1 of 41

PE 2

Quarter 2 Week 1-2

Paglalarawan ng Kilos sa Isang Lokasyon

2 of 41

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang mailalarawan mo, maisasagawa at mapahahalagahan ang mga galaw sa isang lokasyon , direksiyon, antas at landas.

Layunin:

3 of 41

Basahin at unawain ang maikling kuwento.

4 of 41

Ang Masunuring Batà

5 of 41

Isang araw, inutusan si Andrei ng kaniyang nanay na bumili ng asukal sa tindahan. Magiliw niyang sinunod ang kaniyang nanay. Palukso-lukso siyang nagtungo sa tindahan. Tumakbo siya nang mabilis. Paulit-ulit niyang ginawa ang palukso-lukso sa mababa, katamtaman at mataas na antas hanggang sa marating niya ang tindahan.

6 of 41

Sa kaniyang pag-uwi, siya ay nagmamadali kung kaya’t tumakbo siyang dala-dala ang asukal na kaniyang binili. Pinanatili niyang malaki ang kaniyang pag-eskape at tumakbo nang mabilis na kaniyang makakaya. Pagdating niya sa kanilang tahanan, lumundag siya sa paligid patungo sa pintuan at nagpadulas patungo sa kusina kung saan naroon ang kaniyang nanay.

7 of 41

Masayang-masaya ang kaniyang nanay at ipinagmalaki siya nito sa kaniyang pagiging masunurin.

8 of 41

Mapapansin mo na si Andrei ay nagsagawa ng mga kilos. Ano-anong kilos ang ginawa ni Andrei sa pagpunta niya sa tindahan? Ano-anong kilos ang ginawa niya sa kanilang bahay?

9 of 41

Ang paggalaw at paglipat ng posisyon o lokasyon ay tinatawag na kilos.

10 of 41

Mga Halimbawa ng Kilos

Pagtakbo (running)

Ito ay paghakbang ng unahang paa at kagyat na pagpalit dito ng hulihang paa sa lugar na pinag-alisan. Laging ang unahang paa ang unang ihahakbang.

11 of 41

Mga Halimbawa ng Kilos

Pagkandirit (hopping)

Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsadsad sa lapag ng isang paa at paghila sa paa nang may panimbang ang katawan.

12 of 41

Mga Halimbawa ng Kilos

Pag-iskape (galloping)

Ito ay ginagawa sa pamamagitan nang pagbaluktot ng tuhod at ang katawan ay nakahilig nang pasulong. Nakataas ang paa sa likuran habang humahakbang pasulong na pag-igkas na pag-angat ng katawan.

13 of 41

Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbaluktot ng mga tuhod at siko at pag-imbay ng bisig patungo sa likuran at lumundag nang pasulog at bumababa sa lupa nang sabay ang dalawang paa.

Mga Halimbawa ng Kilos

Pagtalon (jump)

14 of 41

Ito ay isinasagawa na ang bigat ng katawan ay nása unahang paa, samantalang ang isang paa ay nakaunat nang bahagya sa likuran upang maging handa sa pagsisimula ng kilos pasulong.

Mga Halimbawa ng Kilos

Pagpapadulas (sliding)

15 of 41

Sa gabay ng iyong mga kasama sa bahay ay isagawa ang sumusunod na kilos.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

16 of 41

1. Pagtakbo (running)

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

2. Pagkandirit (hopping)

3. Pag-iskape (galloping)

17 of 41

4. Pagtalon (jump)

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

5. Pagpapadulas (sliding)

18 of 41

5 puntos

Naisagawa lahat

4 na puntos

4 lámang ang naisagawa

3 puntos

3 lámang ang naisagawa

2 puntos

2 lámang ang naisagawa

1 puntos

1 lámang ang naisagawa

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

Rubriks sa Pagsasagawa

19 of 41

Pagmasdan at hanapin ang lokasyong tinutukoy. Basahin ang paglalarawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong sa susunod na pahina. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

20 of 41

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

Ito ang Kalye Sarado na may tuwid na daan. Sa tuwid na daan

na ito ay sarado sa dulo. May makikitang kang Half Basketball court. Sa half basketball court, may mga naglalaro. Sila ay tumatalon, tumatakbo ng pakaliwa at pakanan.

May mga bátang nagalaro ng pagkandirit, pagpapadulas at tumatakbo nang mabilis.

21 of 41

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

Sa kanang bahagi ng tuwid na daan ay may naglalakad nang mabilis. Sa kaliwang bahagi ay may nagapadulas na mga bata. Sa gitnang bahagi ay naglalaro ng patintero. Mabilis siláng tumatakbo upang makalusot sa kalaban. Maraming tao na nagsasagawa ng iba’t ibang galaw ang makikita sa Kalye Sarado

22 of 41

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

Sagutin ang tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

23 of 41

2. Ano-ano ang mga direksiyon na tinukoy?

Sagutin ang tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

24 of 41

3. Anong lokasyon ang tinukoy sa kuwento?

Sagutin ang tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

25 of 41

4. Kung ikaw ay nása saradong kalye, magsasagawa ka rin ba ng mga kilos na nabanggit? Bakit?

Sagutin ang tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

26 of 41

Ilarawan ang isinasaad sa mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang mga salitáng ginamit sa paglalarawan ng galaw sa isang lokasyon, direksiyon, antas at landas.

Gawin ito sa iyong kuwaderno

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

27 of 41

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

1. Tumakbo nang mabilis pakanan si Mario upang hindi siya mahulí sa

klase.

28 of 41

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

2. Ang kapatid ko ay mahilig magkandirit sa harapan ng aming bahay.

29 of 41

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

3. Pagtalon nang mataas ang kaniyang ginawa sa palikong daan.

30 of 41

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

4. Pag-iskape nang buong lakas ang kaniyang ginawa sa bahaging kanan ng kalsada

31 of 41

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

5. Tuwing umuulan, pagpapadulas nang bahagya ang kaniyang ginagawa sa may tagiliran ng bahay upang makasahod ng tubig

32 of 41

Sagutan ang puzel. Hanapin at isulat sa kuwaderno ang mga salitang naglalarawan ng galaw sa iba’t ibang lokasyon, direksiyon, antas at landas.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

33 of 41

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

34 of 41

Gumuhit ng isang galaw sa isang lokasyon.

Gawin ito sa kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

Halimbawa: tumatalon sa harapan ng bahay

35 of 41

Sagutin ang hinihingi sa sitwasyon sa ibaba.

Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

36 of 41

1. Ipinaabot ng nanay mo ang damit na sinampay. Anong galaw ang isasagawa mo?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

37 of 41

2. Magsisimula na ang paborito mong palabas sa telebisyon. Wala kapa sa bahay dahil bumili ka sa tindahan. Ano ang gagawin mo?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

38 of 41

3. Madulas ang daanan na daraanan mo. Ano ang gagawin mo?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

39 of 41

Gumupit o gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng paggalaw sa isang lokasyon, ilarawan ang galaw o kilos na ito. Gawain ito sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:

40 of 41

Punan ang mga patlang ng mga angkop na salita upang makabuo ng makabuluhang talata tungkol sa aralin.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:

41 of 41

May mga galaw o _______________ táyong ginagawa sa iba’t ibang _______________, direksiyon, antas at landas. Ang ilan sa mga galaw o kilos ay ang pagtakbo, _______________, pagkandirit, pag-iskape at _______________.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:

paglakad kilos lugar pagpapadulas