1 of 26

Natatalakay ang mga hakbang sa pag-aani ng gulay

2 of 26

PAGSASANAY

PANUTO: Kilalanin ang mga sumusunod na uri ng gulay. Tukuyin kung ito ay lamang ugat, bunga, bulaklak, dahon o butong gulay.

3 of 26

4 of 26

5 of 26

6 of 26

BALIK-ARAL

Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Isulat ang Tama kung ang sumusunod ay nagpapahayag na ang mga gulay ay maaari nang anihin at hindi naman kung hindi pa ito dapat anihin.

7 of 26

1. Antaying mahinog ang mga bunga ng sili bago ito anihin.

2. Ang patola ay maaaring anihin kapag maberde na ang kulay ng bunga at sakto na ang laki nito.

8 of 26

3. Anihin ang mga butong gulay habang hindi pa ito siksik at mahirap pang mabali.

4. Ang kamatis ay inaani habang manibalang pa ang kulay.

9 of 26

5. Kapag siksik na ang kumpol ng bulaklak ng broccoli maaari na itong anihin.

10 of 26

11 of 26

wicker basket (tiklis)- Ang tiklis ay isang uri ng basket na gawa sa pinanipis na

kahoy ng kawayan. Ang mga maninipis na kahoy ng kawayan ay nilalala upang makabuo ng tiklis. Dahil karaniwan itong ginagamit na lalagyan ng mga pinamitas ng prutas sa bukid, ginawa itong malalalim at may malawak na bunganga upang marami ang mailagay dito.

12 of 26

1. Ano-ano ang mga hakbang sa pag-aani ng mga halamang gulay?

2. Paano isinasagawa ang pag-aani ng mga halamang gulay?

3. Bakit mahalagang sundin ang mga hakbang sa pag-aani ng mga halamang gulay?

13 of 26

MGA HAKBANG SA WASTONG PAG-AANI

14 of 26

1. Maghanda ng basket o tiklis – ang lalagyang gagamitin ay depende sa gulay na aanihin. Maaaring gumamit ng basket, sako o kahon

15 of 26

2. Uriin muna ang laki, edad, at hugis ng gulay bago ito ilagay sa tiklis. Ihiwalay ang hinog sa mga hilaw pang produkto.

16 of 26

3. Unang ilagay sa ilalim ang mabibigat at hilaw pang mga bunga at sa ibabaw ang magagaan at manibalang na bunga.

17 of 26

4. Ingatang mabuti ang paglalagay ng gulay sa tiklis upang hindi ito magalusan. Alalahanin lagi, nabibili sa mataas na halaga ang mga produktong may magaganda at maayos na porma at hugis.

18 of 26

5. Anihin ito sa tamang panahon – ang gulay ay dapat sa tamang laki at sapat na bilang ng araw upang ito ay anihin.

19 of 26

6. Ang pag-aani ay kailangan sa umaga bago sumikat ang araw – kailangang maidala ng maaga sa pamilihan ang mga inaning gulay upang maihabol sa mga mamimili na maagang namimili

20 of 26

7. Pumili ng tamang binhing pananim pagkatapos makaani – kailangan paghahandaan ang susunod na pagtatanim. Makatitipid kung hindi mo na bibilhin ang susunod na binhing gagamitin.

21 of 26

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel

1. Sa paglalagay ng mga produkto sa loob ng tiklis, alin ang inilalagay sa ilalim?

a. mga hinog na produkto

b. magagang produkto

c. manibalang na produkto

d. mabibigat na produkto

22 of 26

2. Ang mga gulay ay dapat anihin tuwing ______ upang makahabol sa mga mamimili na maagang pumupunta sa pamilihan.

a. umaga bago sumikat ang araw

b. umaga pagkasikat ng araw

c. hapon pagkalubog ng araw

d. hapon bago lumubog ang araw

23 of 26

3. Ingatang mabuti ang mga produkto sapagkat

a. Hindi na maibebenta ang mga produktong may galos

b. Maaaring mabulok agad ang mga produkto

c. Maaring hindi na mamunga ang mga halaman

d. Maibebenta nang mahal ang mga produktong maganda ang kalidad

24 of 26

4. Nararapat na pumili ng mga binhi kapag mag aani ng halamang gulay sapagkat

a. Mas makatitipid kung hindi bibili

b. Makasisigurong maganda ang

tubo

c. Makakatiyak na magandang uri ng halaman ang itatanim

d. Lahat ng nabanggit

25 of 26

5. Ano ang tawag sa lalagyan ng mga gulay na gawa sa hinabing kawayan.

a. Sako c. kahon

b. Tiklis d. plastic

26 of 26

V. KASUNDUAN

Paano ang wastong pamamaraan nang pag-aani ng halamang gulay?