Amen.
Amen.
Kami’y nangungumpisal sa Iyo, O Diyos na makapangyarihan,
sa lahat ng mga Santo, at sa isa’t-isa na kami’y nagkasala sa aming naisip,
sa aming nasabi, sa aming mga nagawa, at sa nakaligtaan naming gawin;
at ito’y sarili naming kamalian. Kaya isinasamo namin sa Iyo, O Diyos,
na kaawaan kami,
at sa lahat ng Santo na ipanalangin kami sa Iyo Panginoong Diyos.
Amen.
Amen.
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumaiyo rin.
Amen.
1 Hari 19:4-8
Noong mga araw na iyon, si Elias ay mag-isang pumunta sa ilang.
Pagkatapos ng maghapong paglalakad ay naupo siya sa lilim ng isang puno
ng retama at nanalangin nang ganito:
“Panginoon, kunin na po ninyo ako. Ako po’y hirap na hirap na.
Nais ko na pong mamatay.”
Pagkatapos, nahiga siya at nakatulog.
Ngunit dumating ang isang anghel, kinalabit siya at ang sabi:
“Gising na at kumain ka!”
Nang siya’y lumingon, nakita niya sa may ulunan ang isang tinapay
na niluto sa ibabaw ng mainit na bato, at tubig sa isang sisidlan.
Kumain nga siya at uminom. Pagkatapos ay nahiga uli.
Ngunit bumalik ang anghel ng Panginoon, kinalabit siya uli at sinabi:
“Bumangon ka at kumain. Napakahaba pa ang lalakarin mo.”
Kumain nga siya uli at uminom at siya’y lumakas.
Sa tulong ng pagkaing iyon, naglakbay siyang apatnapung araw at apatnapung gabi,
hanggang sa Horeb, ang Bundok ng Diyos.
Ang Salita ng
Panginoon.
Salamat sa Diyos.
SI YAHWEH AY PAPURIHAN AT
WALANG TIGIL NA PASALAMATAN
Efeso 4:25—5:2
Mga kapatid: dahil dito, itakwil na ng bawat isa ang kasinungalingan,
at lahat ay magsalita ng katotohanan sa kanyang kapatid,
sapagkat tayo’y bahagi ng iisang katawan.
Kung magagalit man kayo, iwasan ninyong kayo’y magkasala.
Agad ninyong pawiin sa kalooban ang galit.
Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.
Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw;
sa halip, magtrabaho siya at gamitin ang kanyang kamay
sa anumang gawaing marangal upang may maitulong sa mga nangangailangan.
Huwag kayong gumamit ng masamang pananalita;
sikaping lagi na ang pangungusap ninyo’y yaong makabubuti at angkop sa pagkakataon
upang pakinabangan ng makaririnig.
At huwag ninyong dulutan ng pighati ang Espiritu Santo,
sapagkat ito ang tatak ng Diyos sa inyo,
ang katibayan ng inyong katubusan pagdating ng takdang araw.
Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit at poot;
huwag na kayong mambubulyaw, manlalait,
at mananakit ng damdamin ng kapwa.
Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isa’t isa, at magpatawaran,
tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo.
Yamang kayo’y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya.
Mamuhay kayong puspos ng pag-ibig tulad ni Kristo;
dahil sa pag-ibig sa atin, inihandog niya ang kanyang buhay
bilang mahalimuyak na hain sa Diyos.
Ang Salita ng
Panginoon.
Salamat sa Diyos.
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumaiyo rin.
Juan 6:35, 41-51
Luwalhati sa Iyo, Panginoong Hesukristo.
Noong panahong iyon sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad,
“Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom,
at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.”
Nagbulung-bulungan ang mga Judio dahil sa sinabi niya,
“Ako ang pagkaing bumaba mula sa langit.”
Sinabi nila, “Hindi ba ito si Hesus na anak ni Jose? Kilala natin ang kanyang ama’t ina.
Paano niya ngayong masasabi: ‘Bumaba ako mula sa langit’?”
Kaya’t sinabi ni Hesus, “Huwag kayong magbulung-bulungan.
Walang makalalapit sa akin malibang dalhin siya ng Amang nagsugo sa akin.
At ang lalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw.
Nasusulat sa aklat ng mga propeta, ‘At silang lahat ay tuturuan ng Diyos.’
Ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lalapit sa akin.
Hindi ito nangangahulugang may nakakita na sa Ama;
yaong nagmula sa Diyos ang tanging nakakita sa Ama.
“Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay may buhay na walang hanggan.
Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay!
Kumain ng manna ang inyong mga ninuno nang sila’y nasa ilang,
gayunma’y namatay sila.
Ngunit ang sinumang kumain ng pagkaing bumaba mula sa langit ay hindi mamamatay.
Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit.
Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito.
At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan
ay ang aking laman.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon
Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.
Sumasampalataya kami sa iisang Diyos,
Amang Makapangyarihan,
na lumikha ng langit
at lupa,
at ng lahat ng nakikita at di-nakikita.
Sumasampalataya kami sa iisang Panginoong Hesukristo,
bugtong na
Anak ng Diyos,
nagmula sa Ama
bago pa nagsimula
ang panahon,
Diyos buhat sa Diyos, Liwanag buhat
sa Liwanag,
Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo,
Inianak, hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng Ama.
Sa pamamagitan Niya ay nalikha ang lahat.
