1 of 64

2

2 of 64

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katuwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao.

2. Napahahalagahan ang sariling karapatan at naigagalang ang karapatan ng ibang tao.

3 of 64

UNANG

ARAW

4 of 64

PAUNANG GAWAIN: Karapatan o Tungkulin?

KARAPATAN

TUNGKULIN

PANTAO

BATAS

5 of 64

MGA PAHAYAG:

    • "Ang magkaroon ng sapat na pagkain araw-araw."

6 of 64

    • "Ang tumulong sa mga gawaing-bahay."

7 of 64

    • "Ang magsabi ng totoo sa lahat ng oras."

8 of 64

    • "Ang magkaroon ng edukasyon."

9 of 64

    • "Ang igalang ang karapatan ng iba."

10 of 64

TUNGKULIN

KARAPATAN

TALAKAYAN

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

11 of 64

Karapatan

❖ Kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay

❖ Nakabatay sa Likas na Batas Moral

❖ Pakikinabang ng tao dahil tao lamang ang may moral na kilos

❖ Kaakibat ay obligasyon o tungkulin

12 of 64

Mga Karapatang Halaw sa Pacem in Terris

1) Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib

2) Karapatan sa batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay

3) Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon

4) Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya

5) Karapatan sa pagpili ng propesyon

6) Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan

7) Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto

8) Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga karapatang ito

13 of 64

Mga Karapatan at ang Kaakibat na Tungkulin Nito

1. Karapatan sa buhay

❖ Pangalagaan ang kalusugan at ang sarili sa mga panganib ng katawan at kaluluwa.

❖ Paunlarin ang talento at kakayahan.

❖ Pagpapagamot kung may sakit

❖ Umiwas sa isport na mapanganib

2. Karapatan sa pribadong buhay

❖ Pangalagaan at palaguin ang anumang ari-arian at gamitin ito upang makatulong sa kapwa at sa pamayanan

14 of 64

3. Karapatang magpakasal o bumuo ng pamilya

❖ Suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao

❖ Pagiging mabuting halimbawa sa anak

❖ Pag-iwas sa iskandalo na makakasira sa pamilya

❖ Pagsasabuhay ng mga birtud bilang pamilya

4.Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya

❖ Igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba

❖ Paggalang sa pag-alaala sa mga patay at ninuno

15 of 64

5. Karapatang pumunta sa ibang lugar

❖ Igalang ang pribadong boundary

❖ Kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapwa

❖ Paggalang sa pag-aari ng iba

6. Karapatang magtrabaho at maghanapbuhay

❖ Magpunyagi at magpakita ng kahusayan sa anumang gawain

❖ Hindi pinalilipas ang oras na walang ginagawa

16 of 64

Epekto ng Hindi Pagtupad sa Tungkulin

❖ Kawalan ng katarungan

❖ Kawalan ng kapanatagan

❖ Pagsisisi

❖ Kaguluhan ng kaisipan

❖ Sirang pangako at uganayan sa kapwa

17 of 64

Fundamental Principles for Humanity

❖ Ang bawat tao - anuman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan, opinyon sa mga isyung politikal, wika, edad, nasyonalidad, o relihiyon – ay may tungkulin na pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang makatao.

❖ Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng hindi makataong asal, kaya ang lahat ng tao ay may tungkuling pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at tiwala sa sarili at kapwa.

❖ Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army, o pulisya ang dapat mangibabaw sa mabuti at masama, lahat ay dapat sundin ang pamantayang moral. Bawat isa ay may tungkuling itaguyod ang mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay.

❖ Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensiya, ay dapat tanggapin ang kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya at pamayanan, lahi, bayan at relihiyon nang may pagkakaisa. Huwag mong gawin sa iba ang anumang ayaw mong gawin nila sa iyo.

18 of 64

Kaakibat ng karapatan ng isang tao ay ang kanyang tungkulin sa kanyang kapwa na igalang ang karapatan nito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdaming pagsisisi. Kasama sa pagiging moral ng tao ay ang tungkulin. Ang pagtalikod o hindi pagtupad sa tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili at mga ugnayan.

