Pagbati sa iyo!
Malugod ka naming inaanyayahang magregister sa ikalawang araw ng programa na pinamagatang "Tayo Tayo: Bakla to the Future".
Ang ikalawang araw ng kaganapang ito ay magpopokus sa karanasan ng mga indibidwal sa LGBTQIA+ Community sa lipunan, tulad ng isyu sa:
- Aktibismo at pakikibaka
- Mga aksyong ginagawa ngayon upang malutas ang mga suliraning itinalakay sa unang araw ng kaganapan, tulad ng: paglahok sa Pride March bilang protesta, pagla-lobby ng
bills sa kongreso
- Pulitika at mga karapatang pantao
- Short term goals: pagpapasa ng SOGIE bill, mas maayos na representasyon sa midya, atbp.
- Long term goal: ang paggawa ng isang lipunan kung saan hindi na kakailanganin pang mag-come out o maghanap ng safe space)
Ang forum ay magsisimula sa ganap na 3:00 ng hapon, ika-3 ng ng Hulyo ng kasalukuyang taon sa pamamagitan ng Zoom meeting application, at livestreamed sa Facebook page ng PUP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino (
www.facebook.com/BSPUmalohokan) at PUP Peer Facilitators Association (
www.facebook.com/PUPPeerFacilitatorsAssociation).