1 of 54

MTB MLE 2

Quarter 2 Week 3

Paggamit ng Iba pang mga Uri ng Panghalip Pamatlig

2 of 54

Nakagawa ka ba ng pangungusap gamit ang mga natutuhang pangahalip?

Mas madaragdagan pa ang iyong kaalaman sa paksang ito upang magamit sa araw-araw.

Layunin

3 of 54

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makabubuo ng mga pangungusap at talata gamit ang iba pang panghalip pamatlig.

4 of 54

Ang mga salitang dito, diyan at doon ay mga halimbawa rin ng panghalip pamatlig.

5 of 54

Ginagamit ang dito kung ang itinuturo ay sa kinatatayuan ng nagsasalita at kausap.

6 of 54

Ginagamit ang diyan kung ang itinuturo ay hindi gaanong malayo sa nagsasalita.

7 of 54

Ginagamit naman ang doon kung ang itinuturo ay malayo sa nag-uusap.

8 of 54

Dito ako nakatira.

9 of 54

Diyan ako nag-aaral

10 of 54

Doon sa dulo ang daan.

11 of 54

Ang panghalip na paari ay nagpapakita ng pag-aari. Tulad ng panghalip na panao, ang panghalip na paari ay ipinapalit sa pangngalan ng taong nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan.

12 of 54

Ang panghalip na paari ay maaaring isahan o maramihan.

Mga halimbawa:

Isahan

akin

iyo

kaniya

Maramihan

atin/amin

inyo

kanila

13 of 54

Lagyan ng tsek (✓) ang pangungusap na gumagamit ng tamang panghalip pamatlig. Lagyan naman ng ekis (X) kung mali ang ginamit. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

14 of 54

___ 1. Matatagpuan mo doon sa malayo ang iyong hinahanap.

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

15 of 54

___ 2. Akin sa tabi mo siya tatayo.

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

16 of 54

___ 3. Diyan sa tabi ko lamang iniwan ang halaman.

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

17 of 54

___ 4. Dalhin mo dito ang aking bag.

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

18 of 54

___ 5. May itatanim ako malapit doon.

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

19 of 54

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

Lagyan ng tsek (✓) ang pangungusap na gumagamit ng tamang panghalip na paari. Lagyan naman ng ekis (X) kung mali ang ginamit. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

20 of 54

___ 1. Akin ang damit na ito.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

21 of 54

___ 2. Sa amin ang mga halamang ito.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

22 of 54

___ 3. Sa iyo ba ang drawing na ito?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

23 of 54

___ 4. Sa kaniya ang krayolang ito.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

24 of 54

___ 5. Malaki ang ating bahay. Ito ang sabi ni Kara sa kalaro.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

25 of 54

Piliin sa loob ng panaklong ang panghalip pamatlig na angkop sa diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

26 of 54

1. Pupunta

(ito, dito, ganito) sa bahay natin si Maria.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

27 of 54

2. Ang pagkain

ay (ganoon, doon, iyon) bibilhin.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

28 of 54

3. (Dito, Diyan, Doon) mo ilagay sa tabi ko ang aking salamin.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

29 of 54

4. Nakikita mo ba iyong isla na hugis tatsulok? (Dito, Diyan, Doon) tayo pupunta.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

30 of 54

5. Halika

(dito, diyan, doon)

sa tabi ko. Lambing ng nanay sa kaniyang anak.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

31 of 54

Piliin ang tamang panghalip paari sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

E. Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

32 of 54

1. Sa (ako, akin) ang damit sa kabinet.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

33 of 54

2. Tungkol sa (amin, niya) ang kuwentong isinulat ni tatay.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

34 of 54

3. Sa (kaniya, akin) ko ibinigay ang bagong pantasa.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

35 of 54

4. (Atin, Amin) lahat ang mga pagkain sa mesa. Ito ang sinabi ng tatay ni Melly sa kanila.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

36 of 54

5. Sa (inyo, akin) ba ang malaking bahay sa plaza?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

37 of 54

Punan ng angkop na panghalip pamatlig ang pangungusap ayon sa ipinakikita ng nasa larawan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

38 of 54

1. ________ mo itapon ang basura

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

39 of 54

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

2. Gusto kong pumunta ______ sa bundok

40 of 54

3. _____ mo ilapag sa mesa ang pagkain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

41 of 54

4. ______ namin itinatapon ang aming basura.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

42 of 54

5. Maraming malalaking puno ________ sa parke.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

43 of 54

Punan ang patlang ng panghalip paaring bubuo ng diwa ng pangungusap.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

44 of 54

1. Lenny at Jill, sa _________ ba ang payong na nasa labas ng bahay?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

45 of 54

2. Maganda ba ang relo ko? Bigay ito sa _____ ng aking lola.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

46 of 54

3. Kay Clara ang pulang sapatos. ______ din ang puting medyas sa tabi nito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

47 of 54

4. Mona, sa ___ pala ang aklat na naiwan sa mesa. Nakasulat ang pangalan mo.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

48 of 54

5. Sabi niya ay nasa _____ ang aking lapis. Hiniram mo raw ito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

49 of 54

Isaayos ang mga pangungusap upang makabuo ng talata. Salungguhitan ang mga panghalip. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:

50 of 54

1. Ako si Carlo, pitong taong gulang.

2. Dahil bawal pang lumabas, ibinigay sa akin ang mga modyul na ito. Babasahin ko ito.

3. Dito ako nakatira malapit sa plaza.

4. Sa kanila naman ng mga kapatid ko ang ibang gamit.

5. Doon naman sa may dulo ang aking paaralan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:

51 of 54

Sumulat ng isa hanggang dalawang talata tungkol sa mga gamit sa inyong bahay ang ang kanilang kinalalagyan. Salungguhitan ang mga panghalip na iyong ginamit. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8:

52 of 54

Natutuhan mo sa aralin na ito na may iba pang mga halimbawa ang panghalip. Dapat tandaan na:

Assimilation

53 of 54

Assimilation

Gagamitin mo ang panghalip na d _ _ _ kapag ang bagay ay malapit sa nagsasalita, _ i _ _ n kung malapit sa kinakausap, at

_ o _ _ kung malayo sa nagsasalita o kinakausap.

54 of 54

Ang panghalip na paari naman ay ginagamit upang tukuyin ang pagmamay-ari.

Assimilation