19 of 64

TAKDANG ARALIN

Aralin ang kanta ng Apo Hiking Society na pinamagatang “Bawat bata”. I-print o sulatin ang kopya ng liriko sa iyong notbuk.

20 of 64

Aling tungkulin ang kaakibat ng bawat karapatan sa ibaba?

Karapatan

Tungkulin

1. Karapatan sa buhay

a. Magpakita ng kahusayan sa paggawa

2. Karapatan sa pribadong ari-arian

b. Paggalang sa pribadong boundary

3. Karapatang pumunta sa ibang lugar

c. Pangangalaga sa kalusugan ng katawan at kaluluwa

4. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya

d. Pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad

5. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay

e. Paggalang at pagdiriwang sa Araw ng Pasko

21 of 64

IKALAWANG ARAW

KARAPATAN

22 of 64

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

    • Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan o lipunan/bansa.

2. Natutukoy ang mga paglabag sa karapatang pantao.

3. Nakapaglalahad ng tungkuling kaakibat ng bawat karapatang pantao.

23 of 64

24 of 64

Suriin ang awiting “Bawat Bata” ng Apo Hiking Society. Itala ang mga karapatan ng bata na binanggit sa awitin. Sagutan ang sumusunod na katanungan sa notbuk.

1. Naranasan mo rin ba ang mga karapatang ito? Ipaliwanag.

2. May nasaksihan ka bang paglabag sa mga karapatang nabanggit? Ano ang iyong naging damdamin ukol dito?

25 of 64

Bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin. Ang karapatang pantao na kaloob ay hindi pansarili lamang. Ang kaganapan nito ay nasa pakipagkapwa-tao sa lipunan.Kapag ang isang tao ang mabuting nakikipag-ugnayan sa kapwa, magdudulot ito ng kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa.

Ang pagpapasya sa kung ano ang nararapat gampanan sa mga tungkulin ay dala ng kaloob na karapatang pantao. Ngunit tandaan na may mga batas na kinakailangang sundin sa lipunan.

26 of 64

Sagutan ang Pagsasabuhay A, sa pahina 84. Gamitin ang pahina 79-81 para sagutin ang mga tanong.

 

Magnilay at gumawa ng mga tiyak na pamamaraan sa pagsasabuhay ng mga Karapatan mula sa Universal Declaration of Human Rights (UDHR) at mga kaakibat nitong tungkulin, Maaring pumili ng mga Karapatan mula sa UDHR at tukuyin ang katapat na tungkulin at paraan ng pagsasabuhay nito. Isulat sa notbuk ang iyong sagot.

27 of 64

Mga Paraan sa Pagsasabuhay ng mga Karapatan at Kaakibat Nitong Tungkulin

Karapatan

Kaakibat na Tungkulin

 

 

28 of 64

IKATLONG ARAW

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com

29 of 64

  1. Pangkatin sa walo ang klase. Magpalabunutan sa pag-uusapang paksa halaw sa encyclical ni Papa Juan XXIII na “Kapayapaan sa Katotohanan (Pacem in Terris).

1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib

2. Karapatan sa mga batayang pangngailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay (pagkain, damit, tahanan, edukasyon, pagkalingang pangkalusugan, tulong sa walang trabaho at tulong sa pagtanda)

3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon o impormasyon

4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya

5. Karapatan sa pagpili ng propesiyon

6. Karapatan sa malayang paglipat sa inbang lugar upang manirahan (migrasyon)

7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto

8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag sa karapatang pantao

30 of 64

B. Itala ang mga paglabag sa mga karapatang napili.

C. Iulat sa klase ang napag-usapan sa pamamagitan ng isang malikhaing paglalahad gaya ng sabayang pagbigkas, awit o rap.

31 of 64

Sabihin kung anong karapatan ang nalabag batay sa sumusunod na headlines ng balita. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Karapatan sa Buhay

