TALAAN SA WASTONG PAGSASAPAMILIHAN NG INANING GULAY
Nakapunta ka na ba sa isang pamilihan ng gulay?
Alam mo ba na bago pa ito dumating sa pamilihan ay masusi itong sinusuri ng mga magsasaka. Pinaghihiwalay ang mga gulay na may magandang uri, tinitimbang ng wasto. Lahat ito ay kanilang itinatala bago isapamilihan ang mga.gulay.
Ang mga inaning gulay ay kadalasang hindi ibinebenta ng lahatan sa pamilihan. Ito ay inuuri batay sa
Sa taniman pa lamang ay pinaghihiwalay na ng mga mamimitas ang gulay na may mataas na uri at may mababang uri. Ang mataas na uri ay karaniwang naititinda sa mas mataas na presyo, samantalang ang mababang uri ay mas mura ang presyo. May mga gulay rin na hindi na maaaring ipagbili dahil hindi na pumasa sa kalidad ng maaaring itinda.
Narito ang halimbawa ng simpleng talaan ng gulay bago ito isapamilihan.
Pagpapakete ng inaning gulay
Pagkatapos ng pag-aani, ang mga gulay inihahanda para sa pagsasapamilihan sa palengke. Lahat ng mga inaning gulay ay dapat maipakete agad upang mapanatili ang pagkasariwa ng mga ito at upang mas madali ito maidala sa pamilihan. Ang paghihiwa-hiwalay ng mga gulay ay karaniwang ginagawa na sa bukid upang matanggal ang mga gulay na hindi na maaaring ipagbili.
Pagpapakete ng inaning gulay
Isa sa karaniwanang ginagawa sa pagpapakete ay ang pagtitimbang ng mga gulay. Ang bawat supot ay dapat may pare-parehong timbang.
Sa ibang pagkakataon, ang ibang gulay ay ipinapakete ng sa mga mas matitibay na lalagyan kung ito ay ibibiyahe sa malayong lugar.
Pagtatakda ng presyo ng mga panindang gulay
Isa sa karaniwang dahilan kung bakit sa pamilihang bayan bumibili ang mga mamimili ay dahil sa kalidad at kasiguraduhan sa presyo ng mga gulay. Mahalagang alam mo ang tamang pagtatakda ng presyo para sa iyong mga panindang gulay.
Pagtatakda ng presyo ng mga panindang gulay
Maaari kang magtakda ng iyong presyo sa batay sa iyong gastos sa pagtatanim, upa ng mamimili, transportasyon patungo sa pamlihan at ang iyong maaaring maging tubo para sa iyong paninda.
Maaari mo ring maitakda ang presyo ng iyong gulay batay sa presyo ng ibang nagtitinda o batay sa presyo na itinakda ng pamilihan.
Pagsasaayos ng mga panindang gulay
Ang ibang pamilihan ay may kani-kaniyang panuntunan at batas sa pagsasa-ayos ng paninda. Maaari mong ayusin ang iyong mga paninda sa pamamagitan ng paglalagay ng istante o patungan kung saan dito mo ipapatong ang iyong mga paninda.
Pagsasaayos ng mga panindang gulay
Ang istante ay dapat nakaayos at nakakahikayat ng mamimili.. Dapat ay madali din itong makita at palaging nililinis.