Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Filipino 3
Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot.
Pangalan  *
1. Matinding pagbaha ang naranasan sa Leyte at iba pang lugar dahil sa nagdaang bagyo. Anong mungkahing solusyon ang ibibigay sa suliraning ito? *
1 point
2. Napansin mong barado ang mga daluyan ng tubig sa inyong barangay.  Anong mungkahing solusyon ang ibibigay sa suliraning ito? *
1 point
3. Napansin mong maraming lamok sa inyong bakuran, naroon din ang inyong lalagyan ng tubig na walang mga takip.  Anong mungkahing solusyon ang ibibigay sa suliraning ito? *
1 point
4. Dumarami na ang inyong basura dahil di pa makuha ng mga basurero, marami pa namang galang aso at pusa.  Anong mungkahing solusyon ang ibibigay sa suliraning ito? *
1 point
5. Nakita mong nagtapon ng balat ng kendi ang iyong kapatid sa labas ng bahay.  Anong mungkahing solusyon ang ibibigay sa suliraning ito?

*
1 point
6. Ang ______ ay anumang bagay na kailangang lutasin o bigyan ng solusyon. Ito rin ay tinatawag na problema o pagsubok

*
1 point
7.  Ang _____ ay lunas o sagot sa suliranin o problema. *
1 point
8.  _____________ bagyo ang balita ngayon. *
1 point
9. May mga baterya pa ba tayo ____________ flashlight? *
1 point
10.  Ang mga kapote ay ______________ Roberto at Liam. *
1 point
11.  Itabi natin ang cellphone ________ Mark. *
1 point
12.  ____________ tatay, mas mabuting hintayin natin lumipas ang bagyo. *
1 point
13.  Ulam at kanin ang itinira ko _______________ Nikko. *
1 point
14.  Siya ang pangatlong anak ___________ tiyo at tiya. *
1 point
15.  May balita ka ba ________________  pagbaba ng presyo ng mga bilihin? *
1 point
16.  Ang mga aklat _________ Anna ay nakakalat sa sahig. *
1 point
17. Tukuyin ang pang-ukol sa loob ng pangungusap:

Ang pinag-usapan ng magkapatid ay ukol sa nalalapit nilang pagsu-swimming sa Zambales.

*
1 point
18. Tukuyin ang pang-ukol sa loob ng pangungusap:

Ang mga bisikletang ito ay para kina Jasper, Nathan, at Joshua.

*
1 point
19. Tukuyin ang pang-ukol sa loob ng pangungusap:

Siya ay nagagasgasan dahil sa pagkasemplang ng kanyang bisikleta sa daan.

*
1 point
20. Tukuyin ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap:

Nagkita kami _____ parke nitong nakaraang Linggo.

*
1 point
21. Maaga pa ay gising na lahat ang mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang puting damit si Eloisa. Ito ang araw ng kanyang kasal.

Tungkol saan ang talata?

*
1 point
22. May iba`t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan.

Tungkol saan ang talata?

*
1 point
23. Ang aklat ay nagbibigay ng iba`t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Maraming bagay ang matututunan natin sa pagbabasa. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.

Tungkol saan ang talata?

*
1 point
24. Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng karamihan ay ang Kapaskuhan. Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit. Ang pagpunta at pagbibigay- galang nila sa kanilang ninong at ninang ay kinakikiligan din. At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos para sa araw na ito.

Tungkol saan ang talata?

*
1 point
25. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala Avenue, Makati City. Kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at malapalasyong bahay ng mga milyonaryo. Narito rin ang iba`t ibang mga hotel at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa.

Tungkol saan ang talata?

*
1 point
26. Isang mabait na bata si Joy, Lagi siyang kinagigiliwan ng kanyang mga kalaro. Hindi siya nakikipag-away sa kapwa niya kaya naman marami siyang kaibigan.

Tungkol saan ang talata?

*
1 point
27. Sa umaga pagkagising ni Lena ay nagliligpit siya ng kanyang hinigaan. Natutuhan na din niya ang paliligo at pagbibihis ng damit pang-eskwela. Pagkakain naman ng almusal ay hinuhugasan na din niya ang kanyang pinagkainan. Si Lena ay batang masipag.

Tungkol saan ang talata?

*
1 point
28. Si Langgam ay palaging nag-iipon ng kanyang pagkain. Wala siyang sinasayang na panahon. Masipag si Langgam. Lalo pa siyang sinisipag kung maganda ang sikat ng araw at banayad ang simoy ng hangin. Sa panahon ng tag-ulan, hindi nagugutom si Langgam.

Tungkol saan ang talata?

*
1 point
29.  Ipinagmamalaki ko ang pagiging isang Iskawt. Sa pagiging iskawt, natututuhan namin ang sumunod at gumalang sa nakakatanda, tumulong sa kapwa, maging kapakipakinabang at higit sa lahat mahalin ang sariling bayan. Ganyan ang batang iskawt!

Tungkol saan ang talata?

*
1 point
30. Ano ang dapat tandaan sa pagsisimula ng unang pangungusap ng isang talata?   *
1 point
31.  Ano ang dapat gamitin sa dulo ng isang pangungusap sa loob ng talata?   *
1 point
32.  Nahihirapan ang iyong magulang sa pagtatrabaho at madalas kulang na kulang ang kita nito upang matustusan ang inyong pagkain sa araw-araw. Ano pa ang ibang solusyon na iyong maaaring gawin upang makakain? *
1 point
33. Malapit na ang pasukan at alam mong higit na kailangan ang gadget tulad ng cellphone sa iyong pag-aaral. 

Anong solusyon ang iyong gagawin upang magkaroon ng cellphone na gagamitin sa pasukan?

*
1 point
34. I-type ang pang ukol na angkop sa pangungusap:

______ Finn at Jake ang bahay na iyan.

*
1 point
35. I-type ang tamang pang ukol sa patlang:


Pumunta ang volunteers _______ lugar na nasalanta ng bagyong Ulysses.

*
1 point
36. Anong pang-ukol ang ginamit sa pangungusap? I-type ang inyong sagot ng naka-CAPS LOCK.
  
 May balita ka ba tungkol sa parating na bagyo?
*
1 point
37.  Anong pang-ukol ang ginamit sa pangungusap? I-type ang inyong sagot ng naka-CAPS LOCK.

  Ayon sa ulat na ito, itinaas ang bababalang Signal Number 3.   
  
*
1 point
38.  Anong pang-ukol ang ginamit sa pangungusap? I-type ang inyong sagot ng naka-CAPS LOCK.

  Ang aklat ay nasa ibabaw ng mesa  
  
*
1 point
39.  Anong pang-ukol ang ginamit sa pangungusap? I-type ang inyong sagot ng naka-CAPS LOCK.
  
  Ang tulang isinulat ni Lina ay tungkol sa kanyang ina.
*
1 point
40.  Anong pang-ukol ang ginamit sa pangungusap? I-type ang inyong sagot ng naka-CAPS LOCK.
  
  Kung mawala ang kuryente, tanggalin mo ang mga plug sa mga kuwarto.  
*
1 point
Submit
Clear form
Never submit passwords through Google Forms.
This content is neither created nor endorsed by Google.