Karapatan sa Pribadong Ari-arian

Karapatan sa Pagpunta sa Ibang Lugar

Karapatang Makapaghanapbuhay Karapatang Ipahayag ang Pananampalataya

Karapatan sa Pagpapahayag

32 of 64

  1. Fetus Natagpuan sa Tagiliran ng Simbahan

2. Gabinete, Ikinasa na ang Batas Laban sa “Endo”

3. Demolition ng Squatters sa Novaliches, Nauwi sa Karahasan

4. Tigil Pasada Ikinasa ng mga Transport Group sa Kalakhang Maynila

5. 1 Patay, 5 Sugatan sa Salpukan ng Jeepney at Tricycle

33 of 64

TAKDANG ARALIN:

Magdala ng art materials (bond paper, crayons, pencil?) o gamit para sa digital tools (cellphone, load)

34 of 64

IKAAPAT NA ARW

KARAPATAN

35 of 64

RBB TASK 2: GUHIT NG KARAPATAN KO’

    • Layunin: Makagawa ka ng isang visual presentation o infographic na magpapakita ng mga paglabag sa karapatang pantao sa iyong pamilya, paaralan, barangay, o lipunan. Ang gawain ay magsusulong ng iyong pagkaunawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao.

36 of 64

Panuto:

    • Pagpili ng Paksa:
      • Pumili ng isa sa mga sumusunod na konteksto bilang paksa ng iyong infographic:
        • Pamilya
        • Paaralan
        • Barangay
        • Lipunan

37 of 64

2. Pagsasaliksik ng Mga Paglabag:

Mag-isip at magbigay ng halimbawa ng mga karaniwang paglabag sa karapatang pantao na nangyayari sa napiling konteksto (halimbawa: karahasan sa pamilya, pang-aapi sa paaralan, diskriminasyon sa barangay, o korapsyon sa lipunan).

38 of 64

3. Paggawa ng Infographic:

    • Gumamit ng mga simpleng simbolo, larawan, at maikling pahayag upang maipakita ang mga sumusunod:
    • Isang maikling paglalarawan ng napiling paglabag.
    • Paano naaapektuhan ang mga tao ng paglabag na ito.
    • Mga mungkahi kung paano maiiwasan o matutugunan ang ganitong mga paglabag.
    • Huwag kalimutang gawing makulay, malinaw, at kaakit-akit ang iyong infographic.

39 of 64

4. Paggamit ng Papel o Digital Tools:

    • Maaari kang gumamit ng bond paper at mga colored pen, lapis, o krayola upang iguhit ang iyong infographic. Kung mayroon kang access sa gadgets, maaari mo ring gamitin ang mga simpleng digital tools tulad ng Canva o MS PowerPoint.

40 of 64

5. Oras

    • Mayroon kang 40 minuto upang gawin ang iyong infographic. Siguraduhing tapos na ito sa loob ng itinakdang oras.

6. Pagpapakita ng Output:

    • Pagkatapos ng 40 minuto, ipapakita mo ang iyong ginawa sa harap ng klase. Maglaan ng 2-3 minuto upang ipaliwanag kung anong paglabag sa karapatang pantao ang iyong ipinakita at kung bakit ito mahalaga.

41 of 64

IKALIMANG

ARAW

42 of 64

43 of 64

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

44 of 64

1. Ano ang ibig sabihin ng salitang karapatan?

A. Kapangyarihang ipagkait sa iba

B. Likas na taglay ng tao mula kapanganakan

C. Pribilehiyong ibinibigay ng pamahalaan

D. Isang tungkulin ng bawat mamamayan

45 of 64

2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng karapatang pantao?

