PHYSICAL MEDICINE AND REHABILITATION (PMR) UNIT PATIENT SATISFACTION SURVEY
DATA PRIVACY STATEMENT
Ang Apalit Doctor’s Hospital Inc. (ADH) ay lubos na nagpapasalamat sa paglalaan ng oras para sagutin ang survey na ito patungkol sa kalidad ng serbisyo ng doktor at empleyado, presyo , pasilidad at mga impormasyon patungkol sa iyong natanggap/natatanggap na medical care.
I. Pangongolekta ng Personal na Data
Hindi namin maisasagawa ang survey nang hindi nangongolekta ng personal na data mula sa iyo tulad ng pangalan bilang pasyente, pangalan ng kasama ng pasyente, petsa ng check-up
2. Dahilan ng pagsasagawa ng survey
Ito ay bahagi ng patakaran ng Department of Health (DOH) upang maisagawa ng ADH ang pagpapatibay, pagpapalawak at pagpapaunlad ng serbisyong medical sa mga pasyente sa Outpatient Division ng Medical Arts Building.
3. Saan namin ginagamit ang iyong personal na data?
Maaari naming gamitin ang iyong personal na data para sa sumusunod:
• Para sa mga layunin ng pananaliksik upang malaman ang mga bahagi ng aming serbisyong medical na nagugustuhan ng aming mga pasyente
• Para pamahalaan at i-develop ang mga serbisyong ibinibigay namin.
• Para malaman paano ma-improve ang aming serbisyong medical
• Para tiyaking sinusunod ng aming empleyado, ang mga tuntunin ng ospital
4. Paano ibinabahagi ng ADH ang iyong personal na data ?
Sa pamamagitan ng pag-uulat sa mga resulta ng aming survey sa DOH sa pamamagitan ng graphical representation at masusing pag-aanalisa ng mga sagot ng aming pasyente. Ang personal data mo ay hindi namin ibinabahagi sa DOH dahil ang ADH ang nag-iingat ng iyong personal data at kung hihilingin ng DOH na ibahagi namin iang iyong personal na data ay kukuha muna kami ng pahintulot mo. Kapag nakuha na namin ang iyong pahintulot, ihahayag lang namin ang nauugnay na personal na data alinsunod sa pahintulot na ibinigay mo.
5. Ibinabahagi ba namin ang iyong personal na data sa ibang tao?
Maaari naming ibahagi ang iyong personal na data sa iba pang third party tulad ng Philhealth, HM0 o organisasyon sa iyong pahintulot. Sa bawat naturang third party, papanatilihin namin ang kontrol sa paggamit sa iyong personal na data at magkakaroon kami ng kontrata sa third party na poprotekta sa personal na data mo laban sa hindi awtorisadong paggamit o paghahayag at magbibigay-daan sa third party na gamitin lang ang personal na data alinsunod sa aming mga tagubilin.
Maaari din naming ibahagi ang iyong personal na data sa iba pang tao kung kakailanganin namin itong gawin ayon sa batas o sa anupamang sitwasyon kung saan ang mga nalalapat na regulasyon ay partikular na nagpapahintulot sa amin na gawin ito nang walang paunang pahintulot mula sa iyo.
6. Gaano namin katagal na itatago ang iyong personal na data?
Itatago namin ang iyong personal na data nang hanggang 2 taon pagkatapos ng petsa kung kailan namin makukumpleto ang survey kaugnay ng petsa kung kailan ito nakolekta (maliban na lang kung magkakasundo tayo sa isang mas matagal na panahon). Pagkatapos nito, ide-delete namin ito at hindi na kami magkakaroon ng anumang kopya nito. Kung babawiin mo anumang oras ang iyong pahintulot sa pagproseso namin sa personal na data mo, ide-delete namin ang iyong personal na data sa panahong iyon at hindi na kami magkakaroon ng anumang kopya nito (tingnan sa ibaba para sa higit pang detalye kung paano bawiin ang iyong pahintulot). Magsumite lamang ng written rewuest patungkol sa pagdelete ng iyong personal information.
7. Saan namin ipinoproseso ang iyong personal na data?
Karaniwang naming ipinoproseso ang iyong personal na data sa Patient Care Division. Gayunpaman ay maaari itong iproseso sa ilang pagkakataon ng mga tauhang nagtatrabaho sa aming IT Division. Mayroon kaming istriktong direktiba sa aming mga empleyado sa Patient Care Division at IT upang matiyak na ginagamit nila ang iyong data sa naaangkop na paraan at para mapailalim ang iyong personal na data sa naaangkop na proteksyon.
8. Ano ang mga karapatan mo kaugnay ng iyong personal na data?
Maaari mong bawiin ang iyong pahintulot sa aming pagproseso sa personal na data mo anumang oras. Para gawin ito, dapat ay gamitin mo ang mga detalye sa pakikipag-ugnayan sa ibaba. Kapag nabawi na ang iyong pahintulot, hindi na namin ipoproseso pa ang iyong personal na data at ide-delete namin ito nang hindi nagpapanatili ng kopya. Kung nagbigay ka sa amin ng pahintulot kamakailan na ihayag ito sa isang third party (maliban sa isang paraang pinagsama-sama at anonymous), maaaring hindi na namin sila mapigilang iproseso ito.
Mayroon kang karapatang i-access ang anumang personal na data na ipinoproseso namin na nauugnay sa iyo. Maaari naming hilingin sa iyo na i-verify ang iyong pagkakakilanlan bago kami magbigay ng access sa kaugnay na personal data. Sa mga naaangkop na sitwasyon, maaari ka ring magkaroon ng karapatan na limitahan ang pagproseso ng iyong personal na data, o kung hanggang saan maaaring dalhin ang iyong personal na data, kung naaangkop.
Gusto naming tiyaking ang iyong personal na data ay tumpak at napapanahon. Kung magbabago ang anumang impormasyong ibinigay mo sa amin (halimbawa, kung pinalitan mo ang iyong email address), mangyaring ipaalam ito sa amin.
Kung hindi ka nasisiyahan sa paraan ng aming pagproseso sa iyong personal na data o kung mayroon kang anupamang reklamo kaugnay ng pagpoprosesong iyon, may karapatan kang hilingin sa Data Protection Officer (DPO) ng ADH para suriin ang bagay na ito.
9. Paano ka maaaring makipag-ugnayan sa amin?
Maaari kang makipag-ugnayan sa amin kaugnay ng pagproseso ng iyong personal na data sa exedpo.cjcaylao@apalitdoctorshospital