Araling Panlipunan 2
Quarter 2 Week 5
Mga Katangian ng Sariling Komunidad
WELCOME
Sa araling ito, inaasahan na maihahambing mo ang katangian ng sariling komunidad sa iba pang komunidad tulad ng likas na yaman, produkto at hanapbuhay, kaugalian at mga pagdiriwang na mayroon
ito. Sa pamamagitan nito maipakikita mo
na higit mong kilála ang iyong
komunidad.
Masdan mo ang larawan.
Ano ang ipinakikita ng larawan?
Ano-anong katangian mayroon ang iyong komunidad?
Mayroon din ba nito sa ibang komunidad?
Ang bawat komunidad ay may iba’t ibang katangian. Maraming biyaya ang Diyos sa ating komunidad.
Isa rito ay ang mga likas na yaman. Ang likas
na yaman ay mga bagay na nagmumula
sa kalikasan tulad ng lupa, kabundukan,
karagatan, mga ilog at lawa maging
mga depositong mineral. Ang mga
ito ay tinatawag na kayamanang
mana ng bansa.
May mga ipinagmamalaki ring mga produkto at pagkain ang iba’t ibang komunidad. Kilala ang lalawigan
ng Batangas sa kapeng barako. Ang bayan ng
Lucban ay kilála naman sa longganisa at
pansit habhab. Ang lalawigan ng
Laguna ay tanyag naman sa
mga pagkain nito tulad ng
kesong puti, puto, espasol,
buko pie, itlog na maalat
at kinulob na itik.
Marami ring mahahalagang araw sa ating mga komunidad. Ang mga pagdiriwang na ginagawa taon-taon ay tinatawag na tradisyon. Ang mga ito ay maaaring pagdiriwang na panrelihiyon o ayon sa paniniwala at pansibiko.
Ang pagdiriwang na pansibiko ay isinasagawa
taon-taon. Ang mga ito ay
pinagtibay ng batas. Kabílang
sa mga ito ang Araw ng
Kalayaan, Araw ng Kagitingan,
Rebolusyon sa EDSA, Araw ng
mga Manggagawa, Bagong
Taon, maging ang Araw ng
mga Bayani.
Ang pagdiriwang na panrelihiyon ay ginaganap batay
sa paniniwala at relihiyon. Naging tradisyon na natin maging Kristiyano man o Muslim ang pagdiriwang
na ito. Kabilang sa mga pagdiriwang na ito ang
Ramadan , Hariraya Puasa o Eid’l Fitr ng mga
Muslim, Pasko, pista, Santa Cena at
Mahal na Araw. Maliban dito,
may iba pang mga pagdiriwang
sa iba-ibang komunidad batay
sa kanilang kultura at
tradisyon.
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 1!
Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa binasang teksto tungkol sa katangian ng komunidad. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano-anong katangian ng komunidad ang tinukoy sa talata?
2. Alin sa mga ito ang mayroon sa
iyong komunidad? Alin ang wala?
3. Ano ang kahalagahan ng
mga katangiang ito sa iyong
komunidad? Ipaliwanag ang
sagot.
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 2!
Isulat sa iyong kuwaderno ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
_______1. Ang talon ng Pagsanjan ay isa sa mga kilaláng anyong tubig sa bansa.
_______2. Pangunahing hanapbuhay
sa mga kapatagan ng mga lalawigan
ang pagsasaka.
________3. Ang pista o fiesta ay
pagdiriwang na panrelihiyon.
_______4. Ang lalawigan ng Batangas ay
kilala sa kapeng barako.
_______5. 5. Si Julian Felipe na
kompositor ng Lupang Hinirang
ay tanyag sa lalawigan ng Cavite.
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 3!
Lagyan ng tsek (✓) kung tama ang pahayag sa ibaba, at ekis (X) naman kung mali. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
________1. Lahat ng komunidad ay magkakapareho.
________2. Ang bawat komunidad ay
may sariling kapistahan.
________3. May ipinagmamalaking
produkto ang bawat komunidad.
________4. Maraming komunidad ang may
kilaláng anyong tubig o anyong lupa,
tulad ng bulkang Taal sa Batangas.
________5. Bawat komunidad ay may
sariling katangian.
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 4!
Gumawa ng isang collage sa iyong kuwaderno na nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng iyong komunidad. Lagyan ito ng pangalan. Maaaring humingi ng gabay sa magulang o tagapag-alaga habang ginagawa ang gawaing ito.
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 5!
Iguhit ang mga katangian ng iyong sariling komunidad na nagpapakilala rito. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Gamiting gabay ang kahon sa ibaba.
Katangian ng Aking Komunidad
tanyag na anyong lupa at tubig
produkto
Katangian ng Aking Komunidad
pagkain
pagdiriwang
Katangian ng Aking Komunidad
kaugalian
tanyag na personalidad
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 6!
Iguhit ang mga katangiang magkapareho at magkaiba sa iyong komunidad at sa kalapit na komunidad sa túlong ng kaalaman sa nakaraang gawain. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Magkapareho
Magkaiba
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 7!
Pumili ng isang katangian ng inyong komunidad. Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa katangiang ito.
Katangian ng Aking Komunidad __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________
Punan ang mga patlang upang makabuo ng makabuluhang pangungusap tungkol sa araling ito.
Ang bawat _______ ay may iba’t ibang
_______. Nagkakaiba-iba ang katangian ng
komunidad batay sa likas na yaman, _______ ng komunidad, hanapbuhay sa komunidad,
_______ at pagdiriwang na mayroon ito.
komunidad produkto tradisyon katangian
THANK YOU