MTB MLE 2
Quarter 2 Week 1-2
Pagsulat ng Talata Gamit ang mga Panghalip Pamatlig
Nilalayon ng aralin na ito na mahubog ang kakayahan mo sa pagsulat ng talata gamit ang paksa at ang mga Panghalip Panao sa Unang Panauhan. Hangad rin nito na
magamit mo sa pangungusap
ang mga panghalip pamatlig.
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang nakasusulat ng talata gamit ang mga panghalip.
Ang ito, iyan at iyon ay mga salitang ginagamit na pamalit o panghalili sa mga bagay na itinuturo.
Tinatawag ang mga ito na Panghalip Pamatlig. Ang ito ay ginagamit kapag ang bagay ay malapit sa nagsasalita.
Ang iyan ay ginagamit kung malapit sa kinakausap.
Ang iyon naman ay ginagamit kung malayo sa nagsasalita o kinakausap.
Ang panghalip panao sa unang panauhan ay tumutukoy sa taong nagsasalita o kasama ang kaniyang sarili.
1. Ako ay mamimili sa bayan.
Halimbawa:
2. Tayo nang magbasa ng aralin.
Halimbawa:
3. Kami ay magsisimba sa Linggo.
Halimbawa:
Ang mga pangahalip na nabanggit sa mga bahagi ng araling ito ay magagamit mo sa pagsulat ng isang talata. Ang talata ay binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay.
Ginagamit ang panghalip upang hindi maging paulit-ulit ang pagbanggit ng pangngalan o ngalan ng tao, bagay, lugar o hayop.
Ako si Jose. Kapatid ko sina Jennie, Jessa at Joshua. Sina Jennie, Jessa at Joshua ay mababait at mapagmahal. Minamahal
sina Jennie, Jessa, Joshua at
ako, si Jose, ng
aming mga magulang.
Tingnan ang halibawa sa ibaba.
Nabasa mo na paulit-ulit ang mga pangalang Jennie, Jessa, at Joshua. Upang maiwasan ito, gumagamit ng panghalili o pamalit.
Ang talata ay magiging: Ako si Jose. Kapatid ko sina Jennie, Jessa at Joshua. Sila ay mababait at mapagmahal. Minamahal kami ng aming mga magulang.
Lagyan ng tsek (✓) ang pangungusap na gumagamit ng tamang panghalip pamatlig. Lagyan naman ng ekis (X) kung mali ang ginamit. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.
_____ 1. Ako ay pupunta sa Quezon.
D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.
_____ 2. Ito ang modyul ko.
D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.
_____ 3. Iyan pala ang magara ninyong kotse.
D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.
Piliin ang panghalip pamatlig na angkop sa pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
1. (Iyan, Ako) ba ang bago mong bag?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
2. (Kanila, Iyon) ang bago naming bahay.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
3. (Ito, Akin) ang payong ko.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
4. (Iyan, Akin) ba ang sombrero mo?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
5. (Ito, Doon) ay lapis.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
Piliin sa loob ng panaklong ang tamang panghalip pamatlig. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
1. Akin ang dilaw na sombrero. (Ito, Iyan, Iyon) ang isusuot ko sa pamamasyal.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
2. Ang damit na (ito, iyan, iyon) na hawak mo ay akin.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
3. Nakabilad sa labas ang sapatos mo. Kunin mo na (ito, iyan, iyon) dahil umuulan.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
4. Ang modyul na hawak mo ay galing sa paaralan. (Ito, Iyan, Iyon) ay bago.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
5. (Ito, Iyan, Iyon) ang lapis na hawak ko. Ito ay bigay sa akin ni lola.
Basahin nang malakas ang maikling diyalogo. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
E. Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
Lilibeth: Alfred, Toto at Gary, kayo ba ay mabait at masunurin sa inyong mga magulang?
Alfred: Ako po ay nakikinig at sumusunod sa pinag-uutos ng aking nanat at nanay. Kayo, Toto at Gary, ganoon din ba kayo?
Toto: Oo naman. Tayong mga anak ay dapat lumaking masunurin sa magulang.
Gary: Tama! Matuto rin tayong maging magalang sa kanila.
1. Sino-sino ang nag-uusap sa diyalogo?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
2. Ano-anong panghalip panao ang ginamit sa diyalogo?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
3. Ano-anong mga panghalip panao sa unang panauhan ang makikita sa diyalogo?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
Punan ng angkop na panghalip na pamatlig ayon sa larawang nakikita. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
1. ____ ang aming paaralan. Doon kami pumapasok.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
2. ____ ang tanim ng aking tatay. Malapit nang umusbong.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
3. ____ ang bag ng kapatid ko.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
4. ____ ang bag ko.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
5. _____ si John. Siya ang matalik kong kaibigan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Punan ng angkop na panghalip na pamatlig at panao ang mga patlang sa talata. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
Ako si Mel, isang batang nasa Ikalawang Baitang. 1. _____ ay masipag mag-aaral. 2. _____ ang aking modyul. Hawak ko ito at binabasa. 3. _____ naman na nasa dako roon ang gamit ng aking kapatid na si Mila.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
4. _____ ay parehong nag-aaral sa maghapon. Tinatapos namin ang mga gawain bago maglaro. Nag-aaral ka rin ba? Halika, 5. _____ na at mag-aral
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
Isaayos ang mga pangungusap upang makabuo ng talata. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5. Isulat ang mga panghalip. Gawin ito sa iyong kuwaderno
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:
1. Ako ay may tatlong kaibigan.
2. Kami ay laging nagtutulungan.
3. Kami rin ay nagmamahalan.
4. Mababait sila at mapagkakatiwalaan.
5. Sila ay sina Kaye, Myrna at Elisa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:
Sumulat ng isa hanggang dalawang talata tungkol sa paksang iyong napili. Salungguhitan ang mga panghalip na iyong ginamit. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8:
_________________________________________ _________________________________________ _________________________________________ _________________________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8:
Natutuhan mo sa aralin na ito na:
Assimilation
Gagamitin mo ang panghalip na _ t _ kapag ang bagay ay malapit sa nagsasalita.
Assimilation
Angkop naman ang panghalip na _ y _ _ kung malapit sa kinakausap.
Pipiliin mo naman ang panghalip na _ _ o _ kung malayo sa nagsasalita o kinakausap.
Assimilation