Na para sa ating mga tao at sa ating kaligtasan
ay nanaog Siya buhat sa langit:
sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo
ay ipinanganak Siya ni Mariang Birhen at naging tao.
Ipinako sa krus
alang-alang sa atin noong panahon ni Poncio Pilato;
nagpakasakit, namatay, at inilibing.
At muling nabuhay sa ikatlong araw sa katuparan ng mga Kasulatan.
Umakyat Siya sa langit
at naluluklok
sa kanan ng Ama.
At muling darating na maluwalhati
upang hukuman
ang mga buhay
at mga patay,
at ang kaharian Niya ay walang hanggan.
Sumasampalataya kami sa Espiritu Santo,
ang Panginoon na Tagapagbigay ng Buhay, na nagbubuhat sa Ama.
Sinasamba Siya at niluluwalhating kasama ng Ama
at ng Anak,
nagsalita Siya
sa pamamagitan
ng mga Propeta.
Nananalig kami sa Iglesyang Iisa, Banal, Katolika,
at Apostolika.
Naniniwala kami sa iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan,
at hinihintay namin ang muling pagkabuhay
ng mga namatay,
at ang buhay na walang hanggan.
Amen.
Panginoon, dinggin Mo kami.
Panatilihin natin ang pagkakaisa na dulot ng Espiritu sa bigkis ng kapayapaan.
At sumaiyo rin.
Maawaing Diyos,
ipinagkaloob Mo
sa amin ang lahat
ng bagay,
sa Iyong kasaganaan
ay ibinibigay Mo
ang lahat ng aming pangangailangan.
Kami, na Iyong mga mapagkumbabang lingkod,
ay nag-aalay sa Iyo nitong sagisag ng aming pagtanaw ng utang na loob
sa lahat
ng Iyong kaawaan.
Amen.
Walang hanggang Diyos, pinatubo Mo ang butil,
at mula rito
ay ginawa namin
ang Tinapay na ito;
iniaalay namin ito
sa Iyo upang sa amin ay maging Tinapay
ng Buhay.
Ipagkaloob Mo
na kaming tatanggap nito ay mabuklod sa bigkis ng pag-iibigan.
Amen.
Makapangyarihan Diyos,
tanggapin Mo
ang Alak na ito
na aming ginawa mula sa Iyong mga kaloob:
ito nawa’y maging aming inuming espirituwal upang kaming tatanggap nito,
ay mapasigla
at mapanibago
sa paglilingkod sa Iyo.
Amen.
Tanggapin nawa
ng Panginoon
ang ating hain,
sa ikapupuri
at ikaluluwalhati
ng Kanyang Pangalan,
sa ating ikabubuti
at ng buo Niyang Iglesia.
Ang kagandahang
loob ng Panginoon
ay mananatiling
walang hanggan sa mga may takot sa Kanya,
at ang Kanyang pagkamatuwid sa sali't-saling lahi.
Maging sa mga sumusunod sa Kanyang tipan, at nakaala-alang
sumunod sa Kanyang kautusan.
Itinatag ng Panginoon ang Kanyang luklukan sa langit;
at ang Kanyang paghahari ay sumasaklaw sa lahat.
Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga anghel;
kayong may lakas at kapangyarihan na tumatalima sa Kanyang Salita.
Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga
hukbo. Kayong mga lingkod Niya na sumusunod sa Kanyang kalooban.
Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga gawa sa
lahat ng dako na Kanyang nasasaklawan, purihin ang Panginoon!
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumaiyo rin.
Itaas ang inyong
mga puso.
Itinataas namin
sa Panginoon.
Magpasalamat tayo
sa ating
Panginoong Diyos.
Nararapat na Siya’y ating pasalamatan
at purihin.
Amen.
Amen.
Dumudulog kami sa Iyong hapag, maawaing Panginoon,
na hindi nagtitiwala sa sarili naming pagkamatuwid,
kundi sa Iyong marami’t dakilang awa.
Hindi kami karapat-dapat na mamulot ng mga mumo sa ilalim ng Iyong hapag.
Subalit likas sa Iyo
ang pagkamaawain.
Ipagkaloob Mo sa amin, kung gayon, butihing Panginoon,
na aming tanggapin ang Katawan ng Iyong mahal na Anak
na si Hesukristo,
at inumin
ang Kanyang dugo,
upang kami na pinalalakas at pinagiging bago ng Kanyang buhay,
ay manahan sa Kanya, at Siya’y sa amin, magpakailanman.
Amen.
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumaiyo rin.
Makapangyarihan
at walang hanggang Diyos,
pinasasalamatan
Ka namin,
sapagkat kami’y Iyong pinakain ng pagkaing espirituwal:
ang kamahal-mahalang Katawan at Dugo ng aming Tagapagligtas na si Hesukristo.
At sa mga Banal na misteryong ito
ay tiniyak Mo na kami’y mga buhay na bahagi ng katawan ng Iyong Anak,
at mga tagapagmana ng Kanyang walang hanggang kaharian.
Ngayon Ama, isugo Mo kami upang gawin namin ang tungkuling iniatas Mo sa amin,
upang Ikaw ay ibigin at paglingkuran at ang aming kapwa,
bilang mga tapat na saksi ni Kristong aming Panginoon:
sa Kanya, sa Iyo, at sa Espiritu Santo, ang lahat ng karangalan at kaluwalhatian,
ngayon
at magpakailanman.
Amen.
Amen.
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumaiyo rin.
Salamat sa Diyos.