumulat ng pangungusap tungkol sa bawat larawan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

34 of 37

1.

35 of 37

2.

36 of 37

3.

37 of 37

4.