Divisibility Rules
Values Education ikaapat na linggo
A. Gamit ang graphic organizer, isulat ang mga ugat at epekto ng pakikipagkapuwa na natalakay.
UNANG ARAW
Paano nalilinang ang pagmamalasakit sa pakikipagkapuwa?
Ang pagmamalasakit sa kapuwa ay naisasabuhay kapag tayo ay may pananampalataya sa Diyos. Naniniwala tayo na kalooban ng Diyos ang gumawa ng mabuti at mahalin ang ating kapuwa gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili. Sa susunod na aralin, pag-aaralan naman ang impluwensiya ng pananampalataya sa pag iingat sa sarili at paggalang sa buhay.
Pananampalataya Bilang Gabay sa Pag-iingat sa Sarili at Pagkamit sa Layunin ng Pagkalikha
Isulat sa thought web ang pinaniniwalaan mo tungkol sa iyong pinagmulan?
Bata Bata, Saan Ka Nagmula?
Ang tao ay may pinagmulan at may patutunguhan. Ang katotohanang ito ang ugat ng halaga ng ating buhay.
Kumuha ng kapareha at isulat ang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa larawan ng lapis. Ang tatlong walang laman ay maaaring lagyan ng bagong salita habang tinatalakay ang aralin.
“Ang pananampalataya ay ang katiyakan ng mga bagay na inaasahan, ang paniniwala sa mga bagay na hindi nakikita.” Mababatid natin mula dito na ang pangunahing katangian ng pananampalataya ay pagtitiwala at paniniwala (Harmon, 2022). Nagtitiwala tayo na totoo ang mga salita at pangako ng Diyos tungkol sa kung sino tayo at gaano tayo kahalaga.
Mga Awit 139:13-16
Magandang Balita Biblia
13 Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha,sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata.�14 Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.
15 Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim.�16 Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.
Ang Halaga ng Tao
IKALAWANG ARAW
Sa Genesis 1:26 nakasaad na sinabi ng Diyos, “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawat umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.”
Mga Pamimilian
emosyon
espesyal kalooban
kahawig
katalinuhan
katiwala
pamahalaan
pamunuan
Ang Pananampalataya at Pag-iingat sa Sarili
Isang paraan ng pagbibigay-halaga sa buhay ay ang pangangalaga sa sarili upang magampanan ang mga layunin ng pagkalikha. Ang pananampalataya ay maaaring maging isang makapangyarihang kasangkapan para sa pangangalaga sa sarili. Narito ang ilan sa mga dahilan:
Maraming pananampalataya ang nag-aalok ng balangkas para maunawaan ang mundo at ang iyong lugar dito.
• Nagbibigay ng layunin at kahulugan:
Ang pananampalataya ay maaaring magbigay ng pakiramdam ng kaginhawahan at seguridad. Ang paniniwala sa isang mas mataas na kapangyarihan ay makatutulong sa iyong pakiramdam na hindi ka nag-iisa, may katuwang ka sa buhay at higit na makayanan ang stress at pagkabalisa.
• Nakababawas ng stress at pagkabalisa:
Maraming pananampalataya ang nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagpapatawad at pagmamahal sa kapuwa at sa sarili. Makatutulong ito sa iyong iwanan ang negatibong pagpuna at tumuon sa pagtanggap sa sarili.
• Nagtataguyod ng pagpapatawad at pagmamahal sa sarili:
Ang mga komunidad na nakabatay sa pananampalataya ay maaaring magbigay ng isang malakas na sistema ng suporta sa lipunan. Ang pakiramdam na konektado sa iba ay maaaring mapabuti ang iyong kalooban at pangkalahatang kagalingan.
• Nagpapalakas ng mga koneksiyon sa lipunan:
Paraan ng Pag-iingat sa Sarili Gabay ang Pananampalataya
Makatutulong ito upang mapayapa ang isip lalo na sa mga panahong nagugulumihanan.
1. Gumugol ng oras sa panalangin o pagmumuni-muni.
Maaaring mabigyan ng magandang pananaw sa buhay lalo na sa mga pagkakataong kailangan ng gabay.
2. Magbasa ng banal na kasulatan o iba pang relihiyosong teksto.
Ang pakikisalamuha sa mga kapareho ng pananampalataya ay nagiging daan sa paghihikayat sa isa’t isa. Napapalago nito ang sosyal na aspekto ng ating pagkatao.
3. Dumalo sa mga relihiyosong serbisyo.
Ang paglilingkod sa ibang tao ay paglilingkod din sa Diyos. Ito rin ay tumutulong sa atin na maging selfless o hindi makasarili.
4. Magboluntaryo sa iyong komunidad.
Bilang tagapamahala ng Diyos, gawing makabuluhan ang iyong buhay sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga makikita sa kalikasan.
5. Gumugol ng oras sa kalikasan.
Upang maging balanse ang pag-iingat sa sarili, maglaan ng oras upang mamasyal, mag-ehersisyo, at matulog ng sapat. Ang magandang kalusugan ay nagdudulot ng maayos na pag iisip, magandang paningin, pisikal na liksi, masaya at mahabang buhay.
6. Gumugol ng oras para sa pagpapabuti ng pisikal na katawan.
Gawain sa RBB bilang 2:
POSTER MAKING
Gumuhit ng isang pangitain kung saan nakikita mo ang iyong sarili 10 years mula ngayon?
Thank You!