A. Pagsunod sa batas

B. Karapatan sa buhay

C. Pagbabayad ng buwis

D. Paglilinis ng komunidad

46 of 64

3. Ano ang tawag sa mga responsibilidad na kaakibat ng ating karapatan?

A. Likas na Batas

B. Obligasyon

C. Tungkulin

D. Pribilehiyo

47 of 64

4. Anong pangunahing tungkulin ang kaakibat ng karapatan sa edukasyon?

A. Makapagtapos at magsikap sa pag-aaral

B. Pumili ng propesyon

C. Magpahayag ng opinyon

D. Magtayo ng sariling paaralan

48 of 64

5. Kung may karapatan kang manirahan sa ligtas na tahanan, ano ang iyong tungkulin?

A. Sumunod sa mga patakaran ng barangay

B. Magtayo ng sariling bahay

C. Irespeto ang ari-arian ng iba

D. A at C

49 of 64

6. Ayon sa Panatang Makabayan, bakit mo diringgin ang payo ng iyong magulang?

A. Dahil ito ay utos ng guro

B. Bahagi ito ng pagiging makabayan

C. Bahagi ito ng batas ng pamahalaan

D. Dahil ito ay nakasaad sa Konstitusyon

50 of 64

7. Anong karapatan ang lumalabag kapag pinipigilan kang mag-aral?

A. Karapatan sa buhay

B. Karapatan sa kalayaan

C. Karapatan sa edukasyon

D. Karapatan sa kaligtasan

51 of 64

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng tungkulin?

A. Pagtulong sa pamayanan

B. Pagrespeto sa karapatan ng iba

C. Pagwawalang-bahala sa batas

D. Pagtataguyod ng kapayapaan

52 of 64

9. Kung ikaw ay may karapatang magpahayag ng opinyon, ano ang tungkulin mo?

A. Irespeto ang pananaw ng iba

B. Manahimik na lang

C. Laging sumang-ayon sa karamihan

D. Huwag nang makialam

53 of 64

10. Ano ang epekto ng hindi pagtupad sa tungkulin?

A. Kapayapaan

B. Katarungan

C. Kawalan ng kapanatagan

D. Kaayusan

54 of 64

11. Anong birtud ang ipinapakita sa pagsunod sa tuntunin ng paaralan?

A. Pagpapasensya

B. Disiplina

C. Pagmamahal

D. Katapatan

55 of 64

12. Sa Panatang Makabayan, alin sa mga ito ang hindi binanggit na tungkulin?

A. Mag-aral

B. Magdasal

C. Maglingkod

D. Magpatawa

56 of 64

13. Ano ang pangunahing kaugnayan ng karapatan at tungkulin?

A. Magkalaban sila

B. Walang koneksyon

C. Magkaugnay at dapat balanse

D. Mas mahalaga ang karapatan kaysa tungkulin

57 of 64

14. Ano ang tawag sa prinsipyong nagsasabing “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo”?

A. Batas ng Pamahalaan

B. Batas ng Tao

C. Batas Moral

D. Batas Kalikasan

58 of 64

15. Ano ang dapat gawin kung may sakit bilang pagtupad sa karapatang mabuhay?

A. Manahimik na lang

B. Magpagamot

C. Huwag pansinin

D. Umiwas sa magulang

59 of 64

16. Ano ang pangunahing tungkulin ng anak sa pamilya?

A. Magbigay ng pera

B. Sumunod at gumalang

C. Magtrabaho agad

D. Umalis ng bahay

60 of 64

17. Kung lahat ay gagamit ng karapatan nang walang pakialam sa tungkulin, ano ang mangyayari?

A. Kapayapaan

B. Kaayusan

C. Kaguluhan

D. Pagkakaisa

61 of 64

18. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng karapatan ayon sa Pacem in Terris?

A. Karapatan sa buhay

B. Karapatan sa kalayaan sa relihiyon

C. Karapatan sa propesyon

D. Lahat ng nabanggit

62 of 64

19. Ano ang ipinapakita ng pagboboluntaryo sa mga gawain ng barangay?

A. Karapatan sa pamayanan

B. Tungkulin sa pamayanan

C. Karapatan sa buhay

D. Karapatan sa trabaho

63 of 64

20. Bakit mahalagang gampanan ang ating tungkulin?

A. Upang magkaroon ng pera

B. Upang makilala ng lahat

C. Upang magkaroon ng kaayusan at kapayapaan

D. Upang maprotektahan ang sariling interes

64 of 64

SUSI SA PAGKATUTO

1.B

2.B

3.C

4.A

5.D

6.B

7.C

8.C

9.A

10.C

11.B

12.D

13.C

14.C

15.B

16.B

17.C

18.D

19.B

20.C