1 of 59

Ikalawang Kwarter: Aralin 8

Pakikilahok at

Bolunterismo

2 of 59

Mga Layunin

1. Natutukoy ang kahulugan ng pakikilahok at bolunterismo.

2. Nauunawaan ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing pampamayanan.

3. Napahahalagahan ang pagiging handang tumulong nang walang kapalit.

3 of 59

BALIK-TANAW

4 of 59

Ano ang ginagawa nila? Bakit kaya nila ito ginagawa?

“Kailan ka huling tumulong sa iba nang hindi hinihingi?”

5 of 59

6 of 59

PAKIKILAHOK

aktibong pagsama sa mga gawaing nakabubuti sa iba o sa pamayanan.

7 of 59

PAKIKILAHOK

Ito ay tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.

8 of 59

BOLUNTERISMO

kusang loob na pagbibigay ng serbisyo o tulong nang walang inaasahang kapalit.

9 of 59

BOLUNTERISMO

Ito ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa at sa Lipunan.

10 of 59

Ano nga ba ang bolunterismo?

Ito ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit. Ito ay maraming katawagan tulad ng bayanihan, damayan, kawanggawa, o bahaginan.

Bolunterismo?

11 of 59

Narito ang mga kabutihang naidudulot ng pagsasagawa ng bolunterismo:

  1. Nagkakaroon siya ng personal ng pag-unlad
  2. Nakapagbibigay siya ng natatanging kontribusyon o bahagi ng pagpapabuti ng lipunan
  3. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.
  4. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makikilala hindi lamang ang iba kundi pati na ang kaniyang sarili.

12 of 59

“Tulong Mo, Tulong Ko”

o Magbigay ng mga sitwasyong nangangailangan ng pakikilahok at bolunterismo.

o Ipaliwanag kung paano makatutulong ang bawat isa.

13 of 59

Pagtataya

Bakit mahalaga ang bolunterismo sa lipunan?

14 of 59

Mga Layunin

1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pakikilahok at bolunterismo.

2. Naiuugnay ang mga ito sa konkretong sitwasyon sa pamayanan.

3. Napahahalagahan ang pagiging handang tumulong nang walang kapalit.

15 of 59

BALIK-TANAW

16 of 59

Ano ako?

17 of 59

Ano ako?

18 of 59

Ano ako?

19 of 59

Ano ako?

20 of 59

Ano ako?

21 of 59

1. Civic Volunteering (hal. clean-up drive)

Ito ay tumutukoy sa pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing nakakatulong sa komunidad, gaya ng clean-up drive, barangay programs, o pagtulong sa mga lokal na proyekto. Layunin nito ang mapabuti ang kalagayan ng pamayanan at maitaguyod ang disiplina at pagkakaisa ng mga mamamayan.

22 of 59

2. Religious Volunteering (hal. church service)

Ang ganitong uri ng boluntaryong paglilingkod ay ginagawa bilang bahagi ng pananampalataya. Kabilang dito ang pagtulong sa mga gawain sa simbahan, pagtuturo sa katesismo, o pagsali sa mga outreach program ng relihiyosong samahan. Ito ay nagpapakita ng pananampalataya sa pamamagitan ng gawa at malasakit sa kapwa.

23 of 59

3. Social Volunteering (hal. helping street children)

Nakatuon ito sa pagtulong sa mga nangangailangan, partikular na sa mga mahihirap, matatanda, o batang lansangan. Ipinapakita rito ang malasakit sa kapwa at ang hangaring maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng simpleng tulong o pagbibigay ng oras at atensyon.

24 of 59

4. Environmental Volunteering (hal. tree planting)

Tumutukoy ito sa mga gawaing naglalayong mapangalagaan at mapanatiling malinis ang kalikasan, tulad ng tree planting, coastal clean-up, at waste segregation campaigns. Sa ganitong paraan, naipapakita ang responsableng pangangalaga sa kalikasan bilang tagapangalaga ng likas na yaman.

25 of 59

5. Educational Volunteering (hal. tutoring peers)

Ang boluntaryong paglilingkod na ito ay nakasentro sa pagbabahagi ng kaalaman. Maaaring tumulong sa mga kapwa mag-aaral, magturo sa mga batang kapos sa oportunidad sa pag-aaral, o tumulong sa mga literacy programs. Ipinapakita rito ang kahalagahan ng edukasyon at ang kagustuhang makatulong sa pag-unlad ng iba.

26 of 59

Pagtataya

Ibigay ang tamang uri ng bolunterismo:

1. Tumutulong si Anna sa pagtuturo sa mga batang lansangan.

2. Ang mga mag-aaral ng Lucsuhin National High School ay nagsagawa ng feeding program para sa mga batang lansangan. Si Angela ay boluntaryong nag-ambag ng kaunting pagkain at tumulong magpakain. Nakaramdam siya ng saya at kaganapan dahil alam niyang nakatulong siya sa mga nangangailangan.

27 of 59

Pagtataya

3. Tuwing Sabado, nagkakaroon sila ng paglilinis sa kanilang lugar. Si Mia, isang mag-aaral sa Grade 9, ay sumasama sa kanyang mga kaibigan upang maglinis ng kalsada at magsegregate ng basura. Hindi man ito utos ng guro, ginagawa niya ito nang bukal sa loob dahil gusto niyang makatulong sa komunidad.

4. Bilang bahagi ng kanilang Science Month, lumahok si Renz at ang kanyang klase sa tree planting activity sa tabi ng ilog. Tiniyak nila na maayos ang pagtatanim upang makatulong sa pag-iwas sa pagbaha at pag-init ng panahon.

28 of 59

Pagtataya

5. Si Noel ay miyembro ng youth ministry sa kanilang simbahan. Tuwing Linggo, siya ay tumutulong bilang altar server at tagapag-ayos ng mga silya bago magsimula ang misa. Hindi siya binabayaran, ngunit natutuwa siyang nakapaglilingkod sa Diyos at sa kanyanga kapwa mananampalataya.

29 of 59

Mga Layunin

1. Natutukoy ang mga hadlang sa pakikilahok at bolunterismo.

2. Naisusuri kung paano mapagtatagumpayan ang mga ito..

3. Napahahalagahan ang pagiging handang tumulong nang walang kapalit.

30 of 59

BALIK-TANAW

31 of 59

“Ano ang mga dahilan kung bakit minsan ay ayaw tumulong ang iba?”

32 of 59

Mga Hadlang at Solusyon sa Boluntaryong Paglilingkod

33 of 59

1. Kawalan ng Oras → Time Management

Isa sa mga karaniwang hadlang sa boluntaryong paglilingkod ay ang kawalan ng oras dahil sa dami ng gawain sa paaralan, trabaho, o pamilya. Ang solusyon dito ay ang maayos na pamamahala ng oras (time management). Dapat matutong magtakda ng prayoridad at maglaan ng ilang oras para sa mga gawaing makabuluhan sa lipunan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng balanse sa personal na buhay at paglilingkod sa kapwa.

34 of 59

2. Takot sa Responsibilidad → Pagpapalakas ng Loob

Maraming tao, lalo na ang kabataan, ang natatakot sumubok dahil baka magkamali o mabigatan sa tungkulin. Ang tamang solusyon dito ay pagpapalakas ng loob (self-confidence). Dapat maunawaan na ang bawat pagkilos, gaano man kaliit, ay may malaking ambag sa kapwa. Ang pagtitiwala sa sarili at pagsisimula sa maliliit na gawain ay makakatulong upang masanay sa mas malalaking responsibilidad.

35 of 59

3. Walang Interes → Pagkilala sa Halaga ng Ambag sa Lipunan

Ang kakulangan sa interes ay madalas bunga ng hindi pag-unawa sa kahalagahan ng boluntaryong paglilingkod. Ang solusyon ay pagpapalawak ng kamalayan sa epekto ng bawat ambag sa kapwa at sa komunidad. Kapag nakita ng isang tao na nakatutulong siya sa pagbabago ng buhay ng iba, mas nagiging makabuluhan at nakaaaliw ang paglahok sa mga ganitong gawain.

36 of 59

1. Panahon ( Time )

2. Talento ( Talent)

3. Kayamanan ( Treasure)

Upang makamit ang kabutihang panlahat;

37 of 59

Mula sa 3 T’s na ito makikita natin ang pakikilahok at bolunterismo ay dapat ginagawa nang buong husay kasama ang puso at nang may pananagutan para makamit ang kabutihang panlahat. Mula rito nagkakaroon ang tao ng pagkakataon na ibahagi ang kaniyang sarili sa kapuwa at nagagampanan din niya ang habilin sa atin ng Diyos na mahalin ang kapuwa tulad ng pagmamahala sa sarili

38 of 59

“Sagip-Bayan Challenge”

Pumili ng isang hadlang mula sa tinalakay na aralin. Mag-isip ng paraan kung paano mapagtatagumpayan ang napiling hadlang sa pamamagitan ng maikiling dula.

39 of 59

Mga Layunin

1. Naipaliliwanag kung paano nakatutulong ang pakikilahok sa pag-unlad ng pamayanan.

2. Naisusulong ang diwa ng bayanihan at kolektibong pagkilos.

3. Napahahalagahan ang pagiging handang tumulong nang walang kapalit.

40 of 59

BALIK-TANAW

41 of 59

Brigada Eskwela

Feeding Program

42 of 59

Mga Antas ng Pakikilahok

43 of 59

ANTAS ng PAKIKILAHOK

1. Impormasyon. Mahalagang matuto na magbahagi ng kaniyang nalalaman o nakalap na impormasyon.

44 of 59

ANTAS ng PAKIKILAHOK

2. Konsultasyon. Hindi lang sariling opinion o ideya ang mangingibaw jundi kailangan rin making sa puna ng iba.

45 of 59

ANTAS ng PAKIKILAHOK

3. Sama-samang pagpapasya. Upang lalong maging matagumpay ang isang gawain mahalaga ang pagpapasya ng lahat.

46 of 59

ANTAS ng PAKIKILAHOK

4. Sama-samang pagkilos. Hindi magiging matagumpay ang anumang gawain kung hindi kikilos ang lahat

47 of 59

ANTAS ng PAKIKILAHOK

5. Pagsuporta. Mapapadali ang isang gawain kahit mahirap kung ang bawat isa ay nagpapakita ng suporta dito.

48 of 59

“Community Map of Help”

Ilarawan ang mga paraan ng pagtutulungan sa kanilang barangay o paaralan.

49 of 59

Takdang Aralin

Maghanda ng mga art materials na gagamitin sa pagbuo ng props o poster para sa mini-volunteer campaign bukas.

50 of 59

Mga Layunin

 1. Nakagagawa ng isang konkretong plano ng bolunterismo.

 2. Naipapakita ang pagpapahalaga sa kabutihang panlahat.

 3. Napahahalagahan ang pagiging handang tumulong nang walang kapalit.

51 of 59

BALIK-TANAW

52 of 59

“Kung may isang proyektong tutulungan mo sa inyong barangay, ano ito at bakit?”

53 of 59

RBB

Bumuo ng Mini-Action Plan (Individual o Group):

  •  Layunin
  •  Mga Gagawin
  •  Kailan at Saan
  •  Inaasahang Epekto

54 of 59

PAGTATAYA

1. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kikilalanin ng tao ang kanyang _____________.

55 of 59

PAGTATAYA

2. Ang _______________ ay isang tungkulin na kailangan mong gawin sapagkat kung ito ay hindi mo isinagawa ay mayroong mawawala sa iyo.

56 of 59

PAGTATAYA

3. Kapag hindi mo ginawa ang ______________ ay hindi ka apektado kundi ang taong hindi mo natulungan.

57 of 59

PAGTATAYA

4. Sa bawat _____________________ ay ipinakikita natin ang kahalagahan ng Diyos sa ating buhay.

58 of 59

PAGTATAYA

5. Ang __________________ ay isang birtud na kailangan sa pakikipag-ugnayan

at pagbuo ng tiwala sa iba.

59 of 59

Maraming